Spice 54: Who likes...who?

400 11 9
                                    

Hey jellies! Namiss ko kayo! XD hahaha Anyway, dahan dahan ulit akong babangon sa lusak! XD Here's the update!

****************************************

Jade's POV

Ang hirap talagang magpunta sa mall lalo na pag taghirap ka. Badtrip.

"Hihi Ang cute!" Rinig kong komento ni Jewel sa isang maliit na anime figure. Andito kami sa mall ngayon dahil nagpapasama si Sardonyx. Sus! If I know gusto lang non makasama si Jewel!

"Ang cute nga. Bibilin mo?" Sabi ko habang nakikitingin din.

"Wala ako pera eh. Hehe Next time!! I shall return!" Sagot naman nya. Haha. We're on the same boat, baby jewel! Mga magagandang mahihirap lang tayo!

"Hahaha sira! Tara na, baka hinihintay ka na nya." Aya ko naman. Ang usapan kasi ay sa NBS kami magkikita. Eh naaliw si Jewel sa mga nadadaanan namin, kaya hindi pa namin nakikita si Sardonyx.

"Ako lang? Di ba nandito tayo kasi nagpasama sya?" Takang tanong nya. Oops!

"Hahaha oo nga! Yun naman yung ibig kong sabihin." Kabadong sagot ko. Nahalata na ba nya? Hindi naman siguro?

"Oh. Ok! ^_^" wooh! Thank you Lord!

"^_^" Nginitian ko lang naman sya. Tapos ay naglakad na kami. And daming magagndang bagay dito! Plus madami akong nakitang magagandang laro!! Waah! Wala akong pera!

"Alam mo, narinig ko mag-usap sila Crystal at Amber. Ikaw ba may gusto ka na din?" Biglang tanong ni Jewel. Napaisip naman ako. Gusto? Hmm. Haha. Meron naman. Kaya lang, hindi ako ang gusto eh.

"Ah..eh..wala. Bakit mo natanong?" Sagot ko nalang.

"Wala lang. Ano ba'ng pakiramdam nun? Yung may nagugustuhan?" Pakiramdam? Hmm. Pa'no ba 'to i-explain?

"Hmm.. Natutuwa ka pag andyan sya. Masaya ka pag kasama sya. Pag malungkot ka, makita mo lang sya, gumagaan yung pakiramdam mo. Lagi mo syang naiisip. Yung kahit wala kayong ginagawa, basta kasama mo sya, masaya ka." Paliwanag ko. I think tama naman 'yung mga sinabi ko.

"Ahhh.." Reaksyon nya habang tumatango. Teka nga...

"Bakit? May nagugustuhan ka na ba?" Kabadong tanong ko.

"Hmm. Yup! ^__^" Masayang sagot naman nya! OMG! Sino?

"S-Sino?"

"Hmm. Secret! hihi basta masaya ako pag kasama sya!"

"A-Ahh.. haha.. Tingin ko gusto ka din nya. e he he he" Ayan nga at makikipagkita tayo sa kanya.

"Hihi ewan! Pero sana ganun din!" Kung si Sardonyx ang tinutukoy nya, ayos na. Gusto pala nila ang isa't-isa eh.

Ilang sandali pa ay nakita na namin si Sardonyx.

At si Cxyde. Teka, bakit andito 'to?

"Hey!" Nakangiting bungad ni Sardonyx kay Jewel. Oo, kay Jewel lang! Leche! Wala ako dito? Wala?

"Hello! (^o^) Andito din pala si Tanders! Hello Tanders!" Bati naman ni Jewel sa dalawa. Bakit nga ba andito si Cxyde?

"Andito na ang makulit. Tsk tsk tsk." Sabi naman ni Cxyde. At ayun, nagbangayan na sila.

"Bakit andito si Cxyde?" Bulong ko kay Sardonyx habang selos na nakatingin sya sa dalawa.
"Ang sabi ko kasi, may bibilin lang ako sa mall. Eh nataong may bibilin din daw sya. Kaya sumama." Paliwanag nya.

"Oh well, andyan na 'yan eh." Hindi pala nya masusolo si Jewel. Good-- I mean, sayang!

"Masyado ka lang kasing isip bata!"
"Matanda ka na kasi!"
"Mas matanda lang ako sayo ng isang taon!"
"Matanda ka pa din!"

"Hep hep! Hooray! Tama na 'yan! Tutal naman eh andito na rin tayo, ano ba 'yung mga bibilhin nyo? Tara na't bilin 'yun." Sabi ko. Eh kung hindi pipigilan 'tong dalawa, baka hanggang hapon ay nagbabangayan 'yan.

"Di ba sabi mo Cxyde may bibilhin ka?" Biglang sabi ni sardonyx. Naks! Pinapaalis na ba?

"Yeah. IB, accompany me." Biglang sabi nito at nagsimula ng maglakad habang hatak si Jewel!

"Oy teka lang!" Pigil naman ni Sardonyx. "Bakit sya ang isasama mo? Bakit hindi si Jewel?" At, teka, bakit ako naman?

"Bakit ako?" Tanong ko. Hindi naman kami close nyan eh!

"Yeah, why her? We're not close. I'd rather take IB with me."

"Ako ang nag-imbita sa kanila dito. Bumili ka mag-isa! Iwan mo si Jewel."

"Teka lang. Ano, sabay sabay nalang tayo bumili? ^^" Suggestion naman ni Jewel. Hmm. Pwede din.

"Fine." Biglang sagot ni Cxyde. Wow. Ambilis pumayag ah.

"E-Eh? Tsk. OK. Mauna na 'yung bibilin ko." Sabi naman ni Sardonyx.

*Hapon na.*

Ang sarap nilang pag-untugin! Nakakaloka!
Sa buong maghapon na nasa mall kami, hindi mapigil ang asaran ni dalawang isip bata. Yung isa selos na selos naman! Tapos mangyayari pang pag-aagawan nila kung sino ang katabi ni Jewel! At ako? Dakilang etchapwerang alalay!

"I'll take you home--"
"Ihahatid--"

"Stop!" Pigil ko sa kanila. "Uuwi kaming dalawa at uuwi kayong dalawa. That's it! Hala sige! Alis na!" Pagtataboy ko sa dalawa at hinatak na din si Jewel.

"Ihahatid na daw nila tayo. Bakit ayaw mo?" Inosenteng tanong ni Jewel.

"Kase baka makapatay ako ng tao. Nai-istress ako sa inyo! Kaloka! Ang ganda ganda ko eh! Kaya naman nating umuwi!"

"Sabagay! Haha tara na!"

Napangiti nalang ako. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang yun or what, pero I think, ang haba ng hair ng baby Jewel namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maganda Versus Gwapo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon