Spice 7: Mall Tour namin to! :D
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Quote:
"Gaano man karami ang kakompitensya mo sa puso ko, basta alam ko'ng IKAW na ang napili ko.. Lahat sila, taob sayo!"
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Silver's Point
"tol, wala ka ba'ng balak maggala manlang?"-tanong ni Sardonyx habang nakaharap sakin...
Nandito ako ngayon sa bahay.. may Classes kami pero ayoko pumasok... halos naaral ko naman na yun.. sayang effort.. (=___=)
"Ayoko... tinatamad ako.."-ako
"Alam mo tol.. *sabay akbay nya* Tayong mga gwapo, dapat hindi nananatili lang sa bahay.. dapat tayo, lumalabas!! Para nakikita ng mundo kung gano tayo ka Gwapo!"-Sardonyx
"Bakit lalabas pa ko? Madaming maiingit sa kagwapuhan ko... kawawa naman sila... (-__-)"-ako
"tol, normal lang yun.. Tadhana nilang kainggitan tayo... Kaya tara na, sumama ka samin.. Gala tayo.."-Sardonyx
"Tinatamad nga ako...(-__-)"-Ako...
Sino ba namang sisipaging lumabas ng bahay kung sobrang inet! Nakakasira ng balat yun! (-___-)
"Tol, sige.. kung ayaw mo.. edi wag.. pero tutal naman ayaw mo.. tanggapin mo'ng ikaw lang ang nag-iisang panget sa grupo ha?"-Sardonyx
"Tek na yan! Sa'n ba kase pupunta! Tara na nga!!"-ako
"Hahahaha oh kitams! Sasama din pala! Nag-inarte pa! XD"-Sardonyx
Kung hinahanap nyo yung tatlo pang ugok.. ayon.. tulog..
"Huuuy! Magsibangon nga kayo dyan!"-gising ni Sardonyx sa tatlo...
"Shit tol! Alam mo ba'ng puyat ako!! Tapos istorba ka pa!"-Alex na pilit na umupo
"Tol... kung nami-miss mo ko.. sige.. mamaya.. wag ngayon.. inaantok ako.. "-Onyx... umupo lang tapos humiga ulit.. tss
"Gagu nyo! Aayain ko kayong sumama samin ni Silver! Gala!"-Sardonyx
"San ba punta nyo?"-Cxyde na kababangon lang...
"Basta lang... minsan lang to.. tara na.."-Sardonyx
"Geh.. ingat nalang tol.. wag ka sana pumanget.."-yung tatlo...
"Kung ayaw sumama.. hayaan mo.. ang maiiwan naman dito.. tanggap na panget sya eh.. tara na .."-ako...
"Damn! Sino ba'ng nagsabing matulog ng ke-aga-aga?! Tara na't umalis!"-Onyx na biglang tumayo
"Hoy Cxyde! Tanggapin mo ng panget ka!"-Alex na tumayo at nag-inat na..
"Gagu! Ako? Na pinaka gwapo satin? Papaiwan? Mukha nyo!"-Cxyde na bumangon na din..
Kitams.. madali naman silang bumangon.. tamad lang gaya ko.. (-_____-)
Kanya kanyang auto naman kami.. sunod lang kay Sardonyx..
After ng 10 minutes..
"tol, seryoso? Ginising mo kami para dito?"-Alex
"Inistorbo mo ko dahil dito?"-ako
"Oh! Oh! Minsan lang naman tayo magpunta sa ganito eh! Kayo naman!"-Sardonyx
"Meh magagawa pa ba kami? Eh nandito na tayo!!"-Cxyde
"Tara nga, nasa mall na din naman tayo, kumain muna tayo.."-Onyx
BINABASA MO ANG
Maganda Versus Gwapo!
Teen FictionBabala!!! Caution!!! WARNING! WARNING!! Ghad! Ano pa ba'ng dapat ko'ng sabihin para mapaalalahanan kayo!! XD Mag-ingat! Ang istoryang ito ay punong-puno ng GWAPO'T MAGAGANDA!!! Seryoso! XD Hep hep! Hindi lang yan!! NAGLALAMAN DIN ITO NG MGA SALIT...