Spice 35: One Two Three!! :D
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Crystal's Point
"Maganda ako! Ang ganda-ganda ko!!"
Ay, so kapal naman nun.. sino ba ang--
O.O bakla?? Babae? Huh?
Tinignan ko kasi ang nasusumigaw ng Maganda daw sya.. at...wow..
Maganda nga!!!
Kaso.. err... pa'no ba.. may something aura sya eh.. parang lalaki na babae na ewan? (-___-)? Ano daw?
"Hoy Jerome! Ano'ng ang ganda ganda na sinasabi mo dyan? Baklang to!"-narinig ko'ng sabi nung babaeng lumapit sa kanya.. Ay shet! Bakla nga!!
"Vakit ba? Ako ang nanalong super Sireyna sa EatBulaga noh! Kaya maganda ako! at Jera ang name ko!! Hindi Jerome!"-bakla... in all fairness! May tama sya ha..
"Hindi mo kailangan ipagsigawan.."-kasama nya..
"Shonge! Nagiging totoo kasi pag ginagawa yun! Tignan mo 'kow? Living proof!!"-bakla..
"Kitilin na kaya kita ngayon? Para Dying Lie na ang kalabasan mo? Landi nito! Tara na nga!"-girl.. at lumayas na sila..
Hmm.. It becomes real if you say it out loud? Try ko kaya?
Habang naglalakad papasok sa University.. ginaya ko si Bakla kanina! :D haha maganda ako eh!
"Ang ganda ganda ko!"-ako
pinagtitinginan na 'ko ng mga schoolmates ko na nadaan din. pero kiber lang! Pake ko noh?
Malapit na sana ako ng..
*buuug*
Ouch.. my curvaceous butt!
Tinignan ko naman ang nabunggo ko..
OMO! I didn't know Goliath exist? O.O!! Hala!
"Ano ba miss! Mag-iingat ka nga!! Sagabal ka eh!"-manong giant.. anlaki din ng boses.. scary..
"Hindi ko naman sinasadya.."-sabi ko pagtayo ko.. aba! Natumba na nga ako eh!
"Eh tanga tanga ka eh! Sa laki ko'ng to, natamaan mo pa ko!"-giant..
"Eh kaya nga kita natamaan! MALAKI KA KASI!!"-sabi ko.. obvious naman ho!!
"Ano?!"-sya.. Hala! Nagalit!
Medyo napaatras ako... lumalapit sya eh..
tumingin ako sa paligid.. where are.the people?!! Bakit nawalan na ng tao dito?!
"Ikaw miss, matuto ka'ng lumugar!! Dapat sa'yo turuan ng leksyon!"-sya habang nalapit..
"K-Kaya nga ako papasok eh!! Para matuto ng leksyon noh!!"-sagot ko.. pero kinakabahan na 'ko.. swear..
Atras lang ako ng atras... sya naman lapit ng lapit..
*bump.*
Hala! Pader na???
Eh?? Hindi eh.. parang..
"Big Jimmy.. napasyal ka ata?"-sabi nung pader sa likod ko.. huh? Pader?
tinignan ko yung nasandalan ko..
Wow.. A very muscular chest of a very handsome guy!! Akala ko pader! Antigas eh! (>,.<)o
"A-Alex?"-sabi ni giant ng nauutal..
"Yow.."-sabi ni mokong..
Bigla naman tumakbo yung lalaki... eh?? NATAKOT??
"Ayos ka lang amazona?"-tanong nya..
"Tsk.. mokong ka! hmmp salamat!"-ako.. labag man po sa aking kalooban. nagpasalamat na din ako! Kahiya naman kase!
"Haha wala yun! Akala ko ba amazona ka? Bakit inatrasan mo si Jimmy? :D"-sya in his teasing voice!
"Eh sa anlaki nung higante eh!!"-ako. Amazona ako. pero hello! Higante yun! Di ko keri!
"Haha weak ka pala eh.."-sya.. Psh.. yabang..
"Geh. Thanks again sa pagtulong. Alis na 'ko. May pasok pa 'ko eh.."-ako.. Late na 'ko.. hay naku..
"Hatid na kita?"-sya... geh?
"Wag na.."-ako.. hehe
"Tara! Hatid na kita sa school nyo. Baka balikan ka ni Jimmy eh.."-sya tapos naunang maglakad. Edi goooo!
"Bakit pala nandito ka?"-ako
"Kumain kami dun sa Karinderya ni Aling Nena.. tapos naglakad lakad muna 'ko. Tsaka kita nakita.."-sya. Ah..
Malapit na sana kami sa school.. ng.. lumabas si giant na may kasamang.. resbak? Andami!!
"Oh! Tara na Alex! Ngayon ka magyabang!"-giant
"Haha.. nagsama ka pa talaga ng resbak?"-medyo pang-asar na sabi ni mokong..
Hmm.. ito siguro yung tulad sa mga nababasa ko!! Yung malalaman ko na magaling makipaglaban si guy! Na kaya nya yung madami!! Wiiiih! real life experience! (^_______^)
Naramdaman ko naman na hinawakan ni mokong yung kamay ko..
"Crystal..."-sya.. eto na! Sasabihin na nya yung mga katagang 'pumikit ka muna, ayokong makita mo 'ko sa iba kong pagkatao'.. o kaya.. 'panuorin mo 'ko kung pa'no ko patumbahin lahat yan!'... ka excite!! (*u*)
"B-Bakit?"-ako.. pa-innocent effect kunwari! hihi eto na!!!!
"One... two..."- huh? bakit may bilang?..."three.... TAKBOO!!!"-tapos hinatak na nya 'ko!!!
Nyeh????!!!
tumigil kami sa isang coffe shop... pumasok na kami.. baka makita pa kami eh..
(=______=) ano ba yan...akala ko bakbakan na!! Expect the unexpected sabi nga nila.. tsk
"Hahahaha natakasan natin sila! :D"-sya habang hinihingal pa..
"Bakit tinakbuhan natin? Akala ko ba marunong ka'ng lumaban?"-ako. nakaka-turn off naman yung ganito! Natakbo!
Ngumiti muna sya.. tsaka nagsalita.
"Kung ako lang mag-isa.. kaya ko sila... kaso kasama kita.. Baka makuha ka at masaktan pa.. ayoko naman'g may mangyari sa'yong masama dahil sa kalokohan ko.."
+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+°•--+
hehehe pasensya na po kung hindi sya kilig or what... natuwa lang ako i-type.. :'3
Na-a-astigan kasi ako sa mga lalaking alam tumakbo mula sa kalaban.. basta maprotektahan yung babae. Kesa makipagyabangan, tapos sa huli.. nasaktan din yung babae.
Cool nung ganun! (sa point ko! Ewan ko sa inyo!!)
Pero syempre!! ASTIG din yung nalaban! XD haha (baliw much ako)
Rak On Funky Jellys!! \\(★-★)//
~♥CanYouForgetThisGirL
BINABASA MO ANG
Maganda Versus Gwapo!
Roman pour AdolescentsBabala!!! Caution!!! WARNING! WARNING!! Ghad! Ano pa ba'ng dapat ko'ng sabihin para mapaalalahanan kayo!! XD Mag-ingat! Ang istoryang ito ay punong-puno ng GWAPO'T MAGAGANDA!!! Seryoso! XD Hep hep! Hindi lang yan!! NAGLALAMAN DIN ITO NG MGA SALIT...