Untitled

7 4 4
                                    

So I have this friend named Keon. He's cute, talented, matalino, matangkad, gwapo, hot-basta 'yun. Kung hindi niyo nalalaman, crush ko siya simula elementary palang kami. Ang hirap nga lang umamin kase nga diba magkaibigan kami. Maraming beses na akong sumubok na umamin sa kaniya.

Nung unang beses kong nagtangkang umamin e' na-utot lang ako. Nakakahiya! Sa dinamidaming pagkakataon iyon pang aamin ako! Bakit ba kase ako kumain ng panis na cake!

Sa ilang beses kong nagtangkang umamin ay hindi ako nagtagumpay. Pero ngayon ay naglakas luob akong umamin sa kaniya. Ginawa ko talaga ang lahat nag practice pa ako ng script at siniguradong memorized ko na iyon para hindi na ako mahirapan kapag kaharap ko na siya.

Hindi naman sa pagmamayabang pero feeling ko din kase may gusto siya sa akin. Pa'no ba naman ang harot tuwing icha-chat ko siya. Oo, ako ang unang gumagawa ng paraan maka chat lang siya. Wala na nga ata akong hiya sa katawan. Wala namang masama mag first move nasa sayo na 'yon.

"Keon!" Tawag ko sa kaniya habang hinahabol ang hininga ko. Ang bilis niya naman kaseng maglakad e akala mo may humahabol! Well, hinahabol ko naman talaga siya pero hindi niya kailangang magmadali duh.

Lumingon siya sa'kin at tinaasan ako ng isang kilay. Sungit. Pasalamat siya crush ko siya.

Bumuntong hininga muna ako bago siya nilapitan at ngumiti ng todo-todo. Nagmumukha na siguro akong tanga sa harapan niya.

"What?" Ayan na naman, nagsusungit na naman! Akala mo hindi ako hinaharot sa chat e' no.

"A-no k-kase" Ano ba naman yan Chay ayusin mo.

"Kung wala kang sasabihin aalis na ako-"

"'Wag!" Napakagat ako sa ibabang labi ng ma realize na napalakas ang pag sigaw ko kaya napalingn sa amin ang mga dumadaang tao. Ba't ba kase ako kinakabahan!

"A-ano kase-" Narinig ko siyang bumuntong hininga bago ginulo ang buhok ko. Napatulala ako sa mukha niya.

"Na crush mo ako? Tsk, matagal ko nang alam 'yan." Tila tumigil ang mundo ko at umakyat lahat ng init sa aking pisngi. Shit. Alam niya. Alam niya?!

Gulat akong napatingin sa kaniya.

"Alam mo?!" Ngumisi naman siya saka tumango.

"P-pano mo-" Hindi pa ako tapos magsalita nang hatakin niya ako sa bewang at siniil ng halik. Unti unti akong napa pikit. Nauubusan ng lakas kaya napakapit ako sa dibdib niya.

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa saka nagsalita.

"Apparently, I don't like you-"

"E' tangina mo pala e'! Hindi mo ako gusto tapos hinalikan mo'ko?!" Wala na. Tuluyan nang nasira ang mood ko! Che!

"I don't like you, but I do love you." And we live happily ever after!!!

A Compilation of Short StoriesWhere stories live. Discover now