Paubaya

3 3 0
                                    

"Happy Anniversary Mahal ko."

Masayang bati ko kay Austin sabay halik sa pisngi niya. Today's our 4th Anniversary. Medyo naninibago pa ako dahil noong una naman kapag hinahalikan ko siya sa pisngi ngumingiti siya. Pero ngayon, umiiwas siya. But I should understand him. He's been through a lot already and I know he's still suffering from all of those pains. Silly me, I should understand him. He's just tired.

"Yeah."

Maikling sabi niya. Right, pagod lang siya Cesia okay? Huwag kang mag-isip ng kung ano. Ngumiti naman ako sa kaniya at umupo na sa katabing upuan. Nanunuod kase kami ngayon ng sine. Sabi niya kase na pagod siya maghanda kaya manuod nalang daw kami ng sine. It's okay for me though. Presence niya lang ay okay na.

"How have you been, mahal?"

Tanong ko sa kaniya. It's been months na din kase simula nu'ng umalis ako at nangibang bansa. My Family forced me though I don't want to go away far from Austin. He begged just for me to stay. Pero wala akong magawa, pamilya ko na ang nagdesisyon. And days after I left, his twin sister died. He was so devastated that time. He loved her sister so much na kahit isang lamok ayaw niyang padapuhan. I wanted so much to go home but Kuya won't let me dahil makakasaman daw iyon sa kalusugan ko.

Halos araw araw hindi siya kumakain. I still managed to communicate with him through my cousin. Her name's Shantall. I told her to look for Austin while I am away. She promised me she will. Sabi ko pa na huwag papalapitin ang mga babae, tumawa naman siya sa sinabi ko.

"I'm good now. Ikaw?"

Now here's my love. Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. I gently squeezed it. Tumingin siya dito at umiwas ng tingin kaya kumunot ang noo ko pero hindi ko na iyon pinansin.

"Ok lang din. Mabuti naman at okay kana. Masaya ako."

"Yeah, thanks to Shantall."

What the? Okay Cesia, she thanked Shantall kase siya iyong nandiyan sa tabi niya noong nasa ibang bansa ka. Simple because you told her to.

"Yeah, I asked her to look for you while I'm away." Tumango naman siya.

We talked about everything that happen for the past months. I suddenly wanted to cry because of what happened. He's really been through a lot. After we talked he gave me a ride to my condo. And after that he just drove his car. I just shrug the thoughts in my mind and entered my room

-

Ilang araw na ang lumipas at napaka boring ng buhay ko! Walang text si Austin ni isa! Ano ba naman iyan. Ilang oras pa ang hinintay ko bago nakita ang text niya. Agad akong napabalikwas sa kama ng makita ang pangalan niya.

"I'm sorry kung ngayon lang ako naka text mahal, masyadong maraming papeles ang inaasikaso namin dito sa office."

Napangiti ako ng malawak. Ayon naman pala eh, busy lang Cesia nag o-over react kana agad. Hanggang sa matapos ang araw ay hindi pa din mawala ang ngiti sa labi ko.

Few days later at andito lang ako nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Wala na naman kaseng text si Austin sa akin eh. Siguro busy ulit. Bahala na nga. Na buryo ako kaya naisipan ko munang mag online sa facebook ko.

Muntikan na akong malaglag sa kama ko pagkatapos makita ang laman ng news feed ko. It was a photo of Austin and Shantall. They two look like lovers. Magkahawak ang kamay nilang dalawa at nagtatawanan pa. Ni-screenshot ko ito kahit na nanginginig ang kamay ko. Hindi ito totoo diba? It was posted 3 minutes ago. I tried to refresh my feed at hindi ko na ulit nakita ito. Ni-stalk ko din si Shantall at si Austin pero wala na talaga.

I tried to smile despite of my thoughts. No, hindi nila magagawa iyon. Shantall is my closest among all of my cousins. She's like a sister to me. Austin on the other hand is loyal to me. Right, they can't do that. Silly Cesia, para kang tanga.

A Compilation of Short StoriesWhere stories live. Discover now