Eyes

6 4 0
                                    

I have this friend named Leah. Among all of our friends she's the only one na palaging nakasuot ng shades. I never saw her without those. She even got bullied because of it but seems like it's just nothing to her. I got nosy so I myself asked for a listening device to my detective friend.

One day, when I was busy solving codes and riddles in my phone, I saw her walking across the street. Nagtaka ako dahil mukhang wala siya sa kaniyang isipan, she didn't even know na maraming sasakyan ang dumadaan kaya pinuntahan ko siya.

"Hey Leah, are you okay? Mukhang wala ka sa sarili mo. Ano bang nangyari sayo?" Para naman siyang nakabalik sa katinuan nang magsalita ako. Humarap siya sakin at binigyan ako ng matamis na ngiti. But I know it's all fake, nakikita ko sa mga mata niya na may pinagdadaanan siya pero hindi ko nalang 'yun ipinahalata. "Okay lang ako Gab, medyo stressed lang sa modules kaya eto." Tumango naman ako at nginitian siya pabalik. "If you say so. Ingat ka sa susunod." Pagkatapos nu'n ay dumiretso na siya sa bahay nila, she even smiled at me before entering their gate. Little did she know that I put the listening device on her shades when she removed it earlier. It was my first time seeing her eyes, but I didn't mind at all. Later that night I prepared myself to listen and observed about her. Hindi ko naman talaga gusto na pakealaman ang buhay niya but I was just curious on what's going on with her.

Habang nag s-strum ako sa gitara ko ay bigla kong narinig ang boses ng Mommy ni Leah. It was from the listening device I attached in my laptop. "Leah kamusta ang grado?" Rinig kong tanong ng Mommy niya. " M-mom Dad, I'm very sorry. May isa akong subject na bumaba from 98-96. I'm very sorry Mom, I-i did my best naman—" She didn't finished her sentence when her Dad barged in. "Best?! Anong best du'n ha? Pinapahiya mo ang pamilya natin! Bakit hindi mo gayahin ang mga pinsan mo na laging matataas ang grado?!" Napapikit ako dahil sa lakas ng boses ng Dad ni Leah. "Dad I—" "Huwag kanang sumagot! Wala ka na ngang ambag wala ka pang silbe! Matilda pagsabihan  mo iyang bobong Leah na 'yan ang taas pa naman ng expectations ng mga ka-pamilya natin diyan tapos ang bobo!" At pagkatapos ay nakarinig ako ng malakas na tunog, then Leah's cry. Dang! I knew it. They've been pressuring her too much.

Pagkatapos ng ilang sandali ay narinig ko ang boses ni Leah. "I-i'm so stupid..." No Leah you, you are not! Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ginawa mo naman ang best mo, sadyang hindi lang nila nakita 'yun. Days have past pagkatapos kong marinig ang usapang iyon. Minsan nalang din pumapasok sa klase si Leah. Kinakausap ko siya pero hindi niya ako sinasagot. Madalas na din siyang nakatulala sa klase at palagi na siyang may suot na hoodie at shades. The first time I saw her eyes parang gusto ko siyang yakapin. 'Yun ang unang beses na nakita ko ang mapupula niyang mata na parang gabi-gabi siya umiiyak. At 'yun na din pala ang huling beses na makikita ko 'yun, because I am now seeing Leah's beautiful face with her dead body inside a coffin. I wish I could bring back time just to help her but I know I can't anymore. May she finds her peace in paradise.

A Compilation of Short StoriesWhere stories live. Discover now