"Bes, ghad! You wouldn't believe this!"
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school namin ng bigla akong kinalabit ni Serine—best friend ko—or so i thought. Kaya nilingon ko siya ng naka kunot ang noo.
"Ay ano ba yan! Excited pa naman sana akong sabihin sa'yo tapos gan'yan 'yong itsura mo." Pagmamaktol niya pa na parang bata. Napangiti nalang ako saka napailing.
"Ano ba kase 'yan?"
Narinig ko pa siyang tumili kaya inirapan ko siya. Naku, mukhang alam ko na 'to ah?
"Eh kasi, n-niligawan na ako ni J-josh." Utal niyang sabi habang namumula ang pisnge. W-what?
"Di'ba siya iyong crush mo?" Kunot noong tanong ko. Josh De Vera ba?
"'Yon na nga eh." Hmm. Okay, di naman masaket. Ngumiti nalang ako sa kaniya at tumango.
"Nays, ayus iyan. Crush ka din nu'n eh." Saka ako naglakad palayo sa kaniya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Josh is my crush ever since. But let's call it love. I love him so much to the point na kaya kong magtiis kahit na ang sakit na. He never really noticed me as his admirer but as his crush' best friend. Yeah, M.U. sila ni Serine. Sana all di'ba?
I kept my feelings towards him as a secret dahil saksi ako kung gaano ka addict ang best friend ko sa kaniya. Saksi din ako kung gaano niya ka mahal ang best friend ko. And it pains me so much. Pero tanggap ko iyon, dahil sino nga ba ang magkakagusto sa'kin?
—
Months have passed at sinagot na din ni Serine si Josh. Josh was so happy back then. Saksi ako dahil ako ang nag organize nu'ng surprise na pagsagot ni Serine sa kaniya. How I wish I was her.
Everyday, walang ibang bukambibig si Serine kung hindi si Josh. At ako naman, bilang supportive na kaibigan, gora lang. Kahit masakit na. I'll support them both and that's a promise.
Their relationship is healthy pa naman. Not until, we found out na Serine has a Cancer. Stage 4 na iyon. Sobrang iyak ko nu'n dahil sino bang mag-aakala? Sino bang mag-aakala na mangyayari ito? Wala naman eh. At hindi namin ito ginusto lahat. Especially Josh, he was so devastated back then. Noong ipinadala si Serine ng kaniya magulang sa US para ipagamot ay pinigilan sila ni Josh. He even said na kaya niyang ipagamot si Serine kung isasama lang siya. Ganu'n niya kamahal ang best friend ko.
Pero nagalit ang parents ni Serine. Pato sa'kin. Pero bago umalis si Serine sinabi niya sa akin na bantayan ko daw si Josh para sa kaniya. Dahil babalik siya at pinapangako niya iyon. And I hold on to that promise. Inalagaan ko si Josh.
Siyempre masaya din ako dahil nakakasama ko siya pero mas mahal ko ang best friend ko kaya hindi ko siya bibiguin.
"Jane?"
Napalingon ako kay Josh na tawagin niya ako. Andito kami ngayon sa condo niya. Binibisita ko siya dito araw araw para makasigurong wala siyang gagawing masama.
"Yes?"
Lumapit ako sa kaniya. He smiled and reach for my hand. He caressed it gently, making my heart beat so fast.
"I love you, Jane."
Bigla akong nanlamig sa sinabi niya. No, this can't be. How about my best friend? No, I can't fail her. Sinabi ko lang na alagaan si Josh pero hindi itong nangyayari ngayon.
"N-no Josh. You don't love me okay? Mahal mo si Serine at hindi ako."
"Mahal kita Jane. Mahal kita dahil ikaw ang nandito para sa'kin. Jane, trust me." No. Hindi kita papaniwalaan.
Pero kinain ko lang ang mga salita ko. Niligawan ako ni Josh at sinagot ko siya. Although I felt sad, kase parang binigo ko din ang best friend ko. Wala na kaming update sa kaniya simula nu'n. And ghad knows na hinihiling ko na sana okay lang siya.
"Babe, what do you want to eat?"
Tanong ni Josh habang naghahanda ng mga ingredients dito sa kusina. He's topless at apron lang ang tanging saplot pang-itaas niya. I blushed at that thought.
"I want kare-kare Babe." I then hugged him tight at the back. Naramdaman ko ang pagngiti ni Josh.
"Well then, I'll cook kare-kare for my Baby."
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kami na ni Josh. It's been 8 months. Masayang masaya kami dahil nagtagal ng 8 months 'yong relasiyon namin.
Ang saya saya namin na tipong hindi ko na na aalala si Serine. Ni hindi ko nga alam kung okay na ba siya.
Ang saya namin ni Josh. Not until, we found out na buhay si Serine at ngayong araw ang balik niya. Tuwang tuwa ako kase finally makikita ko na ulit ang best friend ko na naka survive sa stage 4 cancer. Miracle right?
Pero lahat ng saya ko ay nawala the moment he kissed Josh on the lips. She kissed my boy friend in front of me! Hindi manlang nagawang umiwas ni Josh. He knows I'm here. Alam niya na andito ako! Pero bakit ganu'n? Bakit hinayaan niya lang si Serine?
Unti unti tumulo ang luha ko pero hindi ko iyon dinamdam. Hindi ako nagpaalam sa kanila na aalis ako dahil mukhang hindi naman nila ako napapansin dahil ang saya nila. Hah!
Dumiretso ako sa condo ni Josh at doon nagkulong. Uupo na sana ako sa sofa ng may makita akong bahagyang naka bukas na kahon. Hindi ko pa naman ito nakita dito. Baka ngayon lang?
Kinuha ko ang box at tinignan ang laman nito na pinagsisihan ko agad. Nanlambot ang mga tuhod ko sa nabasa at nakita ko. Freak! Unti unting tumulo ang luha ko. H-how? Paano niya nagawa sa akin ito?
A-all this time... All this time, ginagamit niya lang pala ako?! He freakin' used me! Ginawa niya akong pampalipas oras! Alam niya... Alam niya lahat ng nagyayari sa buhay ni Serine for the past 8 months. Alam niya lahat. They communicated without me knowing. Darn! They... They used me.
Kaya pala. Kaya pala kapag tinatanong ko siya kay Serine iniiba niya ang topic? I should have known. Ang tanga ko lang kase naniwala pa ako sa mga promises niya. Nakalimutan ko na 'Promises are meant to be broken' pala. Ang tanga ko na inakala kong minahal niya talaga ako. Pero hindi pala. Ginawa niya lang akong pampalipas oras dahil nami miss niya ang best friend ko.
Pero sana manlang sinabi niya noon pa. Hindi iyong nabubulag ako sa mga kasinungalingan niya. Mas mabuti oa na sampalin niya ako sa katutuhanan kaysa pagsabihan ng mga kasinungalingan.
Starting today, I won't believe in promises nor love anymore. You all just wanted to hurt someone's feelings to satisfy yours.
—
Oha! Bored ulit ako HAHA. Libre ulit lait gais. You can correct my grammars, I would gladly appreciate it. Thankyou!
P.S. sorry kay super duper cringe gid sakon maghimo story. Like hey, am still learning y'know? You're free to judge tho.
YOU ARE READING
A Compilation of Short Stories
Short StoryShort stories written by me are posted here. Some of them are posted on my rp accounts, others are from my ra, just letting you know so that I won't get plagiarized. P.S. some of them are my old works so expect a lot of errors in the story.