That Should Be Me

5 4 2
                                    

It all started with just one "Hi". The first time I saw you, duon ko naramdaman ang sinasabi nilang pagtigil ng mundo. I can't move my feet kaya nalagpasan mo ako. I was walking on the ground back then.

And Ghad knows how you have that effect on me. Hindi ko alam kung ano iyon pero isa lang ang sigurado ko, gusto kita. I tried to search your name on the internet and there I saw you. I added you first, wala naman kaseng masama sa first move.

Hanggang sa palagi na tayong nagcha-chat. Bawat oras na nagcha-chat tayo, aaminin ko na nahuhulog na ako sa'yo. At sa mga panahong iyon, sinabi mo din na nahuhulog kana sa'kin. Bumabanat ka palagi, Nagse-send ka ng mga pics mo. Tumatawag ka din. Kilala pa ako ng ilang family members mo.

Napaka seloso mo din. Pero isa iyon sa mga nagustuhan ko sayo. Kapag nagtatampo ako, isang I Love You mo lang okay na ako. Marupok na kung marupok pero ganu'n talaga ako e. Tapos kapag nagseselos ka siyempre magtatampo ka nu'n tapos kapag nagtampo ka siyempre hindi kita susuyuin kase hindi ako marunong nu'n. Charot! Siyempre susuyuin din kita, mahal kita eh.

Sabi nga nila ang crush tumatagal lang ng apat na buwan, pero kapag lumagpas na mahal mo na iyon. At tama nga iyon. I'm in love with you. You started courting me pero kahit gusto ko palagi kong sinasabi na study first ako dahil iyon ang pangako ko sa mga magulang ko. Pero gustong gusto ko talagang sabihin iyon sa parents ko. Gusto kong sabihin sa kanila na 'Ma, Pa, may nanliligaw sa'kin. Gusto ko siyang sagutin kaso study first pa ako.' Iyong ganu'n ba?

Tanggap mo naman, sabi mo. Okay lang. Mag-aantay ako kahit gaano pa katagal. Sabi mo, ako lang ang mahal mo at titignan mo kahit na maraming mga magagandang babae sa paligid mo. Sabi mo iyon. Pinangako mo na ako at ako lang.

Okay pa naman kahit walang tayo. M.U. lang muna tayo. Okay lang ang lahat. Okay pa...

Hanggang sa nawawala na iyong bond sa pagitan nating dalawa. Feeling ko kase hindi tayo ang para sa isa't isa kase alam mo na, hindi ako maganda tapos ang gwapo gwapo mo. But you still treated me like I was the most beautiful girl in the world. Palagi mong sinasabi sa'kin na maganda ako in my own ways. Na tanggap mo ako kahit ganito ako.

But one time, nawawala na ang sinasabi nilang 'feelings' ko sa'yo. Kaya hindi na kita nacha-chat. Hindi ka din naman nagrereply kaya sabi ko sa sarili ko na 'Okay, may iba na siguro ito but that's okay, at least happy siya.'

Until today, you broke your promises. Iyong sinabi mo na aantayin mo'ko hanggang sa pwede na ako? Iyong mga sinasabi mo na ako lang? Asan na? Bakit biglang nawala? Pero alam ko naman na may kasalanan ako. Kase hindi ko ipinaglaban iyong nararamdaman ko. Sabi nga nila na baka infatuation lang iyon pero hindi e.

And now you're happy with someone else. Ang saya saya mo. Iyong dating ako ang nagpapasaya, sa iba na sumasaya. Noon ako ang dahilan ng pagngiti mo, ngayon siya na. At ngayon ko lang din na realize na mahal pa talaga kita. Sabi nga nila na saka mo lang makikita ang worth ng isang tao kapag wala na siya sa piling mo. At isa lang ang masasabi ko sa sarili ko. Isa akong TANGA. I SHOULDN'T HAVE LET YOU GO kong hindi ako naging tanga, akin ka pa din sana hanggang ngayon.

A Compilation of Short StoriesWhere stories live. Discover now