"Hindi ka niyan mapapansin uy! Tigilan mo na kakatitig diyan sa picture niya."
I smiled bitterly dahil sa sinabi ni Grechen. I know, he won't notice me. Simula palang alam ko na, na hindi niya ako mapapansin kahit kailan dahil sikat siya. At dahil sikat siya kahit 1 minuto niya palang na post ang larawan niya ay libo-libo na agad ang nagre-react.
Tinignan ko ang picture niya na kaka-save ko palang sa gallery ko. Ito 'yong newest pict niya na talagang nakakuha ng atensiyon ng karamihan. At isa na ako du'n. Bago ko palang siya nakilala dahil sa kaibigan ko na isang reader niya. Yes, he's a writer. A famous one. He's too famous to reach. Pakiramdam ko ay ang layo-layo ko sa kaniya.
Na kahit ata pareho kami ng lupang inaapakan ay hindi ko pa din siya maaabot. I've read all of his works in just a month. Ang dami na niyang nagawang kuwento patungkol sa iba't ibang genre at lahat nang 'yon ay nabasa ko na. Nagpupuyat ako para lang mabasa at makatapos ng isang story sa isang araw. Para akong naa-addict sa mga stories niya. He's just so damn good at writing.
Noong una naman ay ayaw ko talaga sa mga manunulat lalo na ang mga lalake. Nababaklaan kase ako kapag sila ang gumagawa ng story. But when i met this man named Jaxon Ferrari a.k.a Jaxtheone ay nagbago ang lahat ng iniisip ko sa mga manunulat na kagaya niya. I appreciated them and their works too kase napanood ko noon sa interview ni Jax na hindi biro ang magsulat. Isipin mo, gagawa ka pa ng plot ng story mo, kailangan mo pang lagyan ng twist, kailangan mong ayusin ang grammar dahil kunting pagkakamali mo lang ay iju-judge ka nila. You should update frequently para hindi mabitin ang mga readers mo.
Katiting palang iyan sa mga iisipin ng mga writers. Kaya i'm so proud of him. Kahit nga sinasabihan ako ng mga pinsan ko—most especially Gretchen—na I have to accept the truth. The truth na hindi niya mapapansin ang isang katulad ko. Ang katulad ko na pangit, mahirap basta pang low class.
Alam ko naman iyon. I know my limits and I know when to stop. I just want to support him from now. Kahit hindi niya ako kilala dahil hanggang basa at vote lang naman ako sa mga stories niya pero siyempre ni-follow ko din siya sa mga social media accounts niya. Pero hanggang du'n lang iyon. Hindi ko gustong magpapansin sa kaniya kase alam ko naman na malabong mapansin niya ako. Famous nga siya diba?
"Gre, alam ko naman iyon. Siyempre famous siya kaya malabong mapansin niya ako pero siyempre sinusuportahan ko lang siya."
"Anong klaseng suport ang pagtingin sa mga litrato niya?" Aniya ni Gretchen habang naka-taas pa ang kilay.
"Uh, Social Media support?" Inirapan lang ako ni Gre at saka pumasok sa kwarto niya.
I smiled habanh tinitignan ang larawan niya. Someday, alam kong makakahanap ka din ng babaeng magpapasaya sayo ng buo. Iyong tipong wala kanang poproblemahin. Iyong babaeng kayang ibigay ang mga
pangangailangan mo bilang isang lalake. Isang babaeng maihaharap mo sa public. Ang tipong hindi mo ikakahiya. Alam kong hindi ako iyon. I'm just your reader anyway. Nothing more.Tanggap ko na ito noon pa man. Kaya, mananatili akong reader mo. Susuportahan kita sa abot ng makakaya ko. Kase iyon lang ang magagawa ko para sayo. Kahit hindi mo alam na nag e-exist ako.
YOU ARE READING
A Compilation of Short Stories
Short StoryShort stories written by me are posted here. Some of them are posted on my rp accounts, others are from my ra, just letting you know so that I won't get plagiarized. P.S. some of them are my old works so expect a lot of errors in the story.