" Trisha, do you take Miguel as your lawful husband, have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
I closed my eyes. Not wanting to speak. Hindi ko alam kung anong isasagot. Kung pupuwede lamang ako tumalikod ngayon ay ginawa ko na. Pero hindi. Dahil kailangan ko si Miguel. Kailangan ko ang kanyang pera.
" I do, father."
Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang palad. I can see his jaw clenching because of anger. Gusto ko siyang tawanan sa ngayon dahil na rin sa pagiging pikon niya. But that will only show more of my mean side.
" Therefore, I pronounced you both as husband, and wife."
That was about two years ago. Hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa memorya ko ang araw na iyon. Kung paano ko nakita ang matinding galit sa akin ni Miguel matapos kaming ikasal. Well, hindi ko naman siya masisisi, lalo pa't nagkaroon siya ng isang asawa na ang nais lamang makuha sa kanya ay pera.
Sinarado ko ang aming wedding album. Ayokong makita ako ni Miguel sa ganitong lagay. Dahan-dahan kong nilagay sa aking cabinet na kung saan hindi niya makikita. Wala kasi siyang alam na meron kaming photo album nung kasal namin.
Lalabas na sana ako ng aking kuwarto nung bigla na lamang siyang pumasok. Hindi lang iyon. His eyes are blazing like fire. Parang gusto niya akong patayin ng buhay gamit ang kanyang mga mata.
" Ano na naman ang nalaman ko kay Ciera? Na pupunta ka sa isang socialite party?" puno ng galit sa kanyang tinig. I looked into his eyes. Bakit naman ako hindi titingin eh totoo naman ang kanyang inaakusa sa akin.
" Bakit? May problema ba doon?" inosente kong tinig. Gusto ko lang siya lalong galitin.
" Oo! Isaksak mo sana sa kukote mo Trisha na savings ko ang ginagamit mo. Kahit na conjugal property ang pera ko, masama pa din na marinig ko na lang mismo sa ibang tao ang gagawin mo sa pinaghirapan ko. Socialite party? My god!" sigaw niya. Unti-unti nang namumuo ang galit sa dibdib ko pero pinipigilan ko na ilabas iyon.
" Sorry, Miguel. But I already agreed. I'm attending it. Kung gusto mo, hindi na lang ako magsusuot ng gown. I'll wear my white t-shirt with my good Converse shoes. Siguro naman hindi ka na maiinis na hindi na ako bibili ng gown?" tanong ko sa kanya. I'm dead serious. Ganoon nga ang susuotin ko.
His jaw dropped, na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. "You're crazy. Bahala ka na nga diyan!" sigaw niya at lumabas ng aking silid.
Napangiti ako. Socialite party? Oo, a-attend nga ako. Sabi na nga ba at sasabihin na naman sa kanya ng kanyang mga pa-epal na mga kapatid ang gagawin ko. Para sa kanila kasi ay ako ang masama. Kung alam lang nila.
Kinuha ko ang aking telepono sa aking bulsa at di-nial ang numero ng aking kaibigan. Nag-ring ito saglit at sinagot naman agad. "Edna?" aking panimula.
" Trisha? Bakit ka napatawag?" kanyang tanong.
" Gusto ko lang itanong kung nakaayos na ba ang lahat para sa party bukas," paninigurado ko.
" Yes, kanina pa nga actually. Gusto ko ngang magpasalamat sa iyo para dito eh. I'm tired. Can I have my rest now?" inaantok niyang tanong.
I chuckled, "Okay, goodnight," sabay baba ko sa telepono.
Narinig ko ang makina ng sasakyan sa baba. I looked at the window to see him go away again. Mabilis na minaniobra ni Matt ang sasakyan and I know where he is heading to. Kung gusto niyang maniwala sa kanyang pamilya, then let it be. Wala akong pakialam kahit sabihan pa nila ako ng kung anu-ano. Natuto na ang puso ko na hindi na masaktan sa kanilang mga walang kwentang paglalarawan sa akin.
Only his mother knew about me. Ang kanyang ina lamang ang natatanging tao na tanggap ako. Too bad she passed away before I married her only son. At ngayon, pinalitan siya ng bagong babae ni Mr. Cezar na sobra-sobra makapaghusga sa akin. Sabagay, pare-parehas naman silang mga plastik na kahit si Miguel ay dinamay din nila.
I know the fact that he will never like me, even just a little bit. Because for him, I am only his wife. His ambitious wife.
Copyright © 2015 All rights reserved by trishalimfanatic. #Wattys2015
BINABASA MO ANG
My Ambitious Wife
General FictionTrisha's ambition is money. Simula nung mamatay ang kanyang ama mula sa isang aksidente, napilitan siya na pakasalan ang itinakdang lalaki para sa kanya ng kanyang ama. Wala siyang pakialam kay Miguel kahit tawagin siya nito ng kung anu-anong masasa...