Chapter 4

94 1 0
                                    


Nandito na ako. Hahawakan ko na sana ang doorknob and everything will be normal again. Kung ano ang buhay ko noon, ganoon ang mararanasan ko ngayon, only for three days nga lang.


One. 


Two. 


Three--



" Trisha?!" sigaw ng isang pamilyar na boses.


Sabi na nga ba. Ito ang dahilan kung kaya ayaw kong maabutan nila ako sa labas ng kanilang bahay. 

Hindi na lamang ako gumalaw sa puwesto ko upang hindi ako mapaghalataan. Pero naririnig ko ang bawat yabag ng paa na papalapit sa aking puwesto. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko.


Yinuko ko ang aking ulo upang hindi niya masilayan ang aking mukha. Kung aakalain niya kasi na ako si Marrol, babalewalain niya lang ako. Pero kapag nalaman niya nga na ako ito, kawawa ang mga kapitbahay. 


" Hmm...," habang ako'y chinecheck ng mabuti. Pati buhok at katawan ko ay inamoy. Naku ba naman.


" Tama nga ang hinala ko," sabi niya ng mahina. Inangat ko medyo ang aking ulo.


Huh? Ano ba ang hinala niya?



" Ikaw nga 'yan Trisha!" malakas na sigaw niya na halos mabingi na ako. Siya lang naman ang pinsan ko si Lennard, ang ubod ng kulit kong pinsan.


" Oo ako nga! Bitawan mo nga ako!" halos hindi na kasi ako makahinga sa ginagawa niya. Agad naman niya akong binitawan. Pinagpag ko ang aking sarili na inirapan naman niya. Niyakap niya ako ulit pero hindi na kasing higpit nung kanina.


" Miss na miss na kita Trisha! Kumusta ka naman? Halos hindi tayo nagkita for two years! Hindi mo man lang ba ako namiss?" tanong niya at gumamit ng kanyang beautiful eyes daw. Sinungitan ko siya at tumuloy sa pagpasok. Pansin kong walang tao sa loob ng bahay. Kaiba sa huling punta ko dito.


" Okay lang naman ako Lenarr, kita mo naman sa hitsura ko ngayon diba? Tsaka, oo naman. Miss kita, kayong lahat. Namimiss ko na ang tawanan niyo, mga laitan niyo sa isa't-isa...at lahat-lahat," malungkot kong salaysay sa kanya. Ngumiti siya ng hindi abot sa kanyang mga mata.


" Nasan na ba ang mga tao?" tanong ko habang isa-isa kong binubuksan ang pintuan ng mga silid. "Wala sila dito ngayon eh," sagot niya sa akin.


" Nasaan sila?"


" Nasa Enchanted Kingdom," maikli niyang sagot. I made an understanding face. Sayang naman, kung kailan ko hinahanap ang kakulitan nila ay tsaka naman sila wala. Tumingin ako ulit sa kanya at kita kong malungkot ang expression ng mukha niya.


" Bakit Lenarrd?" nag-aalala kong tanong.


My Ambitious Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon