" Alam mo, Trisha. Ngayon ko lang nakita na puno ng saya ang mga bata. Maraming-maraming salamat talaga sa'yo," maluha-luhang sabi ni Edna.
Ito, ito ang socialite party na kinagagalitan ni Miguel. Isang Children's party for Cancer patients lang naman.
" Wohoo!"
" Aaaahhh!"
" Hahahahaha!"
Puno ng tawanan ang aking naririnig. Ang saya nilang pakinggan. Hindi ko lubusang akalain na ganito pala kasaya ang madadama ko kapag nakita ko ang mga batang ito. I decided to put this kind of party dahil na rin sa impluwensiya ni Marrol, ang kapatid ko na mahilig gumawa ng charity sa loob at labas ng bansa. She challenged me to make an organization at subukang gumawa ng paraan para magpasaya ng ibang tao lalo pa't kilala ako bilang cold at masungit sa ilan.
Biglang may lumapit sa akin na isang batang babae. Wala na siyang buhok dahil na rin pagpapagamot nito. May dala siyang maliit na teddy bear sa kanyang kanang kamay. Hinila-hila niya ang aking damit na nagbigay pansin sa akin. "Oh, bakit? May kailangan ka ba, baby?" tanong ko.
Umiling lamang ito at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Lumuhod ako para pumantay ako sa kanya. Nilapit niya ang kanyang maliit na bibig sa aking tenga. "Thank you, A-Ate Trisha," bulong nito. Napangiti ako, "Walang anuman."
" M-Macey po ang pangalan ko," saad niya.
Hinaplos ko ang kanyang ulo, "Ang ganda naman ng pangalan mo, Macey. Ako naman, Maria Trisha Natividad Lim-Cezar. Pero puwede mo akong tawaging Ate Trisha o Ate Trish para hindi mahaba," then I chuckled.
" Sige po Ate Trisha!" sabay yakap niya sa akin, "Maglalaro muna ako," sabi niya at humiwalay.
" Okay."
Ramdam ko na may humaplos sa likod ko. Si Edna.
" Malapit na siyang mamatay, Trisha." Naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang mga luha. Kahit ako, gustung-gusto kong umiyak at manlumo sa narinig ko. "Malapit nang mamatay ang batang 'yan na walang kamuang-muang."
" Wala tayong magagawa, Edna. Nasakop na ng sakit ang kanyang katawan. Kung maaga lang sana siyang pinagamot, hindi sana ito nangyari," sabi ko at umupo sa katabing upuan. Umupo din si Edna malapit sa akin.
" Ano na palang nangyari sa pamilyang kinabibilangan mo ngayon, Trisha? Okay na ba kayo?" inosenteng tanong ni Edna. Umiling ako.
" Hindi na ata mangyayari 'yon, Ed. Mga dalawang taon na din ang nakalipas matapos kaming ikasal. Sana sa loob ng dalawang taon na iyon ay nagkabati kami o 'di kaya ay nagkamabutihan. Pero hindi. Maraming gumugulo sa aming dalawa. At ang pinaka-highlight? Yung pagigi--,"
" Ambisosya mo," sabat niya, "Hay. Hindi ko sila maintindihan, Trish. Pero ikaw din naman kasi, bakit ayaw mo kasing sabihin sa kanila ang gustong mangyari? Na gusto mo lang hanapin mo ang nawawala mong kapatid na si Stepehen? Hindi ba mas madali? Minsan naguguluhan din ako sa takbo ng utak mo," reklamo niya.
BINABASA MO ANG
My Ambitious Wife
Tiểu Thuyết ChungTrisha's ambition is money. Simula nung mamatay ang kanyang ama mula sa isang aksidente, napilitan siya na pakasalan ang itinakdang lalaki para sa kanya ng kanyang ama. Wala siyang pakialam kay Miguel kahit tawagin siya nito ng kung anu-anong masasa...