Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sobrang pag-iisip. Dahan-dahan akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Ang sakit pa ng likod ko dahil hindi maganda ang pinaghigaan ko. Nasulyapan ko si Lennard na mahimbing na natutulog sa katabing upuan. Hindi nga lang siya nakahiga.
Naglakad ako papunta sa kanilang banyo upang maghilamos. Nabasa ko sa orasan na 11:15 na ng gabi. Sabi ni Lennard ay baka mga hatinggabi dumating ang mga mag-anak. Nagpalit ako ng damit na komportable at nagluto ng ulam. Gutom na gutom na kasi ako. Unti pa naman ang kinain ko kanina.
Nung tapos na ako magluto, lumapit ako kay Lennard at inalog-alog siya ng kaunti. "Lennard, gising," mahina kong tawag habang siya'y niyuyugyog. Napamulat naman siya at kinusot pa niya ang kanyang mga mata. "Umaga na ba?" sabay unat.
" Hindi, mag-uumaga pa lang. Ano, kumain ka na ba?" tanong ko.
Umiling siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya, parang bata. "Tara, sabay ka na sa akin."
Kinain naming dalawa ang niluto kong Omelette. Ang dami kasing itlog sa ref kaya ginamit ko na lang. Meron ding nakahaing kamatis at suka para sa sawsawan. "Ang sarap mong magluto Trisha! The best ka talaga!" sabi niya sa akin. I giggled.
" Naku, nangbobola ka lang niyan," sabi ko na lang. Nagkibit-balikat siya, busy kasi sa pagkain.
Hindi pa kami nangangalahati sa pagkain nung naalala ko ang sinabi ni Lennard sa akin kanina. Kaya, bago pa niya maisubo ang kanyang ulam ay tinanong ko siya.
" Len," tawag ko. Tumingin naman siya sa akin at binalik muli sa pagkain ang tingin. "May sasabihin ako sa iyo."
" Importante ba 'yan o hindi? Kasi kung hindi, huwag mo muna ako guluhin sa pagkain ko," sagot niya sa akin. Ang sungit naman ng lalaking ito. Sabagay, kumakain nga naman siya at ayaw magpaistorbo.
" Sungit. Siyempre importante."
" Edi ituloy mo na," sabi niya. Bumuntong-hininga ako ng malakas at yumuko. Nilaro-laro ko ang aking ulam gamit ang tinidor. "Well, you're right."
" Huh?" sabay baba niya ng kutsara,"anong 'you're right'?" naguguluhan niyang tanong.
" You're right. Hindi sana ako nagpaapekto sa nakaraan ko. Hindi ko sana hinayaan na takutin ako ng nakaraan ko. Siguro nga, kailangan kong magbago. Tama nga ang sinabi mo. I shouldn't let myself be deprived to do something just because of my past. Well, this is the present after all. Now I know what I should do pagdating na pagdating ko sa amin, sa bahay namin ni Miguel," I spoke my heart out. Nilabas ko ang ultimate speech ko kanina pa.
Hindi sumagot si Lennard sa akin. Bagkus, isang mahigpit na yakap ang kanyang binigay. Hindi lang basta yakap. It's warm, understanding and calm. Kung ganitong yakap ang ibibigay sa akin ay hindi na ako bibitaw. "I'm waiting for you to say those words, Trisha. I don't want you to live your life miserably with the experiences you've encountered. I think, you deserved to be special to someone. That's why I want you to be friends with that husband of yours," sabay tawa niya ng mahina. Kahit ako din ay napatawa.
BINABASA MO ANG
My Ambitious Wife
General FictionTrisha's ambition is money. Simula nung mamatay ang kanyang ama mula sa isang aksidente, napilitan siya na pakasalan ang itinakdang lalaki para sa kanya ng kanyang ama. Wala siyang pakialam kay Miguel kahit tawagin siya nito ng kung anu-anong masasa...