Babalik

57 2 0
                                    

JAMES TIMOTHY GONZALES

Two years ko nang hinahanap si Xamantha. Two years ko na siya di nakikita. Two years na kong nakokonsensya. Two years na kong walang nalalaman sa nangyare sa kanya. All I know is that naaksidente siya. Hindi ko alam kung anong aksidente. And ayoko mang isipin, buhay pa ba siya?

Andito ako ngayon, sa lugar kung saan ko siya pinaka nakilala at minahal. Sa lugar kung saan napuno ng magagandang alaala.

Oo, alaala. Baka hanggang alaala nalang talaga.

(flashbacks)

"Dalawa palang kayong tao na isinama ko dito."

"Ibig sabihen may ibang lalaki ka nang sinama dito?"

"Hindi, si Kylie at ikaw palang."

"Kaya pala puro pictures niyo nakalagay dito."

"Yup, kase lahat ng best memories namin ni Kylie dito nakalagay."

*click*

"Oy ano yun ha?"

"I took a photo of you."

"Baby you're so adorable"

"Ang panget ko jan Xam!"

"Idelete mo na"

"Ayooookoooo." nagsimulang tumakbo si Xamantha papunta sa shore.

Hinabol ko siya ng hinabol. Nahuli ko nga siya eh. Nagkulitan. Nagkwentuhan. Sobrang kulit niya talaga. Yung inaakala mo na warden ng school, ganito pala yung tinatagong kasiyahan. I love it when she acts like this. Ramdam ko tuloy na importante ako sa kanya kase kung ano yung di niya mapakita sa iba, naipapakita niya sa akin.

Ang sarap alalahanin yung mga masasayang alaala namin.

Sa lugar na to, hindi lang puro saya. Dito sabay namin hinaharap mga problema namin, dito nailalabas namin lahat ng sama ng loob namin.

"Babe, si mama iniwan na talaga kami."

"Shhhh. tahan na, andyan pa naman ang Dad mo, ate mo at si Rjel."

*hugs*

"Hanggat nandito ako, hindi mawawalan ng taong iintindi at magmamahal sayo."

"Talaga?"

"Oo, stop crying na."

*I kissed her forehead.*

(end of flashbacks)

Sobrang hirap niya patahanin. Nakakatulog nga kung babaeng yun habang naiyak at nakayapos saken.

Being able to calm her down and being with her in her toughest downfalls in life was one of my job.

I love getting stuck in this island with her. I love starring at her all day and all night.

I wish I could just turn back time, but I just can't.

She's gone. She's gone because of me.




Saksi ang lugar na ito sa lahat ng hirap at ginhawa na pinagdaan namin ni Xamantha, pero ang hirap isipin na ngayon, sa lugar kung saan sabay namin hinaharap ang lahat ay mag isa nalang ako at hinahanap siya, siya ang aking buhay.

Simula nung nawala siya, every time na may free time ako bumabalik ako dito. Summer break, christmas break, semestrial break andito lang ako. Umaasa na isang araw magkaroon ng milagro na babalik siya at pupunta siya dito. Pero kahit ilang beses akong lumuhod sa lahat ng mga santo, hindi na talaga dinidinig ng langit ang panalangin ko. Siguro karma na nga to, na ang babaeng pinakamamahal ko ay mawala sa kamay ko dahil sa kagaguhan ko.

Sa loob ng dalawang taon na yun mahigit 500+ na sorry letters na ang nasusulat ko pero ni isa hindi parin niya nababasa.

Nahihibang na yata ako.

Xamantha bumalik ka na sakin. Hindi ko na alam kung hanggang kailangan ko kakayanin na wala ka sa tabi ko.

*Angelo Sy calling...*





"Hello"

[Pare di ako makakapunta sa lakad natin mamaya, yung kaibigan ko kase nagpapasundo sa airport]

"Ah sige. I'm planning to get to Manila na din naman after an hour."

[Sige, ingat pre. Kita nalang tayo sa practice bukas.]

[Don't drink too much! Wala ako mamaya. wala kang resbak]

"Pare ang bading mo. hhahahaha! Sige ingat kayo nung friend mo. HAHAHAH!"

[Ang malisyoso nung pagkadiin nung word na "FRIEND" baka magulat ka kung sino yung susunduin ko.]

"Ge. Umalis ka na nga. hahahah!"

Siguro dapat simulan ko nang kalimutan siya. Kung nasaan man siya sana mapatawad niya ko. Mahal na mahal kita Quin Xamantha, mahal na mahal.

ANGELO SY

Nandito ako ngayon sa airport. Susunduin ko ang bestfriend ko. Well, kung di niyo pa ko kilala, ipapakilala ko ang sarili ko sa inyo.

Ako si Angelo Sy, ang tagapagmana ng pangatlong pinaka mayamang angkan sa bansa. Heartthrob ng Unibersidad ng Pilipinas, basketball player #15, Medicine student, boyfriend ni Athena at higit sa lahat ang forever bestfriend ng bida ng storyang ito Si Quin.

Actually, kinakabahan ako. Ako palang nakakaalam ng mga binabalak ni Quin. Hahanapin niya ang lalaking napapanigipan niya. Ang di ko masabe ay ang lalaking yun ang great love niya na si Timothy. Sumasakit ulo ko. Paano kapag nalaman ng kuya niya na kasabwat ako ni Quin? For sure, baka paglamayan na ko sa punerarya namin. Paano ko ilalayo landas ni Quin at Timothy kung sa UP din mag aaral si Quin at kilala si Timothy sa buong campus dahil sa pagiging varsity niya? At magkasama pa kami sa varsity for sure sakin lagi nakabuntot si Quin.

JUSKOLORD PAANO NA?!

"Angelo! Heeeeeey!" tumingin ako sa likuran ko at andun na nga si Quin.

"It's nice to see you again." kinuha ko mga gamit niya at niyapos ko siya. Nakakamiss din pala tong babaeng to. Hays. Ako nanaman alalay nito.

"I missed Philippines so much. Di ko natalaga maalala yung last time na nasa Pilipinas ako."

"teka, ano ba talaga nangyare sayo?"

"mamaya na naten pag usapan yan. im so tired eh."

Tapos isinakay ko na siya sa kotse

"sure, so san kita ihahatid sa bahay niyo sa Tagaytay o sa Forbes?"

"Sa condo nalang ni kuya Rjel"

"Eh diba? tambayan yun ng tropa..."

"what is tropa?"

Shete! Nag ka amnesia nga pala siya. Woah! jusko.

When She LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon