Grabe di ako maka focus sa pagrereview mamaya na exam kase naman tong si man of my dreams sobrang sweet saken.
Lagi niya akong tinetext ng good morning, kung kumain na ko hays actually sabay pa kami mag jogging ang alam ko nga lilipat na siya ng condo dito sa floor ko.
*beep*
1 message received
[James: Good luck sa exams! May lakad ka mamaya?]Syempre ang ganda ng ate mo UAAP HEARTTHROB NA YAN DI MO PA REREPLAYAN
[Uhm, meron eh. Why?]
[Ah ganun ba? Is it okay if I drive you kung san Ka pupunta?]
[You sure? May kotse naman ako I can manage.]
[Yes kase matatraffic Ka pa mamaya rush hour uuwi mga estudyante]
[Sige na nga. So 6pm sa condo ko keri lang?]
[Sure. No problem]
After ng exams halos mahilo hilo ako. Well, confident naman ako sa mga sagot ko. Iba pag inspired!
Kasama ko mga kaklase ko at pabalik na ko ng condo.
"Xam, sabay na ko okay lang?"
"Yaah, sure tama nakakabore page mag isa."
Sumakay na kami ng kaklase kong si Ichi
"Grabe, biruin mo best friend mo si Angelo Sy tapos rumored boyfriend mo si Timothy Gonzales."
"Yung isa fact, yung isa rumor talaga."
"Reto mo naman kay Angelo."
"Sorry pero taken na siya."
"What?! Wala aagawin ko siya."
"Oops. Naka fixed marriage sorry ka girl. Nagka inlovan, nagkataon pang naka fix edi meant to be sila."
"Nubayan, taken na fafa Timothy pati na naman si fafa Angelo. Hays kay Ralph na nga lang ako kaya kay Christopher."
"Oh andito na tayo."
"Girl, pwede patambay muna sa condo mo ? Dala ng kuya ko susi eh. Mga 6pm pa dating."
"Sige. Kaso baka biglang dumating si Timothy."
"Aba. May date sila."
"No, mag grogrocery ako. Eh he insisted na siya mag ddrive."
"Aba, may namumuong love team."
"Shut up Ka nga."
After 30 minutes saktong paalis na si Ichi ng may nag door bell.
"Ichi paki tignan kung sino."
Busy pa kase ako pag papa ganda
"Ahhhhh. Si Timothy!" sigaw niya na akala mo nirarape
"Shut up Ichi, open the door baka naiinip na yun."
"Aba, may flowers" usisa ni Ichi
"Sorry natagalan pagbubukas"
"No problem. So Tara?"
Aba at biglang nawala si Ichi.
I wore a off shoulder top and ripped jeans and my casual wedges.
Sumakay kami sa kotse niya
![](https://img.wattpad.com/cover/35794040-288-k747300.jpg)