Para paraan

115 4 0
                                        

QUIN XAMANTHA SALVADOR
So, wala nang bawian to. Go na talaga ako sa lakad namin mamaya. Buti nalang kasama ko si kuya Rjel.

"Sizzums! Uso mag ayos muna ng buhok at magpolbo ng konti." Sabi ni Ross

"Nakakatamad kase sis."

"Anong nakakatamad?! Hindi pwede. Muret! Ipitan mo nga si Xamantha"

"Hi ganda. Anong iiipit ko sayo?" Sabi ni Muret

"Uhm. Just the usual braid."

After akong ipitan ni muret, lumapit ako kay Rjel.

"Kuya, aren't we going na?"

"Teka, antayin ko Lang text ni Danielle."

Aba. Pagkakita ko sa phone ni kuya. Huwew. Puro kalandiang taglay Ang nila laman. Ang flirt talaga aba.

"Oh tara. Let's go na." Sabi ni kuya.

Yes! Magkikita nanaman kami ni Timothy Gonzales. Omg. Hahahah! Silay nanaman. Nga pala, para sa kaalaman ng lahat. Since day 1 consistent na araw araw kaming magkachat at araw araw kami nagkakakita. Oh well. Ganun talaga kapag maraming common friends. Hahahah! Para paraan na ito. Di kaya nya napapansin na lagi kaming nagkakasalubong? Grabeng pagpipigil nga ng kilig ginagawa ko tuwing nakikita siya eh. Ano bang magagawa ko? Eh special friend daw, kaya naman feel na feel ko. HAHAHHAHAH!

So nakita na kami ni Danielle. Bigla nya kong niyapos.

Well. She's not what I expected. She is a sweet and charming girl. I'm kinda liking her for kuya but I know at some point, kuya is trying very hard to like her. Pero may part paren na feeling ko may hidden feelings si kuya kay Athena. But sad to say, Athena likes Kenneth, my bestfriend. Ugh. Ang GULO nila. Tama na nga Ang flashback at storya. Balik na tayo sa realidad.

"Danielle, si Timothy?" Tanong ni kuya kay danielle

"Andun siya biglang nawala baka sinundan si Marky." Sabi naman ni Danielle

"Pre Ang landi"
"Ayun, si special friend."
"Pre, yun ba?"
"Hanep CHIX"
"Tama si Nielly Diwata nga,"
"Actually mas maganda pa to kay Cassandra."
"At mukhang mabait pa."
"Pre, anong mas maganda kay Cassandra? Diwata to pre! Si Cassandra? Wala namang ganda yun eh."
"Pag kayo narineg ni Timothy EH." Sabi ni Marky.

Tas nagtawanan sila ng mga tropa nya.

Nasa pizza parlor kami ngayon. At syempre hiyang hiya naman ako. Buti nakakausap ko ng matino kahit papaano si Danielle. Si kuya kase andun, parang batang laro ng laro.

Nung nasa upuan na kami magkatabi sila Rjel at danielle. I just decided to seat beside Marc and Joshua. Tutal, dati ko pa kilala si marc. Di na masyadong awkward.

Maya maya pinapatabi ako ni kuya sa kanila.

"Kuya! Dito nalang ako, para katapat ko ni Danielle."

"Hindi. Xamantha, sabi ko dito ka."

"Kuya, dito nalang."

"Xam, makinig ka saken." Then he gave me a serious look.

"Okay. Okay." Nagsmirk ako at sumunod kay kuya

Pagka upo ko, Di ko namalayan yung katapat ko. Well, it's James Timothy Gonzaga himself.

"Batiin mo naman si Timothy" biro ni Joshua

"Nagawa ko na, kanina pa." Sabi ko sakanya

"Oo nga. Nauna pa nga si ate Xamantha na bumati kesa sa inyo eh." Depensa naman ni Danielle.

"Timothy! Ano ka ba ha?! May pina pakilala kang babae sa pamilya mo tapos text ka ng text jan?" Biro ulit ni Joshua

At nagkaron nanaman ng awkward space samin ni Timothy

"Ah oo nga pala. Ako si Marky, kapatid ni Timothy." Biglang inabot ni Marky Ang kamay niya para maghandshake

"At ako nga pala ang tatay ni Timothy." Inabot rin ni Joshua kamay niya para makipag handshake saken

Di ko alam kung makikipag handshake ako. Nahihiya talaga ako. Ansakit na ng panga ko dahil mga 2 hours na kong Di nagsasalita

Shet. Ang Gwapo talaga ni Timothy. Sarap titigan. Lord, para Lang sa sulyap ng kagwapuhan nito akoy mamamanata.

Woah. Back to reality. Siniko at binigyan ako ni kuya ng signal na makipag handshake.

So nakipag handshake ako sa kanila.

Alam nyo, mabait naman pala Ang mga taga Crossfield. Sana lumipat nalang sila next school year sa st. Celerino para mas madali akong makasilay. I mean, mas maging maganda Ang pag aaral nila.

Maya Maya after nung handshake.

"Alam mo pre, boto na ko kay Xamantha. Mukhang mabait naman eh." Sabi ni Marky kay Timothy.

"Oo nga. Mukhang mas mabait kesa kay San.." Di na naituloy ni Joshua

"Nga pala, ako Ang ex ni Timothy." Sabi naman ni Danielle at nakipag handshake saken halatang gustong iiwas ang topic tungkol kay Sandra.

"Hindi kami boto sayo. Umalis ka dito." Biro ulit ni Joshua kay Danielle.

"Sang ayon ako sayo tay. Hindi ka makakabuti para sa kapatid ko!" Sabi naman ni Marky.

Natapos yung treat nya na puro good times lang. Super fun talaga. Naglalakad kami paalis. Pero mukhang may round 2 na gimik pa sila pero kaming dalawang babae uuwi na.

"Sis, special ka tamo ikaw lang yung di tropa na andito." Bulong saken ni kuya

Well. Binatukan ko lang sya. At di ko namalayan na nakatingin samen si Timothy.

Bigla nya kong kinausap.

"Uwi ka na?" Tanong saken ni Timothy.

"Ah eh. Oo. Late na eh." Sabi ko naman.

Shet. First time nya kong kinausap. Nakakakileg. Oh hihikain yata tong tinamaang bata. Yung heart ko ambiles ng pound.

Yung simpleng para paraan ko para makasilay na lagi Lang siyang nakakasalubong sa daan Di ko namalayan umabot na sa pagiging special friends namin at ngayon kasama ko na siya.

When She LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon