Prologue
Basagulero"Gago! Sinabi ko ng wag niyong hahawakan si Mandy!" Sigaw ni Gideon sa mga lalaking nang babastos sa pinsan niya.
"Gideon tama na! Tama na" Sumisigaw na si Mandy na nasa tabi habang tuloy ang pag tulo ng luha sa pinsge niya.
Papauwi na si Mandy galing eskwelahan ng maka salubong niya si Norman at ang mga tropa nito.
Si Norman ay isa sa mga kaaway ni Gideon sa school. Bata palang kami ay pala away na si Gideon. Halos lingo lingo ay napupunta siya sa Guidance.
Si Gideon ay isa sa mga pinsan ko pero siya ang pinaka close ko sa lahat. Mag step brother ang mga tatay. Pareho din kaming 18 years old ni Gideon.
"Gideon ano ba! Please tama na" Pag mamakaawa ko na tumigil na siya. Sa pag kakataong ito ay nakinig na siya at tumayo sa pag kakaluhod sa sahig habang si Norman na binubugbog nito ay halos mawalan na ng malay.
"Mag si alis na kayo at wag na wag niyo ng hahawakan si Mandy kung ayaw niyo maulit pa to" Malamig na boses na ani nito sa mga tropa ni Norman.
Agad namang nilang itinayo si Norman at lakad takbong umalis sa takot kay Gideon.
"Are you ok?" Tanong ni Gideon ng makaharap sa akin kaya't kitang kita ko ang mukha niya may pasa at sugat sa gilid ng labi.
"I'm fine. Gideon sinabi ko naman sayong tigilan mo na ang pakikipag away diba? Yari ka nanaman kila Tita kapag umuwi kang may pasa" Naiinis kong sabi sa kaniya.
"Mandy pinag tatangol lang kita. Tsaka isa pa ako din naman ang dahilan kung bakit ikaw ang pinupuntirya ng mga yon kaya kailangan kitang bantayan"
"Ewan ko sayo tara na gagamutin ko yang sugat mo" Sabi ko at hinila ito papunta sa kotse niya.
Lagi kaming sabay pumasok at umuwi ni Gideon nag ka taon lang na may practice siya ng basketball kanina kaya't nauna na ako.
Nang makapasok kami sa kotse kinuha ko ang first aid kit na nasa likurang upuan ng kotse niya.
Yes may first aid kita na akong inilagay dito sa kotse niya dahil alam kong lagi itong may nakaka away.
Binuksan ko ang first aid kita at kumuha ng alcohol para sa sugat nito.
"Humarap ka sa akin" Ani ko dito at agad naman siyang sumunod.
Nilagyan ko ng alcohol ang piraso ng bulak at dahan dahang idinampi sa pasa sa gilid ng labi niya.
"Ouch..Aray Mandy masakit" pag angal nito.
"Ayan ayan pag nakikipag suntukan ka para kang tinurukan ng isang libong anesthesia dahil hindi ka nasasaktan pero konting alcohol lang para kang hahagulgol diyan" pag susuway ko dito at diniinan ng kaunti ang bulak sa sugat niya.
"Ahh ouch Mandy masakit!" Sigaw nito sa akin.
"Wag mo akong sigawan! didiinan ko pa lalo to eh" pananakot ko dito na nag patahimik naman agad sa kaniya.
Sanay na ako sa ganitong sinaryo namin. Simula 1st year highschool hanggang ngayong 1st year college na kami may pagka basagulero talaga itong si Gideon.
Nang matapos ako sa pag gamot sa sugat nito ay nilagyan ko lang ng band aid at tsaka ibinalik sa likod ang first aid kit.
Nag simula namang mag drive si Gideon para ihatid ako sa bahay.