Chapter 4

29.5K 579 3
                                    




Chapter 4
Charlotte



"Ate ano oras po pupunta si Kuya Gideon?" tanong ni Ethan sa akin.


Sina mama at dad lumabas para daw mag date sila. Ang tatanda na may pa date date pa. Si Charlotte as usual nasa movie room nanaman. Kami naman ni Ethan nasa likuran ng bahay at naka upo sa tabi ng pool. Kanina pa naka babad ang mga paa namin sa tubig habang inaantay si Gideon. Na ngako kasi ito kay Ethan na tuturuan siyang lumangyo.


"Hindi ko din alam, hindi pa siya nasagot sa text ko" sagot ko habang nakatingin sa cellphone,nag babaka sakaling sumagot na si Gideon. Mag aalas sais na ng gabi pero wala padin ito.


Nadinig kong bumuntong hininga si Ethan at tsaka tumayo sa pag kakaupo habang malungkot ang mukha.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ko dito.


"Sa kwarto po. Mukang hindi naman po dadating si kuya. Baka nakalimutan na po niya" sabi ni Ethan habang nakatingin sa baba at pinag lalaruan ang kamay. Nakaramdam naman ako ng awa sa dito.

Tumayo na din ako sa pag kakaupo at hinila siya papunta sa upuan sa bakuran. Naupo ako don para maging mag kapantay kami.


"Wag ka ng malungkot.Baka busy lang ang kuya mo. Gusto mo ba ako nalang mag turo sayo?" tanong ko sa kaniya habang hawak hawak ang kamay.Agad namang lumiwanag ang mukha nito at ngumiti ng malaki.

"Yes ate! Tara na po tara na" excited na excited ito at hinihila ako para lumapit sa pool.

Hinubad ko ang suot kong cover up kaya natira nalang ang kulay blue kong swimsuit.

Inalalayan ko si Ethan na makababa sa pool at nag simula na akong turuan siya.





Inabot na kami ng alas otso ng gabi sa pag swiswimming. Dumating na din sila mama at dad.Pero si Gideon? Wala. Ni isang text o tawag ko ay hindi niya sinagot.

Nasaan ba itong lalaking to?

Ngayon lang siya nakalimot sa mga pangako niya.

"Maligo ka na ha pag tapos ay bumaba ka na at kakain na daw sabi ni mama"

"Yes po ate" magalang nitong sagot. Ginulo ko pa ang buhok nito tsaka pinuntahan si Charlotte.

Nang makadating ako sa harapan ng pinto nakita ko nakauwang ng konti ito. Balak ko sanang gulatin si Charlotte pero pag silip ko sa pinto nakita kong patay naman ang malaki naming tv at si Charlotte ay naka higa sa mahaba naming sofa.


Dahan dahan akong pumasok para hindi gumawa ng ingay dahil akala ko ay tulog ito pero bigla kong narinig ang mahihinang hikbi nito.


"Charlotte?" tanong ko ng makalapit ako sa sofang hinihigaan nito.


Nakita kong nagulat ito. Nag punas siya ng pisnge bago humarap sa akin. Nakita kong namumula ang mga mata nito.


"Are you ok? Umiiyak ka ba?" nag aalalang tanong ko dito at umupo sa tabi niya.


"Hindi po ate napuwing lang" sagot niya at ngumiti ng pilit.


"Charlotte wag kang mag sinungaling sa akin."

Nag simula ng mamasa ang mata nito kaya hinigit ko siya papayakap sa akin. Lumakas na ang iyak nito at humagulgol sa balikat ko.


"A-Ate..." nanginginig ang boses na aniya niya.


"What happened? are you ok? ha?" Alalang alalang tanong ko dito.


Hindi ito umimik at tsaka itinaas ang sleeve ng suot niyang sweatshirt hanggang sa balikat niya. Nagulat naman ako ng makita kong puro pasa ito.


"Charlotte! Ano to? Sinong may gawa niyang sayo?" Napatayo ako at nilapit ang braso nito para tignan.


"S-School..." Hirap na hirap nitong sabi dahil sa sobrang pag kaiyak.


"Classmates mo?" Tumango tango ito sa akin. Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya at  hinimas himas ang buhok para patahanin.

"It's ok...It's ok nandito si ate. Hindi ko hahayaang maulit pa yan ha" ilang minuto kaming nanatili sa ganoon pwesto hanggang sa makatulog ito sa dibdib ko. Inayos ko siya ng higa sa sofa at kinumutan bago lumabas ng movie room at puntahan sila mama.





"Mandy tawagin mo na si Charlotte kakain na" sabi ni mama na kakatapos lang mag luto. Si papa naman ay nag hahain sa lamesa at si Ethan ay naka upo na sa table.


Lumapit ako kay mama sa kusina.


"Ma...Pwede po ba tayong mag usap mamaya? tungkol po kay Charlotte. Tsaka wag na po muna natin siyang gisingin naka tulog po siya sa movie room" nakita ko ang matinding pag aalala sa mata ni Mama.


"Bakit anong nangyari?"


"Mamaya nalang po natin pag usapan pag tapos kumain."


Tumango si mama at tsaka namin pinuntahan sila papa at Ethan. Kumain kami ng hapunan at nang matapos Inakyat na ni papa si Ethan sa kwarto nito.


Naupo kami ni Mama sa salas habang inaantay na bumalik si papa.


"Ano bang problema anak? bakit mo kami gustong kausapin?" tanong ni papa at umakbay kay mama.


"Si Charlotte po. Nakita ko siya kanina sa Movie room na umiiyak. Tinanong ko siya kung bakit at ipinakita niya lang sa akin ang braso niya na puro pasa"


"What?!" kunot noong ani ni mama at papa.


"Pasa? Sinong may gawa non?" galit na sabi ni papa at inalis ang pag kakaakbay kay mama. Ipinatong nito ang mga kamay sa hita niyang mag kahiwalay.


"Mga kaklase niya daw po.Hindi ko ho alam kung kailan nag simula o bakit nila ginawa sakaniya yon pero ayoko na ho sanang maulit pa kay Charlotte yon kaya kung pwepwede po ilipat nalang natin siya."


"Yes. Ililipat natin siya sa eskwelahan ng anak nila Kuya. Nasaan si Charlotte?" Agad na pag sangayon ni papa sa akin.


"Nasa movie room po pa doon po siya naka tulog kanina"


Tumayo si papa para pumunta sa movie room at agad naman kaming sumunod ni mama.


Nang makapasok kami nakita naming itinaas ni papa ang sleeves ng suot ni Charlotte dahilan para lumitaw ang mga pasa nito.


Nakita kong umiigting ang panga ni papa sa galit habang hinahaplos ang braso ni Charlotte. Dahan dahan niya itong binuhat para ilipat sa sarili nitong kwarto.


"Matulog ka na din anak at maaga pa ang pasok mo bukas ha. Kami ng bahala kay Charlotte.Babantayan ko siya"


Tumango ako kay mama at tsaka nag lakad papason ng kwarto ko.


Bago tuluyang matulog tinignan ko muna ang cellphone ko para tignan kung sumagot na si Gideon. Pero wala. Ni isa wala.



Hayst bahala nga siya




FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Uncle's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon