Chapter 13
Basketball"Ate?"
Sabay kaming napalingon ni Gideon kung saan nangaling ang boses.
"C-Charlotte?" napa hiwalay ako kay Gideon at tsaka tumayo sa pag kakaupo para lapitan si Charlotte.
Hinila ko ito papunta sa tabi at medjo malayo kay Gideon.
"Ate may relasyon ba kayo ni Kuya Gideon? inosente niyang tanong sa akin.
"A-Ano Charlotte...Oo. Pero please wag mong ipag sasabi kahit kanino lalo na kila mama't papa ha?" nakikiusap kong ani sa kaniya.
Agad din itong tumango sa akin.
"Don't worry ate your secret is safe with me" kinindatan pa ako nito kaya para akong nabunutan ng tinik at naka hinga ng maayos.
"Sabi ko na ate ih parang iba yung pag ka close niyo ni Kuya nitong nakaraang buwan" nang aasar pa itong ngumiti kaya ginulo ko lang ang buhok niya.
"pero diba hindi pupwede yan ate? Mag pipinsan tayo nila Kuya"
"Yes mag pipinsan tayo. But were not blood related. Kahit sila dad at tito Galen ay hindi mag kadugo kaya pwede pero wag mo pading sasabihin kahit kanino ha?"
"Yes ate i promise" nginitian ko ito ng matamis at tsaka siya bumalik sa pakikipag laro kila Ethan. Ako naman ay bumalik na sa kalapit ni Gideon.
"Anong sabi niya?" nag aalala din nitong tanong.
"Don't worry wala daw siyang pag sasabihin. Ikaw kasi ang harot mo ayan tuloy nakita pa tayo"
"Hey anong ako? Ikaw kaya nanghahalik diyan" sabi niya ako tsaka isinubsob ang mukha sa leeg ko.
"See?ikaw kaya malandi diyan" narinig ko nalang ang pag tawa nito sa leeg ko.Nanatili lang kami sa ganoon posisyon hanggang sa kailangan na namin umuwi.
"I'll call you later baby" bulong ni Gideon sa tenga ko ng yakapin niya ako para mag paalam.
"Ok i'll wait for your call" malaki ang ngiti sa aming mga labi bago tuluyang nag hiwalay ng sasakyan.
Pag dating namin sa bahay ay nag si daretsyuhan na din kami sa mga sariling kwarto. tinignan ko kung may text or missed call si Gideon nang makita kong wala ay kumuha muna ako ng damit at tsaka pumasok sa baniyo para maligo.
Pag labas ko ng banyo walang tigil sa pag tunog ang cellphone ko.
24 missed call from Gideon
24? Grabe hindi makapag antay?
Idinial ko ang number nito at nakakaisang ring palang ay sumagot na agad ito.
"Mandy" nag aalalang tawag niya
"Yeah?"
"Bakit hindi ka sumasagot? kanina pa ako tumatawag" halata ang pag aalala sa boses nito.
"I'm sorry naligo kasi ako" sagot ko habang nag susuklay ng buhok sa harapan ng salamin.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
"akala ko'y ano ng nangyari" natawa naman ako sa sinabi niya.
"Anong ginagawa mo?"tanong ko sa kaniya at nahiga sa kama ko.
"Iniisip ka"
Nanginit naman ang mukha ko sa sinabi niya pero syempre hindi ko pinahalata yon.