Chapter 16

26K 531 55
                                    




Chapter 16
I love you...



Tatlong araw na simula nang malaman nila mama ang tungkol sa amin at tatlong araw na din akong hindi lumalabas ng kwarto.

Kahit anong tawag,katok at pag mamakaawa ni mama na lumabas na ako nang kwarto ay hindi ko ginagawa.

Naiwanan ko ang cellphone ko sa salas namin kaya hindi ko matawagan si Gideon.


"Anak? Anak please kausapin mo na si Mama"


"Anak lumabas ka na diyan"


"Anak?"


Nasa labas nanaman ng kwarto ko si Mama at pinipilit nanaman ako lumabas. Hindi na rin ako nakakapasok ng eskwelahan. Sigurado akong kung ano ano lang din ang sasabihin sa amin ng mga estudyante doon.

Papasok na sana ako nang baniyo para maligo nang masulayapan ko ang luma kong laptop sa ilalim ng kabinet ko.

Shit!

Bat hindi ko yon naisip?

Agad kong kinuha ang laptop at umupo sa table ko para subukan kung gumagana pa iyon.

Nang maisaksak ko ito parang mapupunit ang labi ko sa sobrang pag kakangiti ng bigla siyang bumukas.

Dali dali kong chinat si Gideon at wala pang limang minuto ay nag reply na agad ito.


Gideon Suarez is calling


Lumabas sa screen ng laptop ko kaya agad ko itong sinagot.

"Baby!" masiglang tawag niya sa akin.

"Gideon! I miss you" naiiyak kong sabi sa kaniya.

"Shh...Don't cry baby. I miss you too. gustong gusto na kitang mahawakan,mayakap at mahalikan"

"Gideon paano na tayo mag kikita? Ayokong lumabas ng kwarto.Ayokong makita sila Mama" naramdaman ko ang pag tulo ng luha sa pisnge ko.

"Baby... I have a plan but only kung papayag ka"

"A-Ano yon?"

"Let's elope" parang desedidong desedido niyang sabi sa akin.

"Tanan? P-Pero Gideon pano Sila mama? Sila Tita?"

"Mas importante ka para sa akin baby...Hindi ko kayang wala ka" ramdam ko ang senseridad sa boses nito.

Ilang minuto kong pinag isipan ang sinabi niya at tsaka sumagot.

"Sige.Payag na ako"

Ngumiti sa akin si Gideon.

"Promise walang iwanan baby?"

"I promise babe"







Nag iimpake ako ngayon ng kaonting gamit ko. Ang usapan namin ni Gidoen ay mag kikita kami sa park pag dating nang hating gabi.

11:30pm na at nag lalagay lang ako ng kaonting damit at iba ko pang kakailanganin sa aking backpack.

Nang maihanda ko na ang lahat binuksan ko ang bintana nang kwarto ko at tsaka doon lumabas. May puno sa labas mismo nang bintana ko kaya't madali akong naka baba.

Dahan dahan akong nag lakad papaalis para hindi gumawa nang kung anong ingay dahil siguradong tulog na ang lahat.

Pero...

Mali pala ako.

"Mandy!" napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Dad na nakatayo sa harapan ng bahay namin.

Dali dali akong tumakbo papalayo pero sa sobrang bilis ni dad ay naabutan niya din ako.

"Dad,Dad please hayaan niyo na kami. Dad!" sabi ko at nag pupumiglas sa pag kakahawak niya sa akin.

"At talagang tinuturuan ka pang tumakas niyang lalaking yan ha? Ano mag tatanan kayo?" galit na galit na sabi ni Dad.

"Dad please parang awa niyo na po...Hayaan niyo na kami ni Gideon...Dad!"

Umiling iling lang ito sa akin at tsaka ako hinila papasok sa loob ng bahay. ipinadlock niya ang pinto para siguraduhing hindi ako makalabas at tsaka ako pina upo sa sofa. Mukang nagising nadin si Mama dahil bumaba na itong ng hagdan at kunot noong nakatingin sa amin ni papa.

Mas lalong kumot ang noo niya nang mahagip ng mga mata niya ang backpack ko.

"Mandy?" naguguluhang tanong ni Mama.

"Sinubukang tumakas niyang anak mo. Makikipag tanan kay Gideon" naka pameywang na ani ni Dad.

"That's it! Sa London ka mag aaral"

Nadinig ko sabi ni mama. Mas lalong lumakas ang pag agos ng luha sa pisnge ko.Sigurado akong nag hihintay na si Gideon sa akin.

I'm sorry babe...

i'm sorry...










"Mandy para saiyo din ito" Sabi ni Dad habang habang i chine-check in ang mga bagahe namin. Kanina ako nahuli nila Dad na tumatakas. Agad nag pa book ng flight si Dad at inimpake ang mga gamit naming lahat.

Lahat kami ay papunta ngayon London. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko umalis,Ayokong iwanan si Gideon. Sigurado akong nag aantay siya sa akin. Naandon pa kaya siya?

Gusto ko mang umalis at tumakas dito pero alam kong mahuhuli at mahuhuli padin ako ni Dad.

Naramdaman ako ang pag yakap nang mga braso sa bewang ko. Napababa ang tingin ko sa tagiliran ko.

Si Charlotte...

"I'm here ate" bulong niya na mas lalong nag pa emosyonal sa akin.

Niyakap ko ito pabalik at tsaka nag si bagsakan pa ang mga luha sa pisnge ko.

Babalikan kita. Pangako babalik ako Babe.

I love you Gideon...






FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Uncle's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon