Chapter 14
Fight"Gideon ano ba wag ka ngang maharot" pinag tutulakan ko pa ito palayo dahil niyayakap niya ako mula sa likod.
Nag lalakad na ako papunta sa susunod kong klase ng bigla niya akong hinalihin papunta tabi kung saan walang tao at niyakap ako.
"Saglit lang baby namiss kita" bulong niya pa sa tenga ko kaya napaiwas ako dahil sa kiliti.
"Miss eh apat na oras lang tayo hindi nag kita"
Ilang buwan na din ang lumipas simula ng sagutin ko si Gideon. Maayos at walang namang nakakapansin sa relasyon namin dahil sanay naman sila mama na close kami nito. Tulad ng pangako ni Charlotte hindi niya ito kwinento kahit kanino at minsan ay kinukulit pa ako na mag kwento tungkol sa amin ni Gideon.
Minsan ay may hindi kami napag kakaintindihan lalo na kapag nag seselos siya kay Quins pero pag dating ng dulo ng araw ay naayos din naman agad namin.Sabi nga niya walang matutulog hanggat hindi nag kakabati.
"Kahit na baby" hinalhalikan pa ako nito sa sintido ko at tsaka humiwalay.
"Sige na pumasok ka na.Mag kita tayo mamaya sa parking"
"yup"
Yumuko ito at ninakawan ako nang mabilis na halik sa labi.
"Love you"
"Love you too"
Kumaway pa ito at tsaka kami nag hiwalay ng dereksyon.
Habang nag lalakad ay nakaramdam pa ako ng pag ka ihi kaya't dumaretsyo muna ako sa restroom na malapit sa building ko.
Pag pasok ko ay nakita ko si Dennise na nasa harapan ng salamin at nag huhugas ng kamay.
Papasok na dapat ako sa isang cubicle nang bigla itong nag salita.
"Akala mo hindi ko kayo nakita?" ani niya habang nag pupunas ng kamay kaya napalingon ako dito.
"A-Ano?"
"So sinong malandi satin ngayon ha? Pati pinsan mo pinapatos mo" sabi niya habang dahan dahang lumalapit sa akin.
"Hindi kami mag kadugo Dennise" palaban kong ani sa kaniya. Hindi ko hahayaang insultuhin lang ako ng bruhang to.
"Mag kadugo o hindi alam mong hindi pwede ang relasyon niyo Mandy!"
Itinaas niya ang kamay niya na may hawak na cellphone.Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang picture namin ni Gideon doon habang nag hahalikan kanina.
"Send" aniya niya nang pindutin ang send button at nag send kung kanino.
"D-Dennise kanino mo isinend yan?Burahin mo yan!" nangigigil kong sabi sa kaniya.
"Why? Hindi bat ganyan din ang ginawa mo noong nakita mong may kahalikan ako? I sinend ko lang naman sa magulang mo para patas tayo" ngumisi itong ng nakakainis kaya't hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinugod ito.
"Bruha ka talaga!" hinigpitan ko ang pag kakasabunot sa buhok nito at hindi naman siya nag patalo. Binitawan niya ang kaniya cellphone at hinablot din sng buhok ko.
"Malandi ka! Nakakadiri kayo! Alam mo pinsan mo si Gideon pero nakipag relasyon ka sa kaniya!"
Naitulak ako nito nang malakas kaya't dumali ang likod ko sa lababo at napahiga sa sahig dahil sa sakit.Kinuha naman niya ang tsansang iyon para umibabaw sa akin at pinag sasampalin ako.