Chapter 9
KissNang dumating ang hating gabi ay nag si uwian na din ang mga bisita at kami kami nalang pamilya ang natira. Sila Tito Galen at ang pamilya nito,Sila Tita Aziana at ang pamilya niya at si Quins.
"Mandy mauna narin ako ha baka nag hihintay na si mama hindi nakakatulog yon ng hindi kami kumpleto" paalam ni Quins sabay tayo sa sofa kung saan kami naka upo.
Pinuntahan niya pa si Mama na nakikipag kwentuhan kay Tita Aziana at si Dad na nakikipag unuman kila Tito Galen,Tito Blake,Tito Jake at kay Gideon.
Nang makapag paalam ito sa lahat sabay kaming lumabas ng bahay at hinatid ko siya hanggang sa gate namin.
"Bye Mandy,Goodnight"
"Goodnight din ingat ka"
Sumakay na ito nang kotse niya at kumaway pa bago tuluyang umalis.
Pag pasok ko ng bahay nakita kong nag liligpit na ang lahat. Ang mga lalaki ay halatang lasing na dahil maiingay at pasuray suray na ang mga lakad kasama na don si Gideon.
Nakita kong muntik na itong matumba habang nag lalakad papunta sa powder room namin kaya agad ko itong nilapitan para alalayan.
"Sobrang lasing ka nanaman Gideon" Sabi ko at binuksan ang pintuan ng Cr. Dali dali naman itong lumapit sa lababo para sumuka.
Iniwan ko lang bukas ang pinto at pinanood siya. Sanay narin akong makita siyang ganiyan dahil tuwing mag iinom sila nila papa at tito parang walang kinabukasan sa dami ng iniimon.
Ilang minuto itong nag suka at tsaka ilang beses nag mumog ng bibig.
Napasandal pa ito sa pader ng banyo habang nakapikit ang mata na parang hilong hilo.
"Ano? edi hilong hilo ka. Yari nanaman kayo ni Tito Galen kay Tita Akira. Dalawa pa kayong lasing" natatawa kong aniya sa kaniya pero natigil din agad iyon nang bigla niya akong hilahin papasok ng banyo at isinara ang pinto.
Mas kinagulat ko pa ng itinulak niya ako padikit sa likod ng pinto at itinuon ang kaniyang mga kamay doon kaya ngayon sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"G-Gideon.."
"Hmm..." Sagot niya habang nakapikit at isinandal ang mukha niya sa leeg ko.
Amoy na amoy ko ang alak mula sa kaniya.
Inangat ulit nito ang mukha at ngayo'y naka bukas ang isang mata habang nakatitig sa akin.
"L-Lumayo ka nga...Gideon amoy alak ka" Ani ko habang iniiwas ang tingin sa kaniya dahil kapag humarap ako ay mag lalapat na ang mga labi namin sa sobrang lapit.
"Di ko na kaya baby..." mahina at namamalat ang boses na ani niya.
Hiwakan niya ang pisnge ko at tsaka hinarap sa kaniya. Matagal itong tumitig sa mga mata ko at tsaka ako kinabig ang batok ko papalapit sa kaniya kaya't tuluyan ng nag dikit ang aming mga labi.
Shit!
Gideon ano ba to!
Nanlalaki pa ang mga ko sa gulat pero nang mag simula ng gumalaw ang mga labi nito ay para akong nawawala sa sarili. Parang gusto ko na ding sumagot sa mga halik nito.
Bahala na si Batman!
Ipinikit ko din ang mata ko at tsaka sinampay ang mga kamay ko sa balikat nito habang ang kamay niya ay pumulupot ng sa bewang ko.
Sobra akong nalalasing sa mga halik nito. Lunod na lunod na ako ni hindi ko nga napansin na naiupo na ako nito sa lababo at ang mga kamay niya ay bumaba na sa hita ko habang tuloy padin ang pag halik ng mariin sa akin.
Nang mag simula ng umakyat ang kamay niya papalapit sa gitna ng hita ko tsaka lang ako parang nabuhusan ng malamig na tubig at tsaka ito itinulak papalayo.
Naguguluhan naman siyang tumingin sa akin.
"Why baby?"
"W-Wag kang lumapit sakin" nanginginig ang boses kong sabi sa kaniya at tsaka bumaba sa pag kakaupo sa lababo.
"Bab-"
"Gideon mag pinsan tayo! Mali yon!" kinakabahan ko ng sigaw sa kaniya.
Lalapitan pa sana ako nito para pakalmahin pero agad na akong tumakbo papalabas ng baniyo bago pa niya ako maabutan.
Tangina...
Bat ko ba nagawa yon
Hindi ito pupwede!
Wala sa sarili akong nag lakad papalapit kayla mama para tumulong sa pag liligpit.
"Mandy!" bigla akong napatigil sa pag kakatulala ng marinig ko ang sigaw ni mama.
"M-Ma?"
"Kanina pa kita tinatawag anak parang wala ka sa sarili at isa pa namumutla ka.Ok ka lang ba? May sumasakit ba sa iyo?" nag aalala nitong tanong sa akin.
"Wala po ma...May iniisip lang po" ngumiti ako dito para hindi na siya mag alala pa at tsaka simulang linisin ang mga nasa lamesa.
"Bye Azi" sabi ni Mama kayla Tita Azi ng maihatid niya ito sa labas. Hirap na hirap si Tita sa mga asawa niyang lasing na lasing. Akay akay niya si Tito Blake habang si Tito Jake naman ay si Jackson at Briana ang naka alalay.
Bumusina pa si Tita bago sila tuluyang umalis.
Pag talikod namin ni Mama sakto at kakalabas lang nila Tita Akira at nag papa alam na mauuna na din sila. Nasa likod niya si Gideon pero ni isang beses ay hindi ko ito tinapunan ng tingin. Hindi ko alam kung pano pa ako makakatingin sa kaniya matapos ng mangyari kanina sa baniyo.
"Mandy" narinig ko ang pag tawag niya sa akin bago siya sumunod papalabas kila Tita pero hindi ko ito pinansin at tuloy tuloy lang nag lalakad papasok ng bahay at umakyat sa kwarto.
Pabagsak akong humiga sa kama ko at tsaka napatingin sa kisame.
Ano bang nangyari sayo Mandy?
Bakit si Gideon pa ang nakakuha ng first kiss ko?
Bakit siya pa na pinsan ko?
Pag kakausap ko sa sarili ko. Ilang oras din akong nanatiling naka ganon lang bago tuluyang naka tulog sa pagod.
FOLLOW,COMMENT&VOTE