Pag dating na pag dating namin sa parking lot nakita ko si Gideon na nasa harapan ng kotse niya at may sigarilyo nanaman sa gitna ng mga labi habang naka sandal sa kotse at parang may inaantay.
Nag paalam na ako kay Quins na mauuna na ako at tsaka nilapitan si Gideon.
"Tigilan mo nga yan" sabi ko sakaniya. Umiihip pa ito ng isa bago tuluyang inapakan ang sigarilyo.
"Bakit nandito ka pa? Mag sisimula na ang klase" tanong ko.
"No walang klase. May meeting daw sila" sagot niya habang naka pasok ang mga kamay sa bulsa ng pants niya.
Niyaya naman niya akong mag lakad sa loob ng university habang free time pa.
"So...Ano ng nangyari kay Dennise?" pag basag ko sa katahimikan.
Nagpatuloy lang siya sa pag lalakad at umiling. Alam ko na ang ibig sabihin niya doon. Wala na sila ni Dennise.
"Kayo ni Quins? Bakit nandon siya sainyo kanina?"
"Ahh kaibigan ko na kasi sila Quins...Mabait naman sila Gideon kaya tigilan mo na ang pakikipag away mo sa kanila"
"Tsk" yaan lang ang isinagot niya.
"Kaibigan huh? Nanliligaw ba sayo yon?" istrikto niyang tanong.
"What? No. Hindi noh mag kaibigan nga lang kami"
"Good" mabilis nitong sagot habang nakatingin sa kawalan.
Good?
Good na hindi ako nililigawan ni Quins?
"Pero kung manliligaw siya pwe-"
"No Mandy" Napatigil siya sa pag lalakad at tsaka ako tinignan.
"Huh?"
"No.Hindi ka mag papaligaw sa lalaking yon" inis na sabi niya at tsaka nag patuloy ulit ng pag lalalakad.
It's been 1 week ng mag break sina Gideon at Dennise and ngayon na din ang birthday ni Ethan.
Naandito kami ngayon nila Mama,Tita Akira,Tita Aziana at si Briana na anak ni Tita Aziana sa likod ng bahay para mag ayos ng mga kakailanganin sa party ni Ethan. Isang oras nalang ay mag dadatingan na ang mga bisita namin.
Hindi naman ganoon kadami ang inimbitahan namin,ang ilang kaibigan ni Ethan,Kaibigan nila mama at ang iba naming mga kamag anak lang ang sinabihan nila.
"May boyfriend ka na Briana?" tanong ko dito habang tinutulungan niya akong mag lagay ng mga candy sa dessert buffet.Hindi din naman nalalayo ang edad namin ni Briana dalawang taon lang nag tanda ko sa kaniya.
"Nako ate wala po noh. Para namang papayagan ako nila papa at dad tsaka isa pa si kuya Jackson" natatawang sagot nito.
Siya lang kasi ang babaeng anak nila tita Aziana at bunso pa kaya naman overprotective sila tito Jake,tito Blake at ang kakambal niya na si Jakcson.
"Ikaw ate meron na po siguro kayo no?" sabi niya at kinurot pa ang tagiliran ko na parang nang aasar.
"Hay nako wala din Briana" sabay tawa ko ng malakas.
"Hindi bat nanliligaw sayo iyong si Preston ba yon?" tanong ko ulit sa kaniya na nakapag palaki ng mata nito.
"Shhh ate baka marinig ka nila dad"
"Eh hindi bat alam na nila tito?"
"Yes pero si Papa lang ang pumayag si Dad at Kuya hindi" nakanguso niya ani.
"Hay nako papayag din yang sila tito at Jackson hayaan mo na" nginitian ko to kaya naman napangiti din siya sa akin at tsaka namin pinag patuloy ang pag aayos.
May ilang mga Table at chairs kaming iniligay dito sa likuran namin. Nag pa cater din sila mama at nilagyan din nila ng mga inflatable na salbabida ang pool na may iba ibang desenyo tulad ng flamingo,batman,iron man at kung ano ano pa para sa mga bata mamaya.
"Mandy!" pag tawag sa akin kaya napatingin ako sa sliding door kung saan nanggaling ang boses.
Si Gideon na may hawak hawak na malaking box na naka gift wrapper.
Lumapit din naman siya agad sa akin.
"Si Ethan?" tanong niya.
"Nasa taas pa binibihisan ni papa"
Napatingin ako sa regalong dala nito.
"Ano nanaman yan? Baka naman mamaya kinuha mo lang yan sa collection mo.Batman ang paborito ni Ethan hindi Iron man Gideon" Ani ko sa kaniya.
Dahil natatandaan ko pa noong 5th birthday ni Ethan na late itong punta dahil naka limutan niya,Hindi din siya nakabili ng regalo kaya kumuha nalang daw siya ng isa sa mga collection niya. Napaka hilig kasi niya sa Iron man. Pag pumasok ka sa kwarto nito ang collection niya ng Iron man ang makikita mo.
"Hindi noh batman yan binili ko kahapon" nakangising sagot niya.
Hindi nag tagal at isa isa ng nag datingan ang mga bisita at bumaba na din si Ethan. Naka suot ito ng costume na Batman. Agad ding ibinigay ni Gideon ang regalo niya kay Ethan at halata naman sa mukha ng kapatid ko ang pag kasaya at excited.
"Anak nandito na ang kaibigan mo"Sabi ni mama habang nasa tabi niya si Quins.
"Quins! Buti naka punta ka" ani ko ng makalapit sa kaniya.
"Oo naman. Ayokong tanggihan si Ethan" ngumiti ito ng malaki sa akin bago lapitan si Ethan at Binigay ang regalo.
Napatingin ako kay Gideon na nasa may harapan ko at naka busangot nanaman ang mukha nito.
Hay nako.
FOLLOW,COMMENT&VOTE
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.