-//-
"I'm Keith, head butler and caretaker of Scion Mansion." Sabi ni Keith at binasag ang katahimikan.
Aaahh.. Keith, ang sosyal naman ng pangalan!
"Leira.. uhhmm.. Leira.." Nag-aalanganin pa ako kung gagamitin ko ba ang apelyedo ni Nanay Rosy..
"Arrgh! Ouch!" Bigla nalang humilab ang ulo ko. Para bang pinipiga. Tila may inaalala ako na hindi ko maalala dahil malabo ang memoryang ito at boses lamang ang naririning ko.
'Ms. Starns! Hinahanap ka na ng mommy mo! Dalian mo Ms. Leira!" may boses na humahabol saakin.
Starns?
"Uhmm.. Miss, are you okay?" may biglang humawak ng balikat ko dahilan para bumalik ako sa realidad.
Hinaplos ko naman ang aking sentido at iniwas ang balikat ko mula sa pagkakahawak niya. Tinignan ko siya.
"Oh, I'm sorry.." paumanhin ni Keith.
"Hindi ahh.. Leira pala.. Leira Starns ang)? pangalan ko." Sumbat ko naman sakanya. Bigla na lamang lumabas ang salitang 'Starns'.
Bahala na si Iron man!
"Uuhhmm.. Sir Keith.. tungkol dun sa card, anong ibig sabihin no'n?" Nag-aalalang tanong ko sakanya.
Binagalan niya ang pag-ddrive "About that, how do I explain this?.." tila ba nag-aalangan pa siya.
"There will be 7 employers and you have to choose one of them." Sabi niya pero wala akong naintindihan.
"Ano bang klaseng trabaho..?" napahinto ang pag-tanong ko ng bigla siya pumreno sa isang mansyon.
"You'll find out later, Ms. Starns. Follow me inside." Sabi niya at bumaba na ng kotse.
Sinundan ko naman siya hanggang binuksan niya ang malaking pinto sa harap.
"Woow.." naamaze naman ako sa interior ng mansion! Bigtime ang may-ari!
"This way Ms. Starns" pag-aya saakin ni Keith. Sinundan ko lang siya.
Hindi tulad sa ibang kuwentong nababasa ko at pelikulang napapnood ko, mas kakaunti lang mga kasambahay.
Ay! Mukhang foreigner! Yung iba mukhang Hapon! Ang bongga naman, daig pa ako ng mga kasambahay dito.
"Oh, Keith. You brought a new girl?"
Tumitingin lang ako sa paligid ng may tumawag kay Keith at umagaw ng atensyon ko.Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"Oh, no Sir Vladimir. It's the first candidate." Sagot ni Keith sa ginoong naka suit na mukhang negosyante."Really? Who?" May lumitaw mula sa balcony. Hindi tulad ng una mas casual ang suot nito. Playboy.
"Who are you?" Isang mababang boses ang narinig ko mula sa likuran. Lumingon ako at nasilayan ang mukhang kastilang negosyante.
Lumingon ako para hanapin kung sino ang tinutukoy niya. "You." Madiin niyang pahayag. Nang tinignan ko ulit siya nakatingin siya saakin.
Tinuro ko ang sarili ko, tumango lang siya. "Ahh.. uhmm.. Leira Starns.." sabi ko at hinanap si Keith sa tabi ko. Wala na siya.
"Starns.. sounds familliar right, Claude?." May lumitaw galing sa likod ng tinawag niyang 'Claude'. Tulad ng pangalawang lalaki mukha rin siyang playboy. May hawak itong beer at nakabukas ang 3 botones nito.
"Rare for you to remember a name, Raver." Umupo naman sa sofa ang isang lalaki na mas pamilyar ang vibe nito. Para bang mabait siya tignan.
"Agree." Sabi ng lalaking nakasalamin at mukhang japanese at umupo rin sa sofa. "Oh you're quite early today, Soi!" Sabi ng lalaking katabi niya sa sofa.
"Stop calling me that. It's Soichiro." Sabi ng lalaking makasalamim na neutral lang amg ekspresyon nito.
*BLAG!*
"Sorry, i'm late?" May kumalabog ng pinto kung saan ako pumasok kanina.
...
Tumingin ako sa paligid ko.
Oh no!
Huwag mo sabihing sila ang mga sindikato!?
Tumingin ako sa paligid ko. Gwapo. Mayaman. Mistiso. Matipuno. Iilan lang iyan sa mga naisip kong salita para ilarawan ang pitong lalaki sa harapan ko ngayon na nakaupo sa sofa.
Mahina kong kinurot ang kamay ko. Natawa ako sa sarili ko na tawagin silang sindikato. Kaso.. malay mo?
Lumitaw ulit si Keith na may hawak na tab sa kamay niya. Lumapit ako sakanya. "Ahh.. Keith, sino sila?" Mahina kong tanong.
"Your employers." Diretsong sagot nito. "Huh?" Tanong ko.
"Why did you choose to inquire in such a mysterious job, Ms Starns?" Tanong saakin habang kinakalikot ang tab nito.
Huminga ako ng malalim. "Yung foster-parent ko may sakit sa puso. Mag-dadalawang linggo na siyang nasa ospital at siyempre bawat araw na pag-stay niya doon, gastos pati pang araw araw niyang gamot magastos rin. Ako lang naman ang malapit sakanya." Paliwanag ko.
"Foster-parent? How about your biological parents?" Tanong saakin ni Keith habang nakatayo parin kami medyo malayo sa sofa.
Tila ba may tumusok sa puso ko. Wala akong alam. Tinignan ko siya at umiling. Ngumiti ako ng mahinhin at tumingin nalang sa glass window.
"Well, Leira. I'm Vladimir, your employer." sabi ng isang lalaki, kaya naman napalingon agad ako sa sofa kung saan silang pito ay nakaupo.
Di ko namalayang nakikinig pala sila saakin kanina. "Ehem. Not yet, Vlad." sabi naman ni ginoong, Claude. Pero nagkibit balikat lang si Vladimir.
Tinignan ko naman yung iba at hinintay na mag-pakilala sila. Naramdaman kong may tumulak sa aking beywang papalapit sakanilang pito. "Aahh.. Ehh.." Bigla akong kinabahan ng marahan akong pinaupo ni Keith sa sofa.
"Hhmm.." Nag palumbaba naman si Raver habang nakatitig lang saakin. "Starns.. Starns.." mahina niyang bulong. "You're not from a noble family, are you?" tanong saakin ng katabi ni Soichiro.
Umiling lang ako. "Raver, seems to remember your family name." Dugtong naman ng lalaking nalate kanina ng dating.
Tinitigan lang nila akong lahat ng tapikin ako ni Keith sa balikat. "Would you like some tea, Ms. Leira?" Tanong niya. Tumango naman ako, "Leira nalang."
"What do you prefer?" tanong niya ulit.
Gaano na ba ako katagal hindi uminom ng tsaa? Hindi ko na maalala pero ang alam ko may paborito akong tsaa noon. Black tea? Hindi eh. Ayoko rin naman ng Oolong. "Hhmm.. Gyokuro? Uhh.. hindi, Earl Grey nalang." Sabi ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Soichiro, "Gyokuro tea? You sure are something." sabi niya. Suplado. Tch! Inadjust niya yung glasses niya at iniwas ang tingin saakin. Pasalamat gwapo siya kung hindi!
Nilapag ni Keith ang tea sa harap ko. "Salamat." sabi ko at ngumiti. Ngumiti lang siya pabalik. Kung hindi lang siya nag-pakilala na butler, siya na ang pipiliin kong employer. Nakakamatay ang ngiti, lalo na pag labas ang dimples.
"So Leira, we are your employers. You have to choose one of us, at least." sabi nung lalaking katabi ni Soichiro na mukhang mabait.
Tinapik naman ni Raver ang balikat nito. "Only one, Glenn. You think you can share?" sabi niya.
"I won't!" Biglang sumigaw yung lalaking mukhang masiyahin sa tapat ko. "Mine is mine!" sabi niya pa na may halong ngisi. Sinuntok naman siya nung lalaking nalate kanina, "I knew you would say that, Mr. Alleissio."
"You're too formal, Lionel. I said Trevor is it?" Sabi ng masiyahing lalaki. "He's still in business mode." mababang sambit ni Claude.
Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila. "Ehem.Ehem"
Agad naman sila saakin at hinihintay kung ano ba ang sasabihin ko.
Tinaas baba ko ang dalawa kong kilay.
"Anong klaseng trabaho ba ang gagawin ko?"
To be continued... ...
BINABASA MO ANG
Bride In Time
General FictionLeira is struggling to pay-off her foster mom's hospital bills. With only the two of them, Leira is seeking for a good-paying job. Seems luck isn't on her side when she picked up a strange flyer saying, Woman for Hire! With the strange caption, she...