Chapter 2

11 1 0
                                    

___

Natigilan sila sa tanong ko. Tinignan ko naman sila. May mali ba sa sinabi ko? May mali ba sa tinanong ko? O baka naman, hindi nila naintindihan?

Dahil tanging katahimikan lamang ang bumalot sa mansyon ay pasimple akong tumikhim . "Ehem." Tila ba natauhan sila kaya iniwas nila ang tingin saakin.

"Well.." sabi ni Vladimir. Sabay sabay naman silang tumingin kay Keith na nakatayo lang sa gilid ko, medyo malayo layo. Sinundan ko nalang kung saan sila nakatingin.

Naguguluhan man, pero ang tingin nila ay para bang may kasalanang ginawa si Keith.

Tumikhim si Claude. "You forgot to tell her, did you?" patuloy naman ni Trevor na nakangisi lamang. Ngumiti lang si Keith. Binalik ko naman ang tingin ko sa mga 'employer'.

Tumango tango lang si Lionel na para bang gets na niya ang dahilan kung bakit. "Of course, do you think she'll come if..." napatigil siya sa pag-sasalita ng tinitigan ko lang siya.

Anong if? May hindi ba ako nalalaman. Tinitigan ko lang siya, titig na nag-sasabing ituloy niya lang kung ano man ang sasabihin niya.

Siniko naman niya si Raver sa tabi niya. "Hey, I really can't deal with women." Tawag niya kay Raver at may mahinang binulong. Ngumisi naman si Raver at umiling-iling, habang si Trevor naman ay humalagpak lang sa kakatawa.

Umiling lang 'yong iba. Tinaasan ko naman sila ng kilay. 'Di ko gets! Hindi naman ako slow pero hindi ko talaga narinig yung sinabi ni Lionel.

"Ouch!" Binaling ko ang tingin kay Trevor na bigla nalang umaray habang sapo ang batok nito. Tinignan niya ng masama si Claude na bumatok sakanya. Pero tinaasan lang ng kilay ni Claude si Trevor.

Pumalakpak ng dalawang beses si Vladimir at ngumiti saakin. "About that.. Your work will be decided once you choose who will be your employer." Paliwanag niya.

Kailangan kong pumili.. Isa sakanila. Pero anong klaseng trabaho nga? Kung pipili ako ng isa sakanila pero hindi ko gusto ang trabaho ko, pwede bang umatras?

"Nope." Sabi ni Glenn. Nabasa niya siguro isip ko.
"That depends if your employer is nice enough to let you go." Patuloy niya.

Tumango lang ako. Hindi naman siguro masamang subukan. "Paano ba ako pipili?" Tanong ko.

"Just choose one of us." Sagot ni Claude. Tahimik lang ang iba. Nag-hihintay kung anong sasabihin ko.

Tinignan ko sila isa-isa. Umiling ako. "Can't choose?" Tanong saakin ni Raver. Tumango lang ako.

Tumayo siya at may kinuha na baraha mula sa drawer sa may center table. May binigay siya saakin na baraha, queen of hearts.

Humarap siya sa pito pang employers. "King of hearts, if you'll pick that card Leira is yours." Sabi ni Raver na may nakakalokong ngiti.

Inabot ni Raver ang baraha kay Keith. Binalasa naman ni Keith iyon bago hinayaang bumunot ang mga employer.

"Really man!" Tinapik ni Lionel si Raver habang bumubunot.

Kinakabahan naman ako habang bumubunot silaa. Para bang nag-aabang ako kung ano ang labas sa lotto.

"Open it up!" Sabi ni Raver. Isa isa nilang binaliktad ang nabunot.

"Hahaha! Luck is in you today, bro!" Isa-isa nilang binaliktad ang mga barahang nabunot nila. Para bang sa lotto, kumakabog ang dibdib ko sa ano mang lalabas.

Hinigpitan ko ang hawak sa baraha nang biglang tumayo si Raver at tinapik ang balikat nito.

"Lucky!"

Sabi niya na may pagkadismaya sa boses nito. Tinignan ko kung sino ang sinabihan niya n'on.

Mula sa sapatos nito pataas hanggang sa kamay nitong may hawak na baraha. Doon nakita ko ang barahang pares ng akin, King of hearts.

Lumunok ako at unti-unting tumingin pataas papunta sa mukha nito.

Naka suit ito at kurbatang bumagay lang sa longsleeves niya.
Makikita mo sa tikas nito na madignidad siyang tao. Ang mga daliri niya na mas mahahaba kaysa ng akin. Kamay niya na halatang manunulat ito.

Ngayon ko lang napansin na pinipigilan ko pala ang pag-hinga. Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa mata niyang nakatitig saakin. Seryoso ang itsura nito.

Naibulong ko na lamang ang pangalan nito,

"Soichiro..."

Nagtitigan lang kami, hindi alintala ang tao sa paligid. Pilit kong binabasa kung ano man ang nasa isip nito pero wala, may pader na pumapagitan.

Ako na ang unang umiwas. Tila ba may ginhawa akong nararamdaman.

"You seemed happy." Tumayo si Glenn at tinapik ako sa balikat. Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Oh well, a King has been chosen!" Sabi lang ni Raver at ininom ang beer nito.

Tumayo si Soichiro mula sa upuan nito at nag-lakad papalapit saakin. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makalapit siya.

"Meet me tomorrow at Mamiya Lawfirm, at 1 pm. Sharp." Umecho sa tenga ko ang matindig nitong boses.

Inabot niya saakin ang card at nilagpasan lang ako. Sinundan ko siya ng tingin.

Tumigil ito sa pag-lalakad. "And.. just show that to the male receptionist. Keith, send her home."

Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Pero nanatili lang ang tingin ko kung saan siya huling tumayo.

Pinoproseso parin ng utak ko ang pangyayari. Ewan ko ba. Ano kayang mangyayari kinabukasan?

May tumapik sa balikat ko. "Shall I send you home?" Tanong saakin ni Keith.

"Master's orders.." tumingin siya sa 6 na lalaking nakaupo. "And I don't think they would like to send a woman alone." Patuloy nito ng akmang tatanggi pa ako.

"Salamat at pasensiya na sa abala." Ngumito ako at tumayo na.

Tumingin ako sakanila habang nakangiti. "I-It's nice m-meeting you a-all." Kinakabahan kong sabi. Baka may mali ang grammar ko o kaya pronounciation.

Ngumiti at tumango lamang sila. Niyuko ko naman ang ulo ko at sinundan nalang si Keith palabas ng mansyon.

Sumakay na ako sa kotse at tahimik na sumandal nalang sa bintana.

Nasa siyudad na. Kailangan no rin balikan si Nanay Rosy.

"Aahh.. Keith, Puwede mo ba akong ibaba sa XX Hospital? Liko ka nalang diyan pag-katapos sa merkado."

Tumango lang siya at hindi na nag-tanong.

Huminto siya sa parte ng 'Loading and Unloading Zone'.

"Maraming salamat." Ngumiti ako at tinanggal ang seatbelt. Ngumiti lang siya pabalik.

Tumakbo ako papalayo ng kotse. Dahil excited na akong ikuwento kay Nanay Rosy ang nangyari!

To be continued.. ..



Bride In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon