__
May kung anong kaligayahan ang bumalot sa sistema ko. Marahan kong hinaplos ang ulo niya. Ngumiti ako ng matamis, matagal-tagal narin akong nakangiti ng ganito simula ng maospital si Nanay Rosy.
"Mama.." ulit na pag-tawag ni Ryuichi. Hindi parin ako sanay, nagugulhan parin ako sa situasiyon. Lumuhod ako para pantayan siya. "Ako si Leira!" Pag-papakilala ko.
"Mama!" Binalot niya ang mga braso niya sa leeg ko. Ikinagulat ko ang kilos niya. Mahiyain at suplado ang unang impresiyon ko sakaniya pero mukhang masigla siya.
Huminga ako ng malalim. Nakakrelief naman na malapit na siya saakin. Hindi ako mahihirapan. Pinat ko ang balikat niya, siya namang bumitaw. "Aah..ehmm.." tumingin siya sa daddy niya, sinundan ko kung nasaan siya.
Nakatayo lamang ito at nakasandal sa pader. Halatang gulat siya sa ibang kilos ng anak pero alam ko ring gumaan ang loob niya. Dahil mas umamo ang nakakunot niyang noo, kalma lang siyang pinagmamasdan ang anak.
Tumango siya sa gawi ng anak ng mapansin niyang nasakaniya na ang atensiyon.
"I.. I'm Ryuichiro Akiyama, Papa calls me Ryu and others often call me Ryuichi. I'm in Kindergarten." Pinagdikit niya ang mga fingertips niya at mediyo yumuko. Heh, mahiyaing bata.
Rosy ang mga pisngi niya, cute na cute! Gusto kong pisilin kaso nag-pipigil lamang ako! Baka maging lawlaw ang pisngi niya pag-laki!
"Hello ate Leira!" May tumawag sa pangalan ko mula sa gilid. Tinignan ko ito, isang dalaga at batang babae ang nakatayo sa gilid. May nakatayo ring ginoo sa tabi ni Nanay Belinda, tulad ni Nanay Belinda may edad narin ito.
Tumayo ako sa pagkakaluhod at binati sila, "Magandang hapon po.." una kong binati ang ginoo at nag-mano. "Ikaw pala si Leira! Tatay Francis!" Tumango-tango siya.
"Cherry ang name ko ate, ito ang kapatid ko three years old na si Ella.." inakbayan niya ang maliit na bata. Nginitian ko ang mag-kapatid.
"Mama..." Humawak muli saakin si Ryuichi. "Ano 'yon?" Tanong ko at hinigpitan ang pag-kakahawak sa munti niyang kamay.
Makikita mo sa mga mata niya na nangungulila ito. Hindi ko alam ang buong istorya pero nalulungkot ako at may namumuong galit. Hindi ko kilala kung sino ang ina niya, pero ang iwan ang munting anghel nito ay isang malaking pag-kakamali.
Marahan niya akong hinila at iginaya papalayo sa kanila. "Tatawagin ko nalang kayo kapag handa na ang hapunan!" Pahabol ni Nanay Belinda.
Iginaya ako ni Ryuichi pataas ng hagdan. Hinayaan ko nalang siyang hilain ako at nilibot ang tingin sa buong mansiyon.
-//-
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Soichiro?" Naunang nag-lakad si Nanay Belinda papuntang kusina at sumunod lamang si Soichiro kasama si Tatay Francis.
"Of course, Nay." Inabutan siya ni Tatay Francis ng tubig at umupo sa lamesa. "Kilala kita, anak. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari kaya alam kong nakakontrata kayo." Prankang sabi ni Nanay Belinda.
Nag-buntong hininga si Soichiro. "Anong mangyayari sainyong tatlo?" Tanong ni Tatay Francis. Napataas ang kilay ni Soichiro.
"Hindi imposibleng may mabuong pag-daramdam diyan.." turo ni Tatay Francis sa dibdib ni Soichiro. "Impossible.. I'll makes sure to write that in the contract."
"Eh paano si Ryuichi? Paano ang anak mo? Hindi ba't siya ang dahilan nito ngayon?" Nag-labas ng mga plato si Nanay Belinda at inabot kay Tatay Francis para ilabas sa Dining room.
Natahimik lamang si Soichiro at malim na nag-isip. Tama siya, para kay Ryuichiro ang lahat. Hindi siya kasali doon. "Anong mangyayari pag isa sainyo ay umayaw? Ang maiipit nanaman ay ang bata?"
"We'll see about that, Nay."
"Mukhang mabait si Leira kaya alam kong hindi niya pababayaan si Ryuichi. Nag-aalala ako sa'yo, ijo. Lalo't na sa nakaraan mo." Humarap si Nanay Belinda at tinignan ang anak na malalim na nag-iisip.
"Don't worry about me, it's on my plans. And that woman and that household is out of my life." Baritono niyang sambit at tila nag-dilim ang paningin.
"Huwag kang mag-salita ng tapos, ijo. Dugo parin ng Akiyama ang dumadaloy sa'yo at ni Ryuichiro." Pumasok uli si Tatay Francis at sumumbat sa usapan.
"Right..." Sagot nalang niya at tinungga ang baso ng tubig at nilisan ang kusina para tawagin ang anak na si Ryuichiro kasama si Leira na mag-hahapunan na.
-//-
"You know what, Mama? I'm going to be like my grandpa!" Masiglang pahayag ni Ryu saakin at pinakita niya ang mga buildings gawa sa Lego.
"Ayaw mo maging katulad ng daddy mo?" Tanong ko at siya namang umiling. "Papa didn't want to manage grandpa's company so, I will do it for Papa!" Proud niyang sinabi at iginaya ako sa shelves ng mga libro.
Four years old palang ang batang 'to, malaki na ang ambisiyon. Napangiti ako, mabait na bata. Mas iniisip niya na ang daddy niya kaysa sa mas malawak na oppurtunities na maenjoy niya na siya mismo ang makakahanap ng kung anong gusto niyang maging.
"Woah.." puro picture books, easy reads at encyclopedia ang nilalaman ng shelves. "Nabasa mo na lahat?" Tanong ko pero umiling ito. "The encyclopedias are still hard for me to read, but I read the picture books a lot!"
I see, mukhang hindi naman siya finoforce na alamin agad ang mga bagay-bagay pero advance parin siya sa edad niya.
"Read it for me later okay, Mama?" Pinakita niya saakin ang picture book ng Hansel & Gretel. Tumango nalang ako at ngumiti.
*tok*tok*
"Ryu.. Dinner." Bumukas ang pinto at iniluwa si Soichiro na nakatanggal na ang blazer at necktie na suot.
Tumayo ako at inabot ang kamay sa bata, "Kain na tayo?". Masaya niyang hinawakan ang kamay ko at sinuot ang mule slippers niya. Sinundan lang namin si Soichiro pababa ng hagdan papuntang Dining room
"Wha.." 20 seaters na dining table ang bumungad, marmol at maayos na pag-kakagawa.
Nakaupo na sila Nanay, Tatay, Cherry at Ella, kami nalang ang hinihintay.Umupo si Soichriobsa pinakadulo, kung saan ang head ng household ang nakaupo.
May dalawang bakante sa right side kung saan kaming dalawa ni Ryu ang uupo dahil nakapuwesto sila ang iba sa left."Mama, you seat here." Iginaya ako ni Ryu sa unahan malapit kay Soichiro at siya namang umupo si Ryu sa tabi ko.
"Everyone in the household is here, let's eat!"
__
BINABASA MO ANG
Bride In Time
General FictionLeira is struggling to pay-off her foster mom's hospital bills. With only the two of them, Leira is seeking for a good-paying job. Seems luck isn't on her side when she picked up a strange flyer saying, Woman for Hire! With the strange caption, she...