-//-
"Nay, kapit ka lang diyan ha?" bulong ko kay Nanay Rosy na nakhiga sa hospital bed habang makina nalang ang bumubuhay sakanya.
*sigh*
Sinuksok ko ang hospital bill sa bag ko at nilisan ang ospital para mag-hanap ng ekstrang trabaho.
Nag-tratrabaho lang ako sa flower shop ng kaibigan ko. Sapat lang ang suweldo para sa gamot ni inay noon bago pa siya naospital.
May sakit sa puso si Nanay Rosy. Siya ang kinilala kong inay simula ng minulat ko ang mata ko 4 na taon ang nakalipas. Hindi tinago saakin ni Nanay Rosy na hindi siya ang tunay kong magulang pero wala na siyang sinabi saakin mula roon. Hindi na ako nag-tanong mula noon. Simula noon inalagaan ako ni Nanay Rosy mag-isa, ni minsan hindi niya ako napagbuhatan ng kamay o kaya naman napagalitan.
Habang nag-lalakad ako sa kalye may namataan akong maliit na kard. Pinulot ko iyon at pinunasan ang alikabok.
'Job Offering for Woman 20-25 years of age
If interested: Follow the directions for the office address in the back of the card.' sabi dun sa card. Tinapon ko naman sa ere ang card.
Anong modus na naman ba iyan? Bakit ang requirement eh ganyan!? Baka kung ano gawin nila saakin doon!
Napapikit ako ng madiin sa kung ano mang iniisip ko na mangyayari.
Pero kailangan ko ng trabaho.. Ilang kumpanya na ang naapplyan ko, wala parin.
Napadilat ulit ako at tinignan ang business card na nakahandusay sa sahig.
Wala namang masama pag titignan ko kung anong meron diba?
*sigh*
Pinulot ko ulit yung card at tinignan ang address sa likod.
'Flanelia Subdivision, Rossisyaka'
At may drawing pa na mapa sa baba ng address. Rossisyaka? Mga 2 kalye sa labas ng siyudad ang layo nun.Tinignan ko ang relo ko, 16:45. Hapon na pero aabot naman siguro ako doon diba?
May barya pa naman ako sapat lang pang taxi back and fort narin yun.
Nag-arkila ako ng taxi. "Sa Flanelia Subdivision nga po sa Rossisyaka." sabi ko kay manong driver. Tinignan niya ako sa may rear view mirror. "Hindi ka ba sinundo ng sundo mo miss?" tanong niya saakin.
Huh? Anong pinagsasabi ni manong? "Mag-drive ka nalang po manong." sabi ko at binalewala ang tanong niya.
-//-
Puro bukid at bundok ang nadadaanan namin ng may pumasok ang manong driver sa isang maliit na village na puno ng mga mansyon! Puno ng mga street lamps at tahimik.
Pumreno naman si manong sa harap ng malaking gate. "Dito na miss. Hindi puwedeng pumasok ang mga taxi sa loob eh." sabi ni manong. Nag-abot ako ng bayad at bumaba na sa harap ng malaking gate.
May guard house sa tabi nun kaya lumapit ako roon. May sumalubong naman saakin na guard at tinanong kung anong kailangan ko.
"Ah, manong alam niyo po ba kung saan ito?" Tinuro ko yung may 'X' sa mapa sa may business card. Kinuha ng guard ang card at may tinawagan sa telepono.
Bumalik siya sa akin at inabot muli ang card. " Mag-hintay ka nalang sa loob ng gate miss, may mag-susundo sa'yo." tugon niya kaya sinundan ko nalang siya.
Hindi naman mukhang suspicious ang lugar.. Halatang mayayaman ang nakatira dito ah. Baka naman.. HUMAN TRAFFICKING ang modus nila!?
Tumaas naman ang balahibo ng umihip ang hangin. Makulimlim narin. Nay Rosy!
"Excuse me, do you have this kind of card?" May sumulpot na anghel sa harapan ko habang may hawak na business card parehas ng akin. "Huh? Ah, Oo.." sagot ko at pinakita ang business card na napulot ko.
Nginitian niya ako at iginaya sa isang kotse. "I'll drive you to the lounge. You'll meet your employer there." Sabi niya at nag-drive.
Employer? Hindi pa naman ako nag-aapply ah! At anong lounge? Baka naman lounge na pang...!
Naku.. PATAY!
TO BE CONTINUED... ... ... ...
BINABASA MO ANG
Bride In Time
Ficção GeralLeira is struggling to pay-off her foster mom's hospital bills. With only the two of them, Leira is seeking for a good-paying job. Seems luck isn't on her side when she picked up a strange flyer saying, Woman for Hire! With the strange caption, she...