Chapter 4

14 1 0
                                    

"May allergy ba si Ryuichi?" pang-walo kong tanong tungkol sa anak ni Soichiro. Hindi parin na proseso ng utak ko na magiging nanay ako pero kinakabahan at excited parin ako.

Ina? Napabuntong hininga na lamang ako sa isiping iyon. Hindi ko parin alam kung anong gulo ang pinasok ko. Wala naman sigurong masamang subukan, diba? Ang asikasuhin lang ang anak ng masungit at supladong abogado at mag-panggap lamang na asawa niya. Ngunit hindi parin talaga maprepredict kung ano man ang puwedeng mangyari kinalaunan.

"Chanterelle mushroom, mussels and oyster." Bumalik ako sa reyalidad nang sumagot si Soichiro. Pssshh, details lang talaga.

Sayang, hindi ko ata mapapakain ng tahong at talaba ang bata.. Paborito ko pa naman nun! "Kumakain ba siya ng gulay?" pang-siyam kong tanong sakanya.

Konsentrado lang siya sa pag-drive. "So so."

"May hobby ba siya?" pang-sampu kong tanong. Nilingon niya ako saglit. "He trains Kendo and he likes to play video games. He reads picture books from time to time." Diretsang sagot nito."Okay, salamat." sagot ko at tumingin sa labas ng bintana. Nasa ciudad parin kami kaya medyo traffic narin.

May nahagip naman ang mata ko na tindahan. "Daan muna tayo doon sa Game Stop..." sabi ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay pero pinarada niya narin ang kotse sa gilid. Bumaba naman ako at sumunod lamang siya. Nang makapasok ako sa tindahan, binati ako ng worker doon.

"Why are we here?" inip na tanong ni Soichiro. Hay, naku! Ganito ba kainipin ang lalaking 'to sa korte!?

"No, I am not" dahil sa singkit ang mata nito, mas masungit ang titig niya kaysa sa normal niyang ekspresiyon. Napataas naman ang kilay ko nang sumagot siya.

"I'm a lawyer afterall!" inunahan niya na ako at tumingin lang sa mga CDs na madadaanan niya habang magkahawak ang kamay niya sa likuran nito.

Napatitig ako sa pigura sa harap. Mahahaba ang legs nito, katamtaman ang lapad ng balikat at matipuno. Elegante ang postura nito at malinis ang pagkakagupit ng buhok at naigel.

Napababa ang tingin ko sa beywang at napalunok. Saglit, anong nangyayari saakin!?

Umiinit ang nga pisngi ko kaya nilayo ko ang tingin at umayos ng tayo. Hindi ko akalaing may pag-nanasa, hindi! Ichineck ko lang!

Nakakaintimidating kasi siyang tignan sa harap, lalo na sa mukha.

Umiling ako para burahin ang mga di kanaisnais na isipin sa utak ko. Sinundan ko siya ng mahagip ng mga mata ko ang mga games pang Wii U.

"Mario Cart... Rayman..." Dinampot ko ang dalawang CDs at tinignan ang presiyo, sige kaya pa. Nilibot ko ang paningin para hanapin ang kasama ko, tumitingin siya ng mga comic books. Hinayaan ko nalang siya at dumiretso sa cashier.

"Ito oh, salamat!" Nag-abot ako ng isang libo sa kahera at inabot lang ang plastic. Tama lang ang laman ng wallet ko. Haaay, para naman sa bate eh..

Papalabas na sana ako ng makalimutan kong may kasama pala ako. "Ayy, si Soichiro pala.." Lumingon ako habang hawak ang pinto.

"Huy!" Tawag ko, wala namang tao kundi kami. Kaya okay lang mag-ingay. Tila wala ba itong naririnig. "Soichiro!" Tawag ko ulit pero wala paring sagot.

"Tsk." Nag-lakad ako papunta sakaniya. "Tapos na ako." Sabi ko sa tabi niya. May binabasa itong manga at tila focused na focused siya roon. "Hhmm?" Walang gana niyang sagot.

"Busy ka ba?" Medyo nilakasan ko ang boses ko. Sinara niya ang libro at tahimik na ibinalik iyon. Nilampasan niya lang ako at nauna nang lumabas.

Tignan mo 'tong lalaking 'to! Napairap ako, sinilip ko ang librong binabasa niya kanina. Napalaki lang ang mata ko, interesado pala siya sa mga ganun?

Bride In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon