Chapter 3

11 0 0
                                    


Nakatayo ako ngayon sa harap matayog na building. Mamiya Rein Lawfirm, iyon ang nakalagay sa card na ibinigay saakin ni Soichiro..... iyon rin abg nakalagay sa tuktok ng building.

Huminga ako ng malalim, at nag-lakad papasok.

"Oh God...." Namangha ako kung ano ang nasa loob.

May malaking gavel sa gitna na nasisilawan ng ilaw galing sa pinakatuktok.

Marami ring palakad lakad na naka court dress habang may nakasunod sakanila, secretary siguro o kaya assistant.

"Excuse me. Are you Leira Starns?"

Napatingin ako sa gilid ko. "Ahh.. yes!" Sagot ko nalang at ipinakita ang card na ibinigay saakin ni Soichiro.

Tumango nalang ito, "Please follow me."

Sinundan ko nalang siya. Papasok sa elevator, pinindot niya ang pinakahuling button.

"While you're here, would you like some refreshments?" Tanong niya saakin.

"Water nalang please. Salamat." Huminga ako ng malalim. Sinusubukan kong ikalma ang sarili ko.

*TING!*

Nag-umpisang manginig ang mga kamay ko ng bumukas ang pinto ng elevator.

Humakbang ako palabas. Binuksan ng receptionist, sa pagkakaalam ko ang pintuan.

"The Director is waiting inside."

"Salamat." Sagot ko sakanya. Tumango labg ito pabalik at lumisan na.

Unti-unti akong humakbang papasok.

"Gary, I need you to investigate this case... And this!....."

Tumayo lang ako sa tabi ng pinto. Nag-kakagulo ata. Busy siya at ang secretary nito na.. Gary ang pangalan.

"E-ehem!" Tumikhim ako para agawin ang atensiyon nito.

Napatigil silang dalawa, at tumingin saakin.

Tumayo ng maayos si Soichiro at inayos ang kurbata nito. "So, you're here."

"H-Hello..." Bati ko...

"Good day, Ms. Starns. I'm Gary. Please excuse me." Pag-papakilala nito at umalis na.

Sinirado niya rin ang pinto. Kami nalang dalawa ni Soichiro.

"B-Busy ka?" Tanong ko para basagin ang katahimikan.

Umiling ito, "It's something normal. Have a seat." Turo niya sa sofa tapat ng table nito.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa office niya. Sa harap ng table may nakalagay na glass name plate. 'Soichiro Akiyama' Akiyama, pero Mamiya naman ang pangalan ng kumpanya.

Nlibot ko muli ang office niya, may dalawang pinto sa kanan at isang pinto sa kaliwa. Binalingan ko naman ang leather sofa na tinuro niya. May nakalagay na baso ng tubig sa table sa harapan ng sofa.

Umupo ako. "I'll go straight to the point...." Pagkatapos niyang kunin ang brown envelope sa mula sa tabe niya, umupo siya sa harapan ko.

May nilapag siyang papeles sa harapan ko.
Tinignan ko siya, "Ano 'yan?" nag-tataka kong tanong. Tinignan ko siya, may kinuha siyang pen mula sa bulsa ng blazer nito at binigay saakin.

"Sign it." Inabot ko naman ang pen pero hindi ko lang talaga maintindihan. "Pakiexplain muna kung ano 'tong mga 'to, please?"

"Just sign it." Ani niya at sumandal sa sofa. "Ayaw." sagot ko naman at tinignan ang mga papeles.

Bride In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon