Kabanata 3

8.7K 237 58
                                    

03 – Boss

I spent the whole night trying to figure out how to hide my identity while working. Ang lalaki sa kabilang kuwarto ay dumating na ngunit naging tahimik pa rin naman ang bahay. After that call with Dane, I realized I cannot work using my real name because my father will surely find me. Dapat ay iba. Iyong hindi ako.

"I'm sorry. I didn't know he's going at the foundation. Nakita niya ako ro'n."

I sighed and just nodded. Kinabukasan ng umaga ay tumawag na sa akin si Yoona na inaasahan ko naman. Nahihiya nga ako sa kaniya dahil nadamay siya sa gulo ko. She just wanted to help me.

"I know. Tumawag na siya sa akin kahapon."

"I'm really sorry. Kilala ka ng mga investors na naroon. They know I am not you."

"I understand, Yoon. Hindi mo naman kasalanan. You just helped me. It's my fault."

Ipinagpatuloy ko ang ginagawang pekeng curriculum vitae. All of the information were fake, except my credentials. I know I'm gonna get in trouble for this but it's better than getting stuck in that old mansion again.

"Pinababalik ka na ba?"

"Oo. Hahanapin niya raw kung nasaan ako.." I said. "It would be hard because I want to work. Hindi ko nga lang magagawa dahil sa pangalan ko."

"Paano na? Babalik ka ba?"

I am sure I won't. Kahit na mahanap niya pa ako at kaladkarin pauwi ay hindi ko gagawin. I was in that house my whole life. I can stay there and remember his cheating.

"No, Yoon. I can't go back. Baka dahil sa ginawa kong ito ay tuluyan na niya akong puwersahing magpakasal at manahin ang puwesto niya. I don't want that."

"Then what? Ano na ang gagawin mo?"

"I'll figure it out. I'll pull some strings and it will be fine.." I assured. "I am sorry for all the damages, Yoon. And thank you."

Bumuntong-hininga siya sa kabilang linya. But truly, I am grateful for her. Kahit nalaman agad ni daddy, nagpapasalamat pa rin akong ginawa niya ito para sa akin.

"Take care, Eun. Call me if you need something."

I nodded and smiled before ending the call. I wore my silk robe before going down to the kitchen to make some breakfast. Umirap ako nang makitang naroon na si Calum. He yawned and fixed his black shirt. Pinasadahan niya ng kaniyang daliri ang buhok upang huwag tumabon sa kaniyang mata. He took a red mug out to prepare some coffee. Bago pa niya iyon magawa ay inagaw ko na agad mula sa kaniya.

"What the?"

"This is my mug. Buy yours."

I started preparing my own coffee. I took a plate out to make my breakfast but he immediately stopped me. Inagaw niya ang plato at ibinalik sa lagayan. I frowned at him.

"I bought this plate. Buy yours."

"Are you kidding me?"

"Are you kidding me, too?"

Pagak akong natawa at inis siyang tinitigan. Ganoon din ang ginawa niya sa akin at tila ayaw magpatalo. Sa huli ay hindi ko na inagaw pa ang pangit na platong iyon. Kung kaniya, edi kaniya.

"Hindi na ako makapaghintay na sipain ka palabas ng bahay na ito." I rolled my eyes and walked away.

"You can't. Mauuna kang umalis." sagot siya.

Tatlong araw ang lumipas at natuloy na ang pinag-usapan namin ni Dane na paghahanap ko ng trabaho. I prepared myself well before leaving the house. Dala ko ang mga papeles na kakailanganin at iniwan muna ang aso ko sa bahay. I don't know where Dane will take me. Ang sabi ko naman ay kahit anong company basta't pareho ang trabaho. Kaonti lang din ang experience ko. I worked once, secretly. Ayaw kasi akong payagan ng ama kong magtrabaho, dapat ay sa kumpaniya lamang namin.

Yours to Hold (Louisiana Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon