Kabanata 8

6.8K 226 118
                                    

08 – Whatever

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan silang usisain ang bahay ko. Hindi ko malaman ang sasabihin at gagawin upang asikasuhin sila. Alam ko namang hindi nila makikita si Calum dahil naroon na sa kuwarto, ngunit kinakabahan pa rin ako. I feel like a stupid teenager hiding her boyfriend from her parents!

"You told us your house isn't big!"

"Y-yeah. It's not." tanggi ko.

"It is!"

One of them, Emma, placed the foods on the table. Peke akong ngumiti kay Niña na marami ring dala, ngunit puro inumin iyon. Inagaw ni Alex ang dala niya at inilapag na rin sa lamesa. Ang mga mata ko ay pasimpleng lumilibot upang makita kung mayroon bang naiwang gamit dito si Calum. Ava took a picture of the foods. Nakigulo na rin doon si Anton upang tikman ang mga pagkain.

"What a surprise! I didn't expect a pupunta kayo!"

"Of course it's a surprise! Naisip namin na nahihiya ka lang kaya ayaw mong pumayag.." ani Ava. "Wala ka namang dapat ikahiya, Yoon!"

Peke akong tumawa at tumango-tango. It's not that I'm shy! I'm sure they won't understand what really happened so it's better to hide the truth from them. Baka lagyan lamang nila ng malisya!

"Your house is nice." he complimented.

"Thanks, Alex."

Ava looked around. "This is too big for one person. Sure kang wala kang kasama?"

Natigilan ako sa kaniyang tanong. No, this is definitely not huge. Kung ikukumpara sa kinalakihan kong mansiyon sa Louisiana ay walang-wala ang bahay na ito. Ngunit ang huling tanong niya ay ikinabahala ko. Does she know anything?

I gulped hard. "W-what do you mean?"

"Masyadong malaki, Yoon. You might wanna give space for some housemates. Income rin iyon."

"This is just 450 sqm, it's not big.." I answered. "And, no need. I'm fine being alone here."

"Gaano ka ba kayaman sa Ilocos?" natatawang tanong ni Alex bago tumungo sa kusina.

Napaisip ako sa kaniyang sinabi at luminga sa paligid. This is a simple house for me. Kung titignan ng ama ko ang bahay na ito, hindi niya aakalaing dito ako nagtatago. Para sa kaniya ay ako ang pinakamaarteng babae sa mundo. Ysabella Eunice won't settle in a 450 sqm villa. In his perspective, she'd want a mansion.

This house actually have two carports. Kaya lang hindi magamit ang isa ay dahil tambak doon ang mga gamit ko na sikreto kong ipinadala rito mula Louisiana. Siguro ay aayusin ko na rin iyon upang magamit ang isa pang paradahan. Calum's car is still outside. Oh, wait. Did they recognize his car?

"Puwedeng makihiram ng mga plato, Yoon?"

Bumuntong-hininga ako. "You can do whatever you want."

Nilapitan ko ang lamesa at tumulong na ayusin ang mga pagkain kahit na lumulutang pa rin ang utak ko. Tahimik ang second floor kaya naman walang mag-iisip na mayroong tao ro'n. There's also bathroom inside the rooms so he wouldn't have to go out.

"Ang sarap ng sushi! Kaonti lang ba ang binili natin nito?"

"Sabi mo ay ayaw mo ng sushi?"

Inilabas ko pa ang ibang plato. I helped Emma to open all the lids while my hands are trembling lightly. Natatawang tinapik ni Anton ang braso ko.

"Chill, Yoon. It's your housewarming party! Mukha kang kinakabahan."

I nervously smiled. "Hindi kasi ako sanay na may bisita."

Yours to Hold (Louisiana Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon