Panalangin

9 0 0
                                    

Panalangin

"Papa God, thank you po sa araw na ito. Wish ko po na sana magkaroon ako ng madaming madaming toys! Amen." 

Isang malaking ngiti ang nakaporma saaking labi habang pinapakinggan ko ang aking anak habang siya ay nagdadasal. Bata palamang at talagang napakamadasalin na. 

__________________

"Lord thank you for this day, I hope makapasa po ako sa exam ko bukas. That's all good night. Amen."

Tahimik lang akong nakikinig sa dasal ng aking anak, ang bilis ng panahon katorse na siya ngayon, kailan lang nung humihiling pa siya ng mga laruan. 

___________________

"Lord, thank you very much for letting me pass my board exam, thank you for making my mother proud, thank you, thank you, thank you! Amen!"

Hanggang ngayon napaka maka-diyos padin ng anak ko. Ngumiti nalamang ako. 

___________________

"Lord p-please help me. Lord God, please help me!" 

Rinig na rinig ang panginginig sa boses ng anak ko. 

Tumabi ako sakanya, hindi ko maalis saaking mukha ang ngiti at saya.

 "Anak nasan ang amen?" mahinahon kong sabi sakaniya. 

Kitang-kita sa mukha niya ang takot na labis kong ikinatuwa. 

Tumakbo siya upang makatakas pero huli na ang lahat ng mahila ko ang paa niya at napatungan siya. 

"Pasensya na anak, hindi ka matutulungan ng diyos mo ngayon." 

Wakas

Mga Tula at Maikling kuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon