Ulap

6 0 0
                                    

Ulap

"Pa! Look oh! Ang ganda ng mga ulap"

Tumingin ako sa itaas kung nasaan ang mga ulap na itinuturo ng aking anak.

"Yes anak, ang ganda nga"

Ibinalik ko na ang aking tingin sakaniya at ngumiti.

"Pa, si mama po ba nasa mga ulap?"

Isang buntong hininga muna ang aking binitawan bago magsalita.

"Yes anak, nandiyan si mama"

Pigil luha kong pagsasalita. Tumingin nalamang ako sa ibang direksiyon upang hindi niya iyon mapansin.

"I miss mama, miss mo na din po ba siya pa?"

Hinaplos ko nalamang ang kanyang ulo atsaka siya niyakap.

"Oo anak, miss na miss"

Hindi nagtagal ay bumuhos na din ang aking mga luha.

Nakaramdam ako ng isang maliit na kamay na naghahagod saaking likod.

"Shh shh, tama na papa, malulungkot po si mama"

Bumitaw na ako ng pagkakayakap saaking anak at panandaliang nagpunas ng mga luha.

"Sorry anak, hindi na iiyak ang papa"

Kahit masakit, kahit mahirap kakayanin ko.
Alam ko na masaya ka na diyan.
Masaya kana sa mga ulap.
Hintayin mo ko diyan mahal.
Sa tamang oras at panahon sasamahan kita sa ulap ng kasiyahan at kapahingahan.
Isasayaw kita sa mga ulap katulad ng dati nating pangarap.

Wakas

Mga Tula at Maikling kuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon