Huling Sayaw

20 0 4
                                    

Huling sayaw

Mag-isa ako sa kuwarto habang nagpapatugtog at sumasayaw.

Iniisip ko na mayroon akong ka-partner na nakahawak sa beywang ko't nga kamay habang ako namna ay nakahawak sakanyang balikat.

Mga ilang minuto din akong nakaganun, nang biglang may isang lalaking lumapit saakin.

"Saan ka nanggaling?!" Tanung ko sakanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay iniabot niya nalamang ang aking kamay at inilagay ito sakanyang balikat, inilagay naman niya ang kanyang kamay sa aking beywang.

Sumabay lamang kami sa tugtog ng musika, hindi ako umangal o nagreklamo man lang sa ginawa niya at nakisabay nalang.

Kung titignan sa malapitan napakagwapo ng lalaking ito, siya ay matipuno at matangkad.

Natapos na ang musika ngunit wala na siya.

Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.

__________________

Isang araw ang lumipas at wala parin akong ideya kung nasaan ang lalaking aking nakasayaw sa loob ng aking kuwarto.

Nagpatugtog nalamang ako muli't nagsimulang sumayaw. Sa di inaasahang pagkakataon ay muli siyang lumitaw kung saan.

Kagaya nung una ganun din ang ginawa niya, isinayaw niya ako muli.

"Saan ka nanggaling?" Pagtatanong ko sakanya.

Tinitigan lamang niya ako't nginitian.

"Napakaganda mo binibini" Huli niyang sabi bago matapos ang kanta at naglaho muli.

Isang ngiti ang ipinorma ng aking labi.

Araw-araw na akong nagpapatugtog, iisang musika lamang kasi ang gumagana upang makita ko siya. Araw-araw din kaming sumasayaw hanggang sa matapos ang musika.
________________________

"Anna mayroon kang Schizophrenia" sabi saakin ng doctor.

Kung maaalala ko pa ay idinala ako ng nanay sa isang psychiatrist dahil palagi nalang daw akong sumasayaw mag-isa, ngunit sinabi kong mayroon akong kasama 'ang unang lalaking nagpatibok ng aking puso'

Ngunit hindi sila naniniwala.

Ipinatugtog ko sa harapan nila ang musikang lagi kong ipanapatugtog para lamang makita siya.

Ilang saglit pa lamang ay dumating na nga siya.

"Ayan na siya!" Sabi ko sakanilang dalawa.

"Sabihin mo! Sabihin mong nandito ka! Nandito ka diba?!" Sabi ko sakanya.

Binigyan niya lamang ako ng isang napakatamis na ngiti at sinabing...

"Binibini handa ka na ba para sa huli nating pagsasayaw?"

Wakas

Mga Tula at Maikling kuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon