The Painter

0 0 0
                                    

Ako si Marissa at mayroon akong asawa na pintor, si Axel.

Simula pa noong kami ay nasa kolehiyo ay hilig na niyang magpinta kaya naman ang nakuha niyang kurso ay Fine Arts. At simula pa noong nada kolehiyo kami ay nililigawan na niya ako.

Sinagot ko nalamang si Axel noong kami ay pareho nang nakapag-tapos ng pag-aaral. Simula noon hanggang sa kami ay kinasal ay mas lalong lumalim ang aming pag-iibigan.

Dahil sa galing ni Axel sa pag-pinta, hindi na bago sakaniya ang makatanggap ng malalaking offer sa iba't ibang bansa. May mga araw nga na sunod-sunod ang kaniyang offer kaya naman ay lagi siyang busy.

Talaga namang nakaka-proud ang aking asawa, ako lagi ang unang nakakakita ng kaniyang mga ipinipinta, ngunit kahit na ganoon, hindi ko parin maiwasan ang damdaming pagkainggit. Naiiggit ako sa mga larawan ng mga tao na kaniyang ipinipinta, mabuti pa sila ay ipinaglalaanan niya ng kaniyang oras sa pagpipinta, samantalang ako na kaniyang asawa ay hindi niya maipinta.

Sabagay, hindi ako puwedeng mag reklamo dahil nga hanap-buhay niya ito at dito kami kumukuha ng pangtustos at pambayad sa aming mga babayarin. Ngunit ang hiling ko lamang talaga ay kahit isang painting lang ng aking mukha ay ayos na.

Isang gabi, nangyari ang hindi inaasahan. Isinugod ko si Axel sa pinakamalapit na hospital dahil sa paninikip ng kaniyang dibdib at palagiang pagsusuka at pagkahilo. Nalaman namin sa kaniyang doktor na siya ay mayroong sakit sa puso at sadyang malubha ito. Sadyang nakakagulantang ang balitang iyon para saaming dalawa, parehas kaming naiwang nakatulala lamang.

Pagkatapos siyang resetahan ng mga gamot ay pinayagan na kaming umuwi, ngunit siyempre marami nang ipinagbawal na gawin ang doktor kay Axel. Pinapayagan parin siyang magpinta ngunit sa mga maliliit o normal sizes na canvas na lamang dahil nga hindi siya puwedeng mapagod.

Bawat araw inaalalayan ko siya patungo sa kaniyang studio upang matuloy niya ang kaniyang pagpipinta, doon ay hinahayaan ko lamang siya dahil doon siya masaya, ngunit bawat araw rin ay humihina't humihina siya.

Isa na lamang ang aking panalangin sa Diyos, na siya ay pagpahingain na kung nais na niyang mamahinga. Mas nanaisin ko pa na maging mapayapa ang aking asawa sa kabilang buhay kaysa maghirap dito sa mundong ito. Ngunit bilib parin ako sa kaniya, kahit na mayroon siyang iniindang sakit ay mayroon paring ngiti sa kaniyang mga labi.

Patuloy lamang akong nagdasal sa tabi niya noong gabing iyon, hindi ko alam ang iisipin at gagawin ko ang alam ko lang ay kailangan kong magdasal para sa ikabubuti niya.

Noong natapos na ako sa aking panalangin, nagulat ako ng bigla niya akong yakapin, hindi ko alam kung bakit parang naluluha ako, ngunit ang alam ko iyon na ang pinakahuling yakap niya na mararamdaman ko kaya't hinagkan ko rin siya ng napaka-higpit hindi niya ako binitawan at ganun din ako.

Bago siya tuluyang nakatulog, narinig ko ang kaniyang huling mga salita:

"Napakaganda ng iyong mga mata mahal ko, Marissa. Paalam, hanggang sa muli"

Kinabukasan ay hindi na ako nagulat, si Axel, ang asawa ko, patay na. Wala na akong nagawa, wala man lang tumulong ni isang luha sa aking mga mata, parang mayroon ding isang parte sa katawan ako at sa buhay ko ang namatay at nawala.

______________________

Kakatapos lamang ng libing ni Axel at kakauwi ko lamang ng bahay. Hindi ko alam ang aking tunay na nararamdaman, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Pakiramdam ko, parang lumaki bigla ang aming bahay, naging sobrang tahimik, at iba na ang pakiramdam, napakalungkot na. Nais kong umiyak, maghinagpis, at magwala ngunit hindi ko magawa, walang lumalabas.

Nilibot ko ang aming tahanan, kahit saang sulok ng bahay ay naaalala ko siya, napakasakit parin talaga. Napadpad ako sa kaniyang studio kung saan siya nagpipinta. Nagulat ako dahil napakalinis dito, hindi katulad ng dati na mahahalata mong may nagpipintura dito, ngayon sobrang linis talaga.

Habang inililibot ko sa silid ang aking mga mata, mayroong umagaw ng aking pansin, isang gift box na nakapatong sa may working table ng aking asawa.

Nilapitan ko ito at sa tuktok nito ay nakalagay ang aking pangalan. Binuksan ko ito at nabigla talaga ako sa aking nakita. May isang susi at isang sulat sa gift box, at halatang si Axel ang nag sulat.
Sinimulan ko nang basahin ang sulat habang mahigpit na hinawakan ang susi na hindi ko alam kung para saan.

Minamahal Kong Asawa, Marissa

Mahal, alam kong napakahirap tanggapin na ang iyong asawa ay mayroong komplikasyon sa puso. Ayaw kong nakikita kang nagdurusa dahil sa akin, ngunit kahit na ganoon ang nangyari, hindi ka sumuko at pinili mong manatili saaking tabi. Nais ko na malaman mo Marissa na mahal na mahal na mahal kita.

Hindi kamatayan ang makakapigil saakin upang mahalin ka. Alam ko, may tanan na ang aking buhay ngunit hindi iyon sagabal upang tapusin ang aking nasimulan na, ayaw kong lisanin ang mundong ito na hindi ko nabibigay ang matagal mo nang hinihiling na matanggap.

Marissa, ang susi na kasama nitong sulat na ito ay susi sa pinaka huli kong regalo para sa iyo. Marissa, buksan mo ang ating kabinet, alisin mo ang aking mga damit doon at mayroon kang makikitang parang pinto, iyon ay nabubuksan lamang ng susi na kasama nitong sulat kong ito.

Nawa'y magustuhan mo ang huling handog ko sa iyo mahal ko.

-Nagmamahal, Axel

Pagkabasa ko ng sulat ay dali-dali akong nagpunta sa aming kwarto upang sundin ang kaniyang mga sinabi sa sulat, dala-dala ang susi.

Nang maalis ko ang kaniyang mga gamit sa kabinet ay mayroon ngang parang pinto roon at ito ay naka lock. Ginamit ko ang susi at sa hindi ko inaasahan ay bumukas nga ito.

Nagulat ako dahil napakalawak ng silid pagkapasok ko ngunit may isa talagang bagay na umagaw ng aking pansin, isang napakalaking canvas na nakatakip ng napakalaking itim na tela.

Nag-aalinlangan pa ako kung hihilain ko ba ang tela o hindi na, ngunit dahil na rin sa aking kuryosidad ay hinila ko na din ito at tumambad saakin ang isang larawang hindi ko inaasahan, ito ay larawan ng aking sarili noong kasal namin.

Habang tinititigan ang larawan ay mayroon akong napansin sa ibaba nito. Kasama ng pirma ni Axel ay may mga kataga din siyang isinulat at ito ay, "mi amor".

Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha, mas lumakas pa ang aking hagulhol ng makita na ko napakarami kong larawan na ipininta ni Axel na nakasabit sa mga dingding ng silid.

"Maraming salamat mahal ko"

Isang mapait na ngiti na lamang ang aking ibinigay sa silid bago ito lisanin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula at Maikling kuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon