Bumitaw at Magpalaya

4 0 0
                                    

Bumitaw at Magpalaya

Dadating sa punto ng buhay natin na kailangan nating bumitaw  at  magpalaya. 

Napaka-simpleng mga salita ngunit napakalalim ng ibig-sabihin. 

BUMITAW 

Isang salita na napakadaling sabihin ngunit napakahirap gawin. 

Totoo, totoong napakahirap nitong gawin. 

Napakahirap bumitaw sa mga bagay na napamahal na saiyo. 

Napakahirap bumitaw sa mga taong mahal mo. 

Napakahirap bumitaw dahil sa mga ala-alang nabuo't tumagal. 

Napakahirap bumitaw sa nakaraang wala nang patutunguhan.

Napakahirap bumitaw dahil sa pag-asang baka meron pa. 

MAGPALAYA

Isang bagay na hanggang ngayon hindi mo magawa. 

Hindi mo magawang magpalaya dahil sa mga pangakong iyong nagawa. 

Hindi mo magawang magpalaya dahil alam mo sa loob-looban mo  na dapat siya lang at wala ng iba. 

Hindi mo magawang magpalaya kasi hindi mo kaya.  

Hindi mo magawang bumitaw at magpalaya dahil sa mga nararamdaman mo. 

Alipin ka ng iyong sariling damdamin.

Wakas

Mga Tula at Maikling kuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon