Rexha's POV
.
.
Pagkatapos nang libing ni Mommy agad kaming umuwi ni Kuya sa bahay at walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig namin kaya hinayaan ko narin na ganon kami hangang sa matapos ang dinner. Agad akong pumasok sa kwarto ko at nagpahinga, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.*Morning*
Paggising ko agad akong naligo at ginawa ang morning routine ko pagkatapos ay nagbihis ako agad at lumabas ng kwarto. Pupunta sana ako sa kusina nang makita ko si Kuya na naka upo sa couch habang nagbabasa ng libro. Hindi ko sya pinansin at diretso ako sa kusino at nagtimpla ng gatas.
Pumunta nadin ako sa sala at umupo sa tabi ni Kuya ng may distansya. Walang nagsasalita samin kaya inunahan ko na sya.
"Anong sabi ng Doctor? Ano daw dahilan ng pagkamatay ni Mommy?" Walang emosyon kong tanong at uminom ng gatas. Bago siya sumagot nagbuntong hininga muna sya at tinabi ang librong binabasa nya.
"Stress" kunti nyang sagot.
"Stress? How? I mean-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla nyang tinapon ang libro nya na halatang galit.
"Kailangan paba itanong mo yan Rexha! Alam naman natin preho na ikaw ang dahilan!" Sigaw nya sakin kaya tumayo nadin ako.
"Bakit? May ginawa ba ako Kuya!"
"Tsk. Wag kang feeling innocente Rexha kasi lahat nang ginagawa mo masama at that leads Mommy to worry about you and leads to that damn stress! At ngayon tatanungin mo pa kung anong ginawa mo" malakas nyang sigaw sakin kulang nalang suntukin nya ako. Nanghina nadin ang katawan ko dahil sa bigat at sakit na nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Kuya.
"K-Kuya i didn't mean to make Mommy worry hindi ko na kasi maintindihan ang nangyayari sa pamilya natin and I thought-"
"You thought na yang pagbabarkada at pagsisira mo ra sa pagaaral mo makakatulong sayo!? Rexha alam mo bang ikaw ang ligaya ni Mommy and yet ikaw ang naging dagilan ng stress nya-"
"Kuya please tama na!" Tumakbo nalang ako papunta sa kwarto ko at iniwan syang galit.
Hindi kona kaya, I can't take all that words na sinasabi ni Kuya sakin. Mas lalo ko lang iniisip na ' Ako nga ba ang dahilan?'. Ang tanga mo Rexha, paulit ulit kong sabi sa sarili ko, hindi kona alam kong sino ang sasandalan ko and mas lalong hindi kona alam kung anong gagawin ko.
Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko hindi narin ako kumain nang lunch hindi rin naman ako tinawag ni Kuya tsk. ano ba inexpect ko sa kanya ang pagmamahal ng isang kuya? Hindi nya yon gagawin lalo na ngayon na pabigat lang ako sa kanya. Nakaramdam ako ng gutom kaya naiisipan kong bumaba muna para kumuha ng pagkain.
Matapos kong kumain agad akong pumunta sa sala at tinignan ang paligid nang mapansin kong ako lang ang nasa bahay.
"deserve ko talagang mag isa" sambit ko sa sarili ko.
Hindi nagtagal may sasakyan na dumadating at alam kong si Kuya yon sumilip ako sa bintana at napansing may kasama sya pero, bakit may kasama sya? Nakapasok na si Kuya tatanungin ko sana siya kung sino ang kasama nya pero inunahan nya ako.
"Nandito si Daddy" cold nyang sambit. Na kinagulat ko at agad na uminit ang dugo ko nang makita ko syang pumasok at kasama nya pa ang kabit nya na bruha.
"Anong ginagawa nila dito?" Galit kung tanong kay Kuya na walang pakealam
"Hindi mo ba ako babatiin Rexha anak" sambit ni Rick ang Daddy namin. Simula ngayon hinding hindi ko na sya tatawaging Daddy, never ever.
"Wag na wag mo akong tawagin na anak" pagputol ko sa sasabihin ni Daddy-ay hindi pala Rick pala.
"Hindi ka ba tinuroan ng manners ng Mommy mo" sabat nong bruhang si Vannesa. At ganon nalang ang galit ko kasi dinamay nya pa si Mommy.
YOU ARE READING
NEVER BEEN LOVED
Teen FictionRexha Villamer Alvarez a girl who finds her life miserable, incomplete and lonely. Babaeng matapang pero may kahinaan din, nagiisa at iniiwan. Palagi nyang iniisip kong bakit sya iniiwan ng mga taong mahal nya. Hanggang sa makikilala nya ang taong m...