Rexha's POV
.
.Maaga akong gumising at agad na naligo pagbaba ko nakita ko si Manang Ester sa kusina na naghahanda ng pagkain.
"Good morning Rexha hija kumain kana habang mainit pa ang pagkain" sambit nya na may ngiti.
"Sige po sumabay kana saken Manang Ester" tawag ko sa kanya. Tumanggi sya pero pinilit ko din kaya wala na syang nagawa sumabay na siya sakin at sabay kaming nag breakfast.
Pagkatapos naming mag breakfast agad akong pumunta sa taas para mag bihis, aalis kasi ako to find a temporary job sa umaga para nadin mabilis akong makaipon and I can totally prove to them that I can do it with out them.
Pagbaba ko agad kong sinabihan si Manang Ester na aalis ako pero hindi ko sinabi sa kanya na maghahanap ako ulit ng temporary job na pangumaga sigurorado kasi ako na magtatanong nanaman sya kung bakit.
............
Hindi ako ganon nahirapan, nasa isang mini store ako ngayon wala kasi ang isang empleyado nila kasi nagkasakit kaya ako muna ang pumalit, ngayon lang na araw ako magtatrabaho dito kasi babalik na ang pinalitan ko bukas. Napansin kong may palapit na costumer kaya pumunta ako sa harap.
"Good morning sir how can I help you today?" sambit ko sa isang costumer na hula ko kasing edad ko lang.
"Miss pabili nong cup noddles at isang tubig" sarcastic nyang sabi. Ang weird nya, kinuha ko ang order nya tsaka binigay sa kanya.
"Thank you fo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla nalang syang tumakbo at kinuha ang binili nya at worst of all hindi sya nagbayad.
"Hoy!!" Sigaw ko. Hihingi sana ako nang tulong sa guard pero wala sya kasi nag cr daw kaya ako na ang humabol.
"Hoy bayaran mo yan!" Sigaw ko habang tumatakbo.
"Miss, pasensya na babalik nalang ako para bayaran ka" sagot nya naman na ikinataka ko.
"Ang bobo mo bakit mo ninakaw yan!" Sigaw ko ulit. Napansin kong lumiko sya kaya sumunod din ako pero may biglang humila sa akin at tinagpan ang bibig ko.
"Shhhhh.." ang lalaking weirdo pala ang nagtakip sa bibig ko pero bakit? Hindi nagtagal may grupo na nagtatakbuhan at lumampas lang sa tinataguan namin. Kaya ba tumakbo sya dahil may humahabol sa kanya naramdaman kong unti unti nyang tinanggal ang gamay nya sa pagtakip ng bibig ko.
"Tsk. Bakit mo ba ako hinabol?" sambit nya, aba sya pa talaga galit eh sya nga nagnakaw.
"Gago ka ba eh ninakaw mo yan eh ta's ikaw pa galit" galit kong sagot sa kanya.
"Sabi ko diba babayaran ko sadyang may mga humahabol lang saken kaya hindi ko nabayaran agad"
"Bakit ka hinahabol nang grupong yon? Criminal ka siguro noh" sabay duro ko sa kanya.
"Hoy Miss hindi ako criminal at isa pa oh heto bayad ko" Sabay abot nya ang pera at umalis sa harap ko. Ang kapal ng mukha neto kaya hinablot ko ang balikat nya at tinulak sa pader.
"Arghhh bakit mo ginawa yon?" Reklamo nya habang hawak hawak ang balikat nya, mukang napalakas ata pag tulak ko.
"Ano pangalan mo at saan ka nakatira?" Diretsyo kong tanong napaka weird nang tanong ko bahala na basta kailangan kong malaman para kung magnakaw sya ulit mahuhuli ko sya agad.
"Bakit interesado ka sa buhay ko? Gusto mo bang maging parte ng buhay ko Miss?" Mayabang nyang sabi. Kapal nang mukha ng lalaking toh.
"Kadiri ka at mayabang pa makaalis nanga" aalis na sana ako nang hawakan nya ang kamay ko kaya agad ko itong tinanggal at sinamaan sya nang tingin.
"Ano bang problema mo?" Galit kong tanong.
"Tsk. Ikaw nga dapat kong tanungin nyan Miss kasi hinablot mo pa ako tsyaka tinanong mo pa address ko may gusto ka ata saken HAHAHA" tawa nya ng malakas.
Sana mapasukan ng langaw yang bibig mo.
"Hindi nakakatawa ang joke mo at tinanong ko lang yon para mahuli ka kapag nag nakaw ka ulit the end"
"Sigi kong yan talaga ang pakay mo ako nga pala si Clark Vance Hernandez at nakatira ako sa Moon"
"Moon?"
"Moon-do mo" Naka smirk nyang sabi tsyaka tumakbo nang mabilis.
"Gago ka!! Panget mo pa!!"sigaw ko.nakakairita ang taong yon ang sarap upakan pero mas nagalit ako sa sarili ko nang napansin kong umiinit ang pisngi ko mabuti nalang at umalis na sya.Gago mo weirdo!.
Ano kaya ang trip ng taong yon sa buhay nya ang lakas pang tumawa parang wala ng bukas. Agad akong naglakad pabalik sa mini store baka kasi hinahanap na ako.
Natapos ang oras ko sa mini store kaya umuwi na ako samin kasi lunch na. Pinara ko agad ang taxi at di nagtagal nakarating ako sa bahay pero lock yong gate buti nalang dala ko yong susi ko. Pagpasok ko sa bahay hindi ko nakita si Manang Ester kaya dumeritso ako sa kusina pero wala din sya doon.
"Manang!" Tawag ko pero walang sumagot. Hindi ko alam kong nasan siya pero isa lang ang sigurado ako at yon ay ang tiyan ko na kanina pa nanghihingi ng pagkain.
Naghanda na ako ng pagkain at nagsimulang kumain. Pagkatapos ay niligpit ko sin agad, pumunta muna ako sa sala para manuod ng TV sakto din biglang dumating si Manang Ester na mukhang galing sa palengke.
"Rexha nandito kana pala hija kumain kana ba? Teka ihahanda kita ng pagkain-"
"Ay hindi napo Manang Ester tapos napo akong kumain hinanap kopo kayo kanina" sagot ko sa kanya.
"Pasensya na hindi ako nakapagsabi sayo hija akala ko kasi mamayang gabi kapa uuwi kaya bumili muna ako ng mga gulay"
"Okay lang po Manang pero sana nagpasama po kayo saken para matulongan kopo kayo" ani ko.
"Ah hindi na kailangan hija sige ililigpit ko muna tong mga nabili ko"
"ah Sige po" sambit ko sa kanya at tinuloy ang panunuod ng TV.
Nakakita ako ng cup noodles sa advertise ng TV kaya napangiti nalang ako nang malala ang weirdo na lalaking nakilala ko kanina.
Wait! Bakit ako ngumingiti sa taong yon? Rexha pull your self together anong iniisip mo?
Agad kong pinatay ang TV at tumayo. Naglakad ako papunta sa likod ng bahay at umupo sa isang bench na nasa gitna ng garden ni Mommy.
Ang weird naman? Hindi ko nalang inisip yon at nilaan ang atensyon ko sa mga bulaklak ni Mommy. Nalala ko nong birthday ni Mommy dito nya pilit sini-celebrate ang birthday nya dito daw kasi ang healing place nya. Sabi nga ni Mommy gawa daw to ng lolo ko at yon ay ang Daddy ni Mommy, bigay daw ni lolo kay lola as an anniversary gift kaya mahalaga talaga kay Mommy ang garden nato and now Im sitting on it hoping that my wounds and scars will be healed one day.
___________________________________________________________
Again thanks for always supporting me jewels \(・◡・)/ stay safe all.
~ Jam ✿
(Don't forget to Vote, Comment, and share if you want and also follow) thank you.(人 •͈ᴗ•͈)
YOU ARE READING
NEVER BEEN LOVED
Teen FictionRexha Villamer Alvarez a girl who finds her life miserable, incomplete and lonely. Babaeng matapang pero may kahinaan din, nagiisa at iniiwan. Palagi nyang iniisip kong bakit sya iniiwan ng mga taong mahal nya. Hanggang sa makikilala nya ang taong m...