Chapter 19

957 37 1
                                    

Carl's POV

Dinala ko si Rane dito sa mall.

Wala lang. Gusto ko lang magpasama.

Kanina ko pa sinusungitan to kase naman ang daldal, naiinis na ako pero ngayon huminahon narin ako at nag eenjoy na kasama sya.

"Oy alam mo ba? Nung bata ako, nawala ako dito tapos umiyak lang ako ng umiyak. Halos limang oras ako nawala nun. Buti nga nakita ako nila mama eh. Si kuya tinawanan lang ako. Nakakainis nga ang panget ko daw kase magang maga yung mata ko." Kwento nya habang inaalala yung nakaraan nya.

Ang ganda nya parin kahit nakasalamin sya. Kahit hindi sya nagsusuklay. May pimples at wrinkles sa mukha nya pero kunti lang naman.

"Oy alam mo. Dito ako palaging pumupunta basta bibili ako ng libro na babasahin tapos pupunta ako dito para kumain" kwento nya pa.

"Tapos?" Tanging komento ko.

"Oy dun tayoooooo!" Sigaw ni Rane at hinila ako.

Nandito kami sa Eat All You Can.

"Magbayad ka na" sabi nya sakin.

Hay nako! Babae talaga. Tingnan mo to, ako ang pinabayad. Tsk! Pero ok lang naman.

Nagbayad na ako at si Rane naman nauna na sa table namin.

Sumunod na ako sakanya dahil hinihintay na nya ako.

"Awam mo, ansharap ng mga pagkaen ditoo. Hihi shorry" sabi nya habang sumusubo kahit andami pang pagkain sa bibig nya.

Ang takaw pala nito pero ang payat.

****

"Burrrrp!" Napatingin ako kay Rane.

"Ay!" Napatakip sya sa bibig nya nung sinabi yun. "Sorry. Hehe ^_^V"

Napailing nalang ako.

"Ang takaw mo pala." Sabi ko

"Di naman" depensa nya. Nag deny pa.

"Salamat" bigla kong nasabi.

"Ha? Para saan? Para sa pag uubos ng pera mo? Hahaha" sabi nya naman. "Di joke lang. Ako nga dapat yung magpasalamat eh. Ang laki na ng utang na loob ko sayo" aniya.

"Ano ka ba! May susunod pa naman siguro diba? Haha" sabi ko naman.

"Oo naman. Syempre!" Jolly nyang sabi

Yes!

"Libre mo ah" inunahan ko na sya

"Aba! Aysh! Sige na ngaaaa." Sabit pa nito.

Kinurot ko ang pisngi nya dahil ang cute nito kung mag pout.

"Araaaay Carl!" Maktol nito.

"Ang oa. Ang mahina lang naman yun eh" sabi ko. Haha! Maasar nga.

"Che!" Sabi nya ng naiinis.


"Carl?"
"Rane?"

Napatingin kami ni Rane sa tumawag samin.

Lagot!

My Twin Brother's FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon