Chapter 27

222 9 0
                                    

Rane

Kinabukasan, nagising akong tanghali. E ang tagal kong nakatulog kahit na uminom pa ako ng gatas.

Bumaba ako at kawalang-wala ang mga tao sa bahay. Si Kuya at Mama, pareho nang umalis.

Dumiretso ako sa kitchen dahil nagugutom na ako.

Parang gusto kong bumalik sa kwarto at matulog nalang magdamag nang nakita ko si Laye sa kitchen namin, topless at naka-apron. Buti nalang at nakatalikod siya habang nagluluto at makakatakas pa ako.

Isang hakbang ko palang, nagsalita na siya.

"Mabuti at gising ka na nang makakain ka. Here, I cooked pancakes for you." Aniya habang ako na naman ang nakatalikod sa kanya.

"Oh, san ka pupunta? Kumain ka muna bago kita payagan na lumabas kasama kay Carl."

Parang wala lang sakanya ang sinasabi niya. Hindi ako nakinig at nagpatuloy sa pag alis. Malalaki ang hakbang ko pabalik sa kwarto nang biglang naramdaman ko ang kamay niya sa aking nga paa at ang isa ay nasa balikat.

Napatili ako sa ginawa niya at nanlaki ang mga mata habang siya ay naka poker face lang. Seriously?

"Ibaba mo akooo!"

"Ibababa lang kita kapag kakain ka" diretso niyang sabi. Nakarating din naman kami sa kitchen agad dahil hindi naman masyadong malayo ang nahakbang ko kanina.

Inilagay niya ako sa upuan na nakahanda sa may counter at dun nilapag ang mga pancakes kasama ang gatas. Milk again? Haay.

Tumabi siya sakin at nagsimulang kumain. May bacon and egg pa pala siyang niluto.

"Why aren't you eating?" Tanong niya nang nakitang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

Sino ba namang makakain lang na parang normal kung hindi pa ako nakakamove on sa nangyari kagabi tapos may bago na naman? Tsaka naka topless siya! Jusko!

Tumayo siya at kinuha ang kanyang tee shirt na v-neck gray. Bumalik siya sa pagkakaupo tsaka kumain ulit.

"Susubuan pa ba kita?" Tanong niya.

Kinabahan agad ako kaya nagsimula na akong kumain.

"Why are you here?" Tanong ko nang naka get over sa pagbabridal carry niya sakin.

"Because of you." Aniya sa isang cold baritone. I never see him smiling since yesterday.

Hindi nalang ako nagsalita dahil baka kung san pa umabot ang usapan namin.

Natapos kami sa pag kain at magliligpit na sana ako ng kinainan dahil wala akong nakikitang maid, pero hindi ako pinayagan ni Laye.

I shouldn't tire my myself nga kase. Oa naman nito.

"I'll be not around today until evening. May business meeting ang dad ko and I should be there. I will inherit the company in time. So, just call me if you need something. My phone number is already registered to your phone." Diretso niyang sabi nang hindi man lang ako nililingon.

Now, what's this?

"How-" hindi pa ako nakatapos nang nagsalita siya ulit.

"I invade your room while you were sleeping earlier and your phone is still on charge so I unplugged it and saved my phone number."

"You what?" Hindi ko makapaniwalang tanong. "Why did you enter my room without my permission?!" Gosh! Ganun na lang ba siya ka feeling close at kahit kailan niya gustong pumasok sa kwarto ko ay papasok siya?

"How can I ask your permission when you're asleep, woman? I had your mom's approval anyway, so why bother yours?" He said in a fluent way.

"What the hell?" Wala sa sarili kong sambit.

"Oh! Sush that mouth before I do my way to shut it." He chuckled.

Mababaliw na ako. Umakyat nalang ako ng walang pasabi. As I enter my room, hindi ko alam kong anong nangyayari sakin kaya agad akong sumalampak sa kama at gumulong-gulong. Nababaliw na talaga ako.

My phone made a sound from somewhere. Agad kong hinanap yun. There! It was on my study table.

My brows frowned when I saw a text message from 'Mr. Handsome'

Who's this?

'Be sure to eat three meals a day. I'm still gonna like you if ever you got fat.

-Laye'

Nanginig ang kamay ko nang nagtipa ako ng reply.

'Heh! Like you face. I won't need your attention.

-Rane, your hater'

Kailangan kong lumayo sakanya bago pa ako lumala. Oo, palala nang palala na ako. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko.

'Worry yourself starting today, sweetheart. I'm gonna make that hater into lover. ;)

-Laye'

Nabitiwan ko ang phone ko sa sinabi niya. No Rane! You have Carl, Carl is your man. Don't be confuse!

'Stop texting me! It's no good joke.' -I replied.

'Okay. I gotta go now. I'll stop texting you now, but I won't stop making you feel the same way like I do. Take care.

-Your superman ❤️'

Nanghina ako sa sinabi niya. Hindi niya ba alam na may boyfriend ako at kaibigan niya yun? O wala siyang pake?

Ni back ko na ang conversation namin at nakita ang pangalan ni Carl kasunod sa kay Laye. I checked it.

'Good morning, love. Sorry for not being able to text you last night. I was too busy to hold my phone. Anyways, I'll not be around for today so please take care. I love you.'

It was sent at 7:32 A.M.

I typed a reply.

'It's okay. Just take your time, I'll be fine. Eat your meals. I love you too.'

Oo, tama. Si Carl lang dapat. Hindi dapat ako makakaramdam nang kung ano kay Laye.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala sa dalawa ang makakasama ko ngayong araw.

I should have a rest. I'm going to a mall for a time for myself.

My Twin Brother's FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon