Chapter 21

637 26 9
                                    

Hello po. Pasensya sa matagal na update. Di ko inaasahan na may babasa nito eh 😂

-

Ranes's POV

Hindi ba talaga nagsisinungaling ang bata? Ang sakit lang kase.

"Hahahaha Ethan, say sorry. You should still respect your ate" natatawang sabi ni Carl

"Eh kuya masama na bang maging honest ngayon? Hay. Sige na nga, sorry po ate Rane" inosente nitong sabi sakin. "Hindi ka naman po talaga pangit, slight lang." dagdag pa nito.

Aish! Kung hindi lang ito bata eh!

Ngumiti lang ako ng peke at tumalikod. Ang sakit eh.

"Oy Rane" tawag ni Carl sakin habang si Baby Ethan naman ay nakapiggy back na sakanya.

"Uuwi na ako. Nakakaoffend na" seryoso kong sabi. Eh ikaw kaya ang sabihan ng pangit? Lahat nalang ba ng taong nakapaligid sakin puro kapangitan lang napapansin sa pagkatao ko? Ang sakit na ha!

Well, may pride din naman ako at napupuno rin. Kahit na totoo pa ang sinasabi nila, may karapatan din akong masaktan at tsaka hindi sila ang nagpakain sakin, kaya ni katiting wala silang karapatan husgahan ng masama ang itsura ko ng paulit-ulit.

Makikita nyo, gaganda ako.

"Uy Rane" hinila ako ni Carl upang mapatigil sa paglalakad.

"ANO?!" Napasigaw ako dahil sa inis. Ewan ko dala narin siguro ng regla ko.

"Oh-oh! She's mad. Bye bye kuya hehe" tumakbo sa loob si Ethan.

Nilingon muna ni Carl si Baby Ethan para masigurong okay ito pagkatakbo papunta sa loob tsaka sya lumingon sakin.

"I'm sorry. Sorry dun sa pagiging disrespectful ni baby Ethan. Sadyang harsh talaga yung bata, di bale pagsasabihan ko yun" explain nya na parang na giguilty.

"No, ok lang. emosyon oo lang yun. Di ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon. Alam mo na..." paliwanag ko at pinilit na kumalma.

Nakakainis naman tong PMS na to huhu. Nasigawan ko pa tuloy si Carl

"Actually, naiintindihan kita."

"Salamat, pwede pakihatid nalang ako sa'min?" Gusto ko nang magpahinga.

"Ah sige."

Nagpaalam muna si Carl sa mga sister at sa mga batang ka close nya dito. Si Ethan naman ay nag sorry din sakin kaya friends na kami since bumalik na yung mood ko.

Sabi niya pipilitin nya dawng maging maganda ako sa paningin niya.

Oh diba? Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa effort na gagawin niya o ma ooffend na naman.

Syempre, hindi ako nagpatalo.

"Baby, wag kang mag-alala. Pagbalik ko dito, maganda na ako. Baka ma inlove ka sakin ah!" Mayabang ko namang sabi sa bata.

"Whatever ate. Sige bye na. Ingatan mo kuya ko." Suplado talagang bata, mana kay Carl.

"As if namang gagalawin ko kuya mo."

"Hindi natin alam..." sagot nito pabalik at nagawa pang ngumiti. Aba grabe!

"Oy oy! Anong pagtatalo na naman ito?" Sulpot ni Carl.

"Nevermind kuya. Sige ingat kayo and please visit here often." Nag bow siya pagkatapos niyang sinabi yun.

Taraaay! Hahaha

"At tsaka crush ka raw ni ate. Nahihiya lang siyang sabihin sayo kaya ako na nagsabi" nag boe ulit si Baby Ethan tsaka umalis.

What the heck?!

Pagtingin ko kay Carl...

"Ang bata hindi nagsisinungaling" sabi niya tsaka tumalikod na nakangisi.

Really?

**

Nakarating na kami samin at buti naman naka move on rin sya sa sinabi ni Baby Ethan.

Ewna ko kung deserve ba ng batang yun na tawaging baby dahil parang hindi bata kung magsalita eh.

Pagkapasok namin sa bahay bumungad ang mukha ni Laye samin ni Carl. Mukha na nakakunot ang noo.

"Oh nandito na pala kayo" bati ni kuya. "San ba kayo nagpunta at ginabihan kayo?"

Sasagot sana ako kaso naunahan ako ni Carl.

"Nag date pa kase kami" biro ni Carl

Sinapak ko naman.

"Aba aba! Date mo mukha mo" sabat ko.

"Close na kayo?" Ani kuya Floyd.

"Feeling close masyado..." sambit ni Laye kaya napatingin kaming tatlo sakanya. "Ha? Itong katext ko feeling close" habol nya nang mapansin na tumingin kami sakanya.

"Oh kumain muna kayo" biglang sumulpot si mama galing kitchen, naka apron pa. "Oh anak nandyan na pala kayo."

Eh? Alam ni mama na may kasama ako at may lakad kami?

Hmmm. Tiningnan ko si Carl na parang pinipikit ang mata yung parang may pinagduduhan ka sa isang tao.

Ngumiti lang syang parang unggoy.

"Kain na daw, pa cute pa tsk."

---

Next chapter, dinner with the mother daw hahaha ani Carl at Laye.

My Twin Brother's FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon