Rane's POV
"Huy!" -Alex "Tulala ka dyan?"
"Ah wala"
"Uhh, Rane! Basta ha! Sa Friday, punta ka tapos ako mag-aayos at pipili ng damit na susuotin mo"
"Pero--"
"Basta! Sa ayaw at sa gusto mo pupunta ka. Ako na nga yung mag-aayos sayo eh! Pupuntahan nalang kita sa bahay nyo"
"HA? WAG!" Sigaw ko.
Tinignan naman nya ako ng nakapagtataka.
"A-ah ano! Sa inyo nalang. Hehe. Ako nalang yung pupunta sa inyo"
"Yun naman pala eh! Sige ba"
Ang ayoko sa lahat ay yung may makakaalam na kapatid ko ang isang FLOYD MONSALES.
Lumipas ang araw at mabilis na dumating ang biyernes kung saan pupunta kami ng mall ni Alex para sa paparating na Ball. Buong buhay ko, ngayon lang ako nag prepare para sa ball na ito dahil sa kaibigan ko.
Bakit pa ba kase ako pumayag na maging kaibigan ko to?
"RANEEEEE" speaking of.. Ayan naman ang bunganga nya.
"Alex naman! Bunganga mo, paki mute"
"Hello din, Rane" sarcastic na sambit nito.
"Oh?"
"Tara na!"
"Eh?"
"Aray!" sambit ko. "Bakit ka nambabatok?"
"Ang slow mo!"
"Eh?"
"RANE MONSALES! PAG HINDI MO PA TINITIGIL YANG PAGKA SLOW MO, HUMANDA KA SAKIN" Sigaw niya na may pagbabanta.
"Eh?" ay nako! "I mean, hehe ito na nga! Tara he-he" sabi ko na may pekeng ngiti.
Nakakatakot din tong babaeng to.
Mga 1 week narin pala kaming magkakakilala.
"AYUN. ITO PA!"
"ITO DIN. AY MAS MAGANDA YUN. IBALIK NATIN TO.... AY WAG NALANG!"
"WOW ANG GANDA! PERO MAS MAGANDA TO. AY ITO PALA! AY HINDI"
Kanina pa yan sigaw ng sigaw dito. Kinakausap ang sarili.Andami ko ng bitbit na mga dress dahil sa kakakuha niya.
"Rane? Nakapili kana?" tingnan mo to. Ang laki ng ngiti.
"Sa tingin mo, makakapili kaya ako kung ipapadala mo sakin lahat ng nakikita mong dress?" sarkastiko kong sabi.
"Ay oo nga hehe! Sorry" sambit niya habang kinukuha ang mga dresses sakin.
"Hmm, try mo to!" may binigay sya'ng cocktail dress sakin.
"Ano kaba! Hindi ako nagsusuot ng ganyan"
"Ito naman. Ngayon lang to"
"Eh hindi naman kase bagay sakin yan"
"Ah basta! Isusuot mo to ? o isusuot mo?"
"As if I have a choice"
"Good Girl" sambit niya sabay tap sa ulo ko. Aba! Nakakarami natong babaeng to ha.
"Para mo naman akong tinrato na parang aso"
"He-he! Di naman"
"Whatever"
Pumunta na kami sa counter at nagbayad sa binili namin na dress. Ang sa'kin ay isang dirty white na may 3inches above knee.
"Tara dun tayo" hinila ako ni Alex pagkatapos naming bayaran ang mga damit. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nahagilap ng aking mga mata ang isang sikat na salon.
"A-Alex! A-nong gagawin natin dito?" tanong ko habang nililibot ang tingin ko.
"Malamang, magpapaayos ng buhok."
"Alam ko pero ayokoo! Ikaw nalang. Hihintayin kita sa labas. Sige bye!" dali dali akong umalis pero nahila niya lang ako.
"Hindi pwede. Mag papaayos ako, mag papaayos ka! PERIOD!"
"Alex naman!"
"No buts."
"Oh Alex, whats makes you brought here?" isang beki ang sumalubong samin.
Nginitian naman sya ni Alex. "Ikaw na ang bahala sa kanya" sabi ni Alex sabay kindat sa beki.
"Of course" pag sang-yon ni bading.
"Hmm, ano kayang babagay sayo?" Sabi niya sabay tingin sakin sa salamin na parang sinusuri.
Mahigit dalawang oras bago idiniklara ng bading na tapos na siya. Nung una ay hindi niya alam kong ano ang gagawin niya sa buhok ko, pero pag bading, maraming paraan. Nakaisip na siya ng babagay daw sa buhok kong may kahabaan. Hindi niya ito puputulan dahil maganda daw ito at natural.
Nilagyan niya ng highlights ang mga buhok ko na kulay golden brown dahil may kaputian naman ako. Ikinulot nya ang nasa dulo ng aking buhok.
"Oh my dear Alex, tapos na ang kaibigan mo." Tawag ng bading kay Alex na kasalukuyang nagbabasa ng magazine. Kanina pa kase siya tapos sa buhok niyang pinaputulan lamang niya ng 2 inches.
"Talaga? Asan?"
"Tadaaa!" pinaharap ako ng bading kay Alex kaya napangiwi ako. Nakita ko na ang itsura ko sa salamin at aaminin ko, bumagay talaga sakin kaso isturbo ang mga alaga kong pimples.
"What the hell?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Alex.
"Minumura mo ba ako?" Inirapan ko siya, oa naman nito.
"Waaaah! Rane OMG! Ang ganda" Sinugod niya ako at niyakap. "Sissy, salamat. Ikaw na talaga" sabi niya sa bading at kinindatan naman siya nito.
"Sus! Ako pa"
Lumabas na kami sa parlor at napagdesisyunang kumain muna bago umuwi. Talagang magugulat si Kuya nito. Bahala na.
Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Friends
Novela JuvenilYung totoo? Wala naman talagang naiinlove sa ugali sa unang pagkikita eh! Ano yun? Kilala mo na agad pag nagkalapit landas 'nyo? Kapag maganda ka, magugustuhan ka talaga. Kaya kahit alam kong hindi naman ako masyadong kagandahan, aba! Biniyayaan ako...