Rane's POV
"Carl?"
"Rane?"Napalingon kami ni Carl sa tumawag samin.
"Kuya?/Dude!" sabay naming sabi ni Carl.
"Anong ginagawa nyo dito sa mall? Class hours ngayon!" Parang galit na sambit ni kuya
Patay tayo dyan!
Ngayon ko lang naalala na nagcutting pala kami. FIRST TIME! Nagcutting ako. O.O
Napitik ko nalang ang ulo ko.
"A-ah a-no kase kuya---"
"May dalaw sya. Kanina may tagos yung uniform nya tapos ako ang nakakita kaya ito." Paliwanag ni Carl.
Tinignan naman ako ni kuya na totoo-ba-ang-sinabi-niya look.
Bahagya akong tumango sakanya.
"Sige. Ingat kayo" huling sabi ni Kuya at umalis na.
Yun na yun? Wala man lang bang OA na reaksyon?
"Ang lakas ko sa kuya mo no?" Mayabang na sabi ni Carl.
"Eh?" Ano daw?
"Wala wala. Tara na." Sabi niya at hinila ulit ako
"San na namam tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta. Sumama ka nalang" Aniya
Hindi na ako nagtanong pa at sumama nalang. Kahit masungit to at magiging mabait na naman, may tiwala parin ako.
***
"Wow. Sayo to?" Namamangha kong tanong.
"Yup. Dito ako nanggaling"
"Ah--- ANO? AMPON KA?" Napasigaw ako ng wala sa oras "Ay sorry"
Nandito kase kami ngayon sa isang Orphanage. Dito pala sya galing, at ngayon naman dahil mayaman na sya (mayaman yung umampon sakanya) sinusupurtahan nya ang Bahay Amponan na to.
Nandito kami sa likod ng bahay ampunan.
"Oo. Pero itinuring na ako nila mommy na parang tunay na anak at masaya ako dahil sila yung umampon sakin"
"Nasan ba yung mga totoong magulang mo?" Bigla kong natanong. "Sorry kung na offend kita, pero ok lang naman kung ayaw mong mag kwento"
"Hindi sinasadya ng tatay ko na mabuntis si nanay, yung totoo kong ina. So ayun, hindi pinagutan ni tatay si inay at hindi rin naman ako kayang buhayin ni nanay kaya kinausap nya ang isang madre dito na babalikan daw nya ako. Dito daw muna ako habang sya ay maghahanap ng trabaho, pero nung dalawang taon ako, nabalitaan nalang nila sister na naaksidente daw si nanay. Tumagal ang isang buwan, inampon ako nila mommy which is ang nagpalaki sakin." Mahabang kwento nya.
Nakita ko na may biglang pumatak na luha sa mata nya.
"Nako sorry! Sabi ko naman kase ok lang na wag ka ng magkwento. Ikaw talaga" sabi ko sakanya.
"Ok lang naman. Gumaan din naman yung loob ko" ngumiti siya.
Napangiti rin ako.
"So hindi ka ba nagalit sa totoo mong mga magulang?" Tanong ko sakanya.
"Kay mama? Hindi naman. Pero sa ama ko, oo. Ang kapal ng mukha nya na buntisin si mama tapos hindi lang din nya pananagutan? Ang bobo lang." Nagtitimpi niya sinasabi.
"Baka may rason yung ama mo."
"Wala akong pakialam"
Mukhang malaki talaga ang galit nya sa ama nya. Kinamumuhian nya talaga eh.
"Punta tayo sa loob?" Aya ko sakanya
Ngumiti muna sya bago tumayo.
"Ayan. Ngumiti ka lang, ang panget mo magdrama eh" tukso ko.
"Nagsalita.." Sambit nya.
Ano daw?
"Anong sabi mo?" Nanlilinsik ang mata ko.
"Sabi ko tara na! Hahaha" umiiling na sabi nya.
"Baliw ka talaga"
"Sayo" may sinabi sya pero di ko narinig.
Baliw na nga talaga. Nagsasalita mag isa eh.
"Kuyaa Caaaaaaaaaarl!" Sigaw ng isang batang lalaki na mukhang nasa apat na taon
"Hi baby Ethan!" Sabi naman ni Carl at binuhat si Ethan daw.
"Baby meet ate Rane. Rane si Ethan" pagpapakilala ni Rane samin ni Ethan.
"Hello baby" nakangiti kong bati.
"I don't like her kuya. She's ugly"
Asdfhjkkllzxcvnmqwedfyupp! ANO? Akala ko pa naman mabait yung batang ito. Parang anghel yung mukha eh.
Ang sakit nun ah. T_T
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Friends
Teen FictionYung totoo? Wala naman talagang naiinlove sa ugali sa unang pagkikita eh! Ano yun? Kilala mo na agad pag nagkalapit landas 'nyo? Kapag maganda ka, magugustuhan ka talaga. Kaya kahit alam kong hindi naman ako masyadong kagandahan, aba! Biniyayaan ako...