Rane's POV
Nakarating nadin si Alex dito. Hay! Salamat naman at may makakasama akong baliw. Para hindi masyadong boring no. Hahahaha
Kasalukuyan kaming naghahaponan ngayon sa gilid ng dagat. May tent naman din kase dito.
Si mama naman, ewan ko kung saan na. So bale kami nalang anim ang nandito. Yung apat na kumag at kami ni Alex.
"Uy gaga! Ano naman ba'ng trip mo? Di pa po tayo mag siswiming. Tss!" Sambit ko kay Alex. Eh kase naman, naka two piece na sya at naghahaponan lang kami. Excited lang?
"Bayaan mo na! Sexy naman ako eh haha"
"Baliw talaga" pabulong na sabi ko.
Bigla ko nama'ng naisip ang halimaw. Hindi ko alam ko'ng sinapian na naman to'ng pangit na to ng masamang espirito. Haha! Joke lang. Eh bigla nalang kase'ng di namanansin tsaka naka poker face pa. tss! Hulaan nyo nalang kung sino.
Madilim narin at nag-aayaan na sila na mag night swimming. Nauna ang bruhalda ko'ng kaibigan doon at sumunod sila kuya.
Nagtaka ako nang nagpaiwan si Laye.
"I know I'm handsome so stop staring at me. It's rude" biglang sabi nya habang nakaupo.
"Kapal. Tss"
Hindi na sya umimik pagkatapos nun. Wala talaga akong plano maligo kaya nanatili muna akong nakaupo. Pero ang plano kong hindi maligo ay nasira dahil sa biglang pagbuhos ng tubig sakin galing sa likod.
"WTF?" galit kong saad habang nililingon ang nakatawang Laye na may dalang tabo.
Tumakbo ito sa dagat at agad nag dive habang itinapon kung saan ang tabo na kanyang dala. Hindi naman ako masyadong mabasa, sakto lang. Sakto lang para mainis ako at mabuhay ang demonyong nasa loob ko.
"LAYE VILLEGO! HUMANDA KA SAKINNN!" Galit kong sigaw at sinundan siya sa dagat. Wala na akong pakialam kung nasira ang plano kong manuod lang sa kanila.
Patuloy parin sa pagtawa si Laye. Nakiisa naman sina Kuya Floyd at Laye kaya tinulungan ni kuya na mapadali ang takas niyo ngunit nasa sakin ang panig ni Ryan at Alex kaya tinulungan nila akong dakpin si Laye habang si Carl naman ay nanunuod lang at natatawa sakin.
Nagawa nilang dakpin si Laye at dun ko siya sinapak.
"Aray naman!" reklamo nito.
"Ayan kase! Ugh! Nakakainis ka. Sana malunod ka." Huli kong sabi at umaktong aalis na pero binigyan ko muna siya ng isang suntok na hindi niya inexpect kaya ako naman ngayon ang napatawa.
Maaga akong nagising kaya naisipan ko'ng pumasyal muna sa tabi ng dagat.
Ini'enjoy ko ngayon ang simoy ng hangin. Medyo madilim pa kase. Naglalakad lang ako habang kumakanta.
"What are you doin' here? It's too early to roam around"
"Ay palaka!" bigla kong sabi at nilingon ko'ng sino yung nagsalita.
Nagulat ako ng si Laye pala.
"I'm not a frog" sabi ni Laye.
"Teka! Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Eh ang aga pa kaya tapos nandito siya sa labas.
"I'm the one who's asking you that so don't ask me in return" mahabang sabi niya. Wow ha!
"Ano'ng meron at nag eenglish ka? Aber ?" nakapamewang ko'ng tanong. Pansin ko lang, kanina pa kami nagtatanungan dito ah!
"Can't you just answer my question? Tsaka hindi pa kita pinapatawad sa ginawa mo kagabi, baka nakakalimutan mo." Medyo naiirita niyang sabi. Bakit ba napakainitin ng ulo nito. Tss.
"Tss. Nagpapahangin lang PO! At hindi ko hinihingi ang kapatawaran mo" in'emphasize ko talaga yung salitang PO.
"Tss" yun lang ang sabi niya at naglakad na.
Anyari dun? Napailing nalang ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sumapit narin ang araw. Napagdesisyonan ko na rin na bumalik para mag almusal.
Nadatnan ko ang aking bruha'ng kaibigan.
"Oh! San ka galing bestfriend?" tanong niya. Umagang-umaga napakahyper niya.
"Bestfriend?" nagtataka akong tumingin at nagtanong sakanya.
"Hehe! Bakit?" pa inosente nyang tanong.
"San mo naman napulot yang salitang yan?" tanong ko.
"Eh bestfriend naman. Hindi napupulot yung salita. Ikaw talaga natural, naisip ko" napa-face palm nalang ako sa sinabi niya.
Matapos mag almusal, napagdesiyunang na babalik daw kami sa Maynila ng quarter to 11.
"Oy bestfriend. Nag enjoy kaba? Ako kase oo. Kyaaaah! Nakasama ko yung crush ko tapos nakausap ko pa. Nakasabay kong maligo. Nakatabi ko rin Waaaaaaa! Heaven" naiirita ako sa mga sinasabi niya.
"Pwede ba! Yang bunganga mo, pakitahimik please lang." sabi ko dito.
"Ito naman. Ang KJ mo friend."
"Loka-loka ka talaga noh?"
"Konti lang. Sige! Push mo lang yang pagkamaldita mo. Ciao! Mag iimpake pa ako. Haha" Jolly nyang sabi. "Nga pala, thank you sa pag pasama sakin. Da best ka talaga Hahaha" Sabi niya at tuluyan ng umalis.
Napailing nalang ako.
Kami nalang anim ang uuwi ngayon dahil nauna na si Mama kanina.
Haaay! May pasok na naman bukas. Nakakatamad.
***
Nandito na kami sa sasakyan ngayon. Ganito yung arrangement namin
Driver -- Kuya Floyd
Alex-Ryan-Ako-Laye
Carl (Loner mga dre)Tulog na sila at ako naman ito, hindi makatulog. Nagulat ako ng biglang dumampi ang ulo ni Laye sa balikat ko.
Pilit kong inalis ang ulo niya sa balikat ko. Nagtagumpay naman ako pero tumama ng malakas ang ulo niya sa window kaya nagising ito.
"Hehe sorry *peace sign*"
Tinignan naman niya ako ng masama. Napailing nalang siya at natulog ulit. Maya-maya, naramdaman ko na naman na bumigat ang balikat ko. Pagkatingin ko, si Ryan pala.
Grabe! Ano ako? Sandigan? Huhu. Pinabayaan ko nalang dahil hirap na hirap na talaga ako sa posisyon namin at di ko maalis ang ulo nito.
"Tss. Chansing!" narinig kong sabi ni Laye.
Napatingin naman ako dito pero nakapikit lang ito
Nagsle-sleep talk ba siya?

BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Friends
Novela JuvenilYung totoo? Wala naman talagang naiinlove sa ugali sa unang pagkikita eh! Ano yun? Kilala mo na agad pag nagkalapit landas 'nyo? Kapag maganda ka, magugustuhan ka talaga. Kaya kahit alam kong hindi naman ako masyadong kagandahan, aba! Biniyayaan ako...