Rane's POV
Hinawakan ko ang curly hair ko na hanggang sa elbow. Tapos sa ibabaw naman nang curl na buhok ko ay ang straight.
Buhok lang ang nag-iba sakin, anlaki na ng pinagbago sa mukha ko. Gumanda ako! Pagbigyan nyo na.
Umuwi muna ako kanina bago pumunta kina Alex at hulog ng langit, wala ang kuya ko sa bahay namin dahil sumama pa talaga si Alex. Buti at sa labas nalang siya naghintay kaya hindi niya nakita ang mga larawan namin ni kuya sa sala. May katawag kase siya tsaka lumabas agad ako ng bahay. Kinuha ko lang ang sandal na gagamitin ko.
"Sige na, isuot mo na yung dress para maayosan na kita" Pambungad niya nang nakarating kami sa condo niya. Tumungo na ako sa CR at sinuot yun. Ano kayang mangyayari ngayong gabi? Mag eenjoy kaya ako?
Ewan ko kung gaano ako katagal nakatutok sa salamin.
"RANE! ANONG GINAGAWA MO DYAN? BAKIT ANG TAGAL MO?" Bigla akong natauhan sa sigaw ni Alex.
Oo nga pala! Naghihintay to sakin.
"Nandyan naaaa!" Dali-dali akong lumabas.
"Anong ginagawa mo dun at napakatagal mong lumabas, aber ?" nakapamewang nyang tanong sakin.
"Naglabas lang" sabi ko para tumahimik to.
"Eewww! Kadiri ka" sabi niya habang lumalayo sakin.
"OA nito. Ito oh, kamay ko!" Inilapit ko yung kamay ko sakanya.
"Wag kaaaa! RANE! PAG HINAWAKA- Kyaaaaah!" Yun tumakbo na.
"Pfft hahahahahaha. Ang arte mo"
"Che! Bahala kang ayosan sarili mo"
"As if naman totoo akong nag bawas noh! Dali na. Baka ma late tayo"
"Ewan ko sayo."
Naka pout syang lumapit sakin.
"OA mo" natatawang sabi ko.
"Eh ikaw kase eh!"
"Sorry na po"
Natigil na yung pag-uusap namin nang simulan na niya akong ayosan. Pumwesto na ako sa harap ng salamin niya. Nakabandera na ang mga gamit niya sa make up. Mostly, naked at nudes ang brand ng make up niya.
"Kukunan ko ang eyebrow mo ha?" Sabi niya at naghanda ng puller.
"Ha? Wag ang sakit niyan." Sabay iwas ko sa mukha ko.
"Huy! Hindi to masakit, wag ka ngang igno." Sabay hila niya ulit sa mukha ko at nag posisyon na para kunan ang aking kilay.
"Aray naman." Reklamo ko nang napapasakit na talaga.
"Wag ka kaseng malikot."
"Bakit ba kase hindi nalang blade ang ginamit mo?" Nakita ko kase yun sa internet.
"Malapit na to, tumahimik ka nalang." Ay galit si lola?
Natapos na siyang purmahin ang kilay ko at nag drawing na dito. Kilay is life nga daw kaya dapat ang kilay ko ay on fleek. Maganda naman ang pagkakagawa niya at nagustuhan ko iyon. Sa eyeshadow naman ay inuna nyang lagdan nang dark brown sa outer lid ng mata ko. brown naman sa middle lid at inner lid ang nilagay niya. Sa outer crease ay nilagyan niya ng brown. Sa above crease naman ay light brown. Sa ilalim naman ng brow ko ay nilagyan niya ito ng concealer. Ine-explain pa talaga niya kada lagay niya ng eyeshadow kaya nakabisado ko ito.
Pagkatos ay nilagyan niya ng eyeliner ang dalawa kong mata. Pumikit muna ako at nagsimula siyang gumawa ng light line para sa nose line. Nang binuksan ko ang mga mata ko ay nialgyan niya ng mascara ang mga eyelashes kong may kahabaan naman. Pagkatapos ay isang blush on na hindi mo mahahalata.
Last part ay lipstick na pink dahil bagay daw ito sakin. Isa itong nude lipstick at nagustuhan ko talga ang quality nito.
"Ayan at tapos na po, kamahalan" Nag-aakto pa siyang parang sinisilbihan ako.
"Ang galing mo ha."
"Ako pa ba!" Mayabang na tugon niya.
"Pero teka nga Rane. Kita mo ang pag-iba ng itsura mo? Ang ganda mo ah. Lalo na't natatabunan ang pimples mo sa foundation. Para kang artista eh. Mas gumanda ka sakin kahit ang sakit sa part ko, aaminin ko." aniya habang nakikipagtitigan sakin sa salamin.
"Mambola ka pa. Mag make up kana kaya diyan para hindi tayo ma late?"
Pinilig niya ang ulo niya. "Ay oo nga. Malapit nang mag alas siyete. Pero Rane, ganito kase yan, it's better to be late than arrive ugly." Saad niya at kinindatan ako.
"Baliw"
"Anong nakakabaliw dun? E katotohanan naman yun"
"Oo na, oo na. Mag-ayos ka na kase diyan"
At ayun na nga, nagsimula na siyang mag make up sa sarili niya habang ako ay nakaupo lamang na pinagmamasdan siya. Parang sanay na sanay na talaga siya sa gawaing ito.
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Friends
Teen FictionYung totoo? Wala naman talagang naiinlove sa ugali sa unang pagkikita eh! Ano yun? Kilala mo na agad pag nagkalapit landas 'nyo? Kapag maganda ka, magugustuhan ka talaga. Kaya kahit alam kong hindi naman ako masyadong kagandahan, aba! Biniyayaan ako...