Its been a week since bumalik si Jayson sa Pilipinas. It had also been a week since inannounce ni Jayson ang relasyon nila ni Nicole. At isang linggo na din magmula ng iwan sya ni Jayson na mag-isa sa napakalaking bahay na ito. Si manang kasi ay nakabakasyon ng dalawang buwan ngayon dahil nanganak ang anak nito kaya't silang dalawa lamang sana sa bahay sa susunod na dalawang buwan. Ngayon, ay mag-isa na lamang sya. Kung alam nya lang na ang pag-alis nito sa Pilipinas dalawang linggo na ang nakakaraan ang magiging huling araw ng masasayang araw nya, edi sana, hindi nalamang niya ito pinayagan.
Pero ano namang magagawa ko kung di ako papayag? As if naman di nya itutuloy ang pag-alis nya.
Masakit man aminin pero nung umalis ito, ni isang tawag sakanya ay hindi nito ginawa. Nung dumating ito, akala nya ay sakanya parin ito uuwi, pero nagkamali sya. Tuluyan na pala sya nitong iniwan.
Isang linggo na din syang nagkukulong sa bahay na ito at patuloy ang pag-iyak.
Ano bang gagawin ko? Makipag agawan? Hindi pa man nag-uumpisa, alam kong talo na ako.
Nagising sya sa malalim na pag-iisip ng may mag-door bell. Nagmadali syang nag ayos ng sarili.
Baka si Jace na yan. Naalala ba nya? Sana oo. Sana naalala nya na kaarawan ko ngayon. Sana sya ang nasa labas at sabihin nyang babalik na sya sa akin.
Her birthdays when her and Jayson was still together was the best birthdays of her life. Wala naman masyadong espesyal na ginagawa ang lalaki. Madalas ay binibigyan lamang sya ng regalo pagkatapos ay pupunta sila sa puntod ng anak nila, kakain sila sa labas at magcecelebrate ng magkasama. Di man engrande pero sobrang saya nya. Minsan nya lang kasi maramdamang mahalaga sya. At sa limang taong pagsasama nila ni Jayson ay hindi ito pumalyang iparamdam sakanya iyon.
Sa pagbukas nya ng pinto, ang malaking ngiti na makikita sa kanyang labi ay kaagad na napawi.
"Dad" mahina nyang sabi sa taong sumalubong sakanya sa labas ng kanilang tahanan.
"Hindi mo ba kami papatuluyin ng mommy mo sa bahay NYO ng asawa mo Stephanie?" Masaya na din sya na kahit papano ay nandito sila.
Siguro naman ay naalala nila ang kaarawan ko kaya sila na andito.
Kahit na maaaninag sa mukha ng Dad ny na masama ang mood nito ay umaasa parin syang naroon ang mga ito para sa kaarawan nya. Para kay Stephanie naman ay walang sapat na dahilan para magalit ang mga magulang sakanya at sumugod dito. Wala naman syang pagkakamaling nagawa para kagalitan ng mga ito. Ganyan lang talaga ang kanyang ama at di nagpapakita ng emosyon.
Baka nais nila akong batiin ng personal. Nakakahiya. Hindi ako nagluto. Pero magluluto ako maya maya, para sakanila.
"Tuloy po kayo Mom, Dad." Pinaupo nya sila sa sofa ngunit nanatiling nakatayo ang kanyang ama at masama ang tingin sakanya. Napayuko na lamang sya. Kahit ama nya ito, naiintimidate pa din sya dito . Takot sya sa kanyang sariling ama noon pa man.
"Mabuti po at naalala ninyo at dumalaw kayo, pero di pa po ako nakakapaglu---" napatigil sya sa pagsasalita ng isampal sakanya ng ama ang isang dyaryo. Napatingin sya dito at napaluha. Napahagulgol sya di dahil sa sakit ng sampal ng kanyang ama kundi dahil sa nakasulat sa newspaper Actor Jayson Ricafort admitted relationship with actress Nicole Landayan. Yan ang nakasulat sa headline ng newspaper.
![](https://img.wattpad.com/cover/31266012-288-k225617.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent cry of a wife (STORY UNDER REVISION)
ActionFrom being a simple woman to a wife of a well-known man. From having a simple yet happy life to having a complicated and unpredictable life. Join Stephanie Anne as she face her very challenging life.