2:

8K 147 1
                                    


Hindi alam ni Stephanie kung bakit sobra syang apektado sa napanuod. Alam nya namang may kalove team ang asawa nya. Hindi naman iyon maiaalis sa showbiz. Hindi nya lang talaga inexpect na si Nicole na dati narin nitong ka love team pala yon. Ang sakit para sakanya. Masakit pala na marinig mula sa sarili mong asawa na espesyal parin para dito ang dati nitong katambal sa harap ng kamera. Ang kauna-unahang minahal. Ang babaeng nag-let go lamang para sakanya.


Hindi nya alam kung saan nanggagaling ang mga luhang inilalabas ng mga mata nya, pero isa lang ang nasisiguro nya, nasasaktan sya. Nasasaktan sya hindi dahil baka maagaw si Jayson sakanya kundi dahil baka bawiin ito ni Nicole sakanya. Baka bawiin ang lalaking mahal nya ng taong una naman talagang nagmay-ari dito. Dahil sa kwentong ito, sya man ang kasama ngayon, sya man ang asawa, sya parin ang nang-agaw. Natatakot syang sa huli, si Nicole na yung pipiliin. Sa huli, sya na yung iiwan.


"Don't cry baby. Please" napatingin sya sa nagsalita at nagulat na nakapasok na pala si Jayson.


"Paano ka nakapasok?"

"I have my keys" tinignan nya ang hawak nitong susi at inirapan na lamang ang lalaki. Tumalikod na lang sya para hindi sya nito makita. Pinipilit nyang pigilan yung luha nya pero hindi nya magawa.

"Baby, that was nothing. Come on. Stop crying. Let's talk." Pilit sya nitong pinapaharap sakanya at ng magawa na ay mahigpit sya nitong niyakap. Napaiyak nalang si Stephanie dahil sa yakap na iginawad ng lalaki sakanya.

Alam nyang gusto nitong pakalmahin sya. Alam nyang sincere ito na wala lang iyong napanood nila pero hindi sya mapakali. Hindi sya mapanatag. Nasa puso nya yung takot na baka iwan sya nito ngayong nagkita na silang muli ng unang babaeng minahal nito.

"God. Bakit ba hindi ko nalang pinatay agad ang tv?" nagsisising bulong ni Jayson sa sarili na narinig naman ni Stephanie. Sorry baby. Stop crying please. Steph" ramdam nya sa higpit ng yakap nito ang sinseridad pero hindi nya maalis ang takot sa puso nya.

"Why Jace?. Why? Am I not enough?Tanggap kong nagsinungaling ka tungkol sa totoong estado ng relationship mo. Tanggap kong itinatago mo ako pero ang di ko matanggap ay yung mga sinabi mong kasunod non. Akala ko ba matagal nang wala. Pero inamin mo in front of many people that you still feel something for her. That she is special for you. It burdens me. It hurts. It really hurts and I can't help it" Tinitigan ko sya. Gusto kong malaman kung ano ang totoo nyang nararamdaman.

" baby, its true. Matagal ng wala pero..."

"Pero ano?" nakatingin ito sakanya na wari tinatantsa kung sasabihin ba nya kay Stephanie o hindi ang nasa isip nya. Tinapatan ni Stephanie ang intensidad ng tingin ng lalaki.

Kakayanin ko. Kakayanin ko. Ako ang asawa at ako ang may mas higit na karapatan.

"Wala. Wala."

"Meron kang gustong sabihin" itinulak nya ito upang magkaroon sila ng distansya sa isa't isa. Alam nya at nasisiguro nyang masasaktan sya sa sasabihin nito pero pipilitin nyang maging matatag. Kailangan nyang malaman. Para maging handa sya. Para makalaban naman sya ng patas. Maaaring oo, nang-agaw sya nung una pero mahal nya si Jayson at hindi nya ito isusuko ng basta basta. Ipaglalaban nya ang taong mahal nya.

Silent cry of a wife (STORY UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon