8:

6.1K 123 4
                                    

"Good Morning Atty. Garan"

Tumayo ang abogada sakanyang upuan at nakangiting iginiya sa upuan si Jayson. "Napaaga ka yata Mr. Ricafort?"

"It was just not my attitude to delay my appointments"

" oh. I see. So, maghintay nalang tayo sandali para sa pagdating ni Mrs. Ricafort." Mapang-asar nitong sabi at binuksan ang TV sakanilang harapan upang malibang sila habang sila'y naghihintay.

Napairap na lamang si Jayson sa itinuran ng abogada. Matagal ng kilala ng kanilang pamilya ang abogada. Siya ang tumayong family lawyer ng mga Ricafort matapos pumanaw ang dati nilang abogado na ama nito. Bagaman dalawang taon pa lamang ang itinatagal nito sa propesyon, ay masasabing isa ito sa pinakamagaling na abogada sa bansa. Napaka propesyonal nito at ipaglalaban nito ang alam niyang tama. Para dito'y hindi sya magiging isang magaling na abogado kung papanig sya sa mali.

"Jayson, pwede ba tayong mag-usap ng maayos, yung ako hindi bilang abogado mo, kundi bilang kaibigan mo?" Napatingin si Jayson sa dalaga at nangunot ang noo. Hindi sya nagsalita at hinayaan ang abogada na ipagpatuloy ang nais nitong sabihin.

"You see, Steph and I were really close, at alam ko na mahal ka nya. Jayson don't you think nagpapadalos dalos ka sa desisyon mo? Hindi kaya nabibigla ka lang? I mean, 4 years kayong nagsama, napaka impossible naman na wala kang nabuong kahit konting pagmamahal at malasakit para sakanya. Stephanie is such a charming and intelligent girl, hindi sya mahirap mahalin. Kung ayaw mo talaga sakanya, bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang naisip na hiwalayan sya?"

"Akala ko kasi kapag pinursue ko yung relationship namin magiging maayos ang lahat, but I was wrong. Hindi ko alam, sa tuwing nakikita ko sya, naaalala ko kung paano nawala ang anak namin sa amin. At kapag naaalala ko yon, naaalala ko kung paano nya sinira yung relasyon namin ni Nicole. I did everything to forget, naging sweet ako sakanya and the likes. Pero wala eh, bumabalik at bumabalik padin yung sakit. Ngayon na bumalik na si Nicole sa akin, di ko na hahayaang sya nanaman ang maging dahilan ng pagkakahiwalay namin."

Napatingin si Jayson sa kausap at nakita nyang napailing ito. " hindi mo na mahal si Nicole Jayson, you were just fed up with your belief na mahal mo padin sya at si Stephanie ang nakasira non. You love Stephanie, ayaw mo lang aminin. Kasi pakiramdam mo kasalanan nya ang lahat. Gusto mo syang saktan to fulfillment in you life. Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan? Hindi mo-"

"HOW CAN I LOVE SOMEONE WHO KILLED MY OWN CHILD? PANO MO NASASABING MAHAL KO SYA EH GALIT NGA YUNG NARARAMDAMAN KO. AYOKO SYANG MASAKTAN PERO DI KO KAYANG IBIGAY ANG PAGMAMAHAL KO SA TAONG IPINAGKAIT SA ANAK KO ANG MAKITA ANG KAGANDAHAN NG MUNDO" madiin na wika nya. Nasasaktan sya sa tuwing nasasaktan si Stephanie, pero nasasaktan padin sya sa pagkawala ng anak nila. Tumayo ang abogada at malungkot na ngumiti.

"You don't know what really happened. Walang ina na gustong mamatay ang anak nya. Hindi yun ginusto ni Stephanie. Bakit ba sa loob ng apat na taon, hindi mo siya nagawang tanungin kung ano nga ba ang nangyare? Malay mo, isa ka pala sa dahilan ng pagkawala ng anak ninyo."

Napatingin ang binata sakanya. "Anong-"

Pinutol ng abogada ang sasabihin nito. Tinapik ng abogada ang likod nito at ngumiti. "Kukuha lang ako ng maiinom natin sa kusina. Parating na si Stephanie"

Umalis ang abogada sa kwartong iyon at iniwan syang gulong gulo sa mga sinabi nito. Ako? Isa sa dahilan ng pagkawala ng anak namin? Ano ba talaga ang totoong nangyayare? Wika nya sa kanyang sarili.


"I'm sorry, I'm late" mahinang wika ng babaeng nagpabalik sakanyang ulirat.


Silent cry of a wife (STORY UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon