17:

3.5K 72 11
                                    

"Ma'am kinakailangan nyo pong sumama sa amin"

Napataas ang kilay ni stephanie ng marinig ang sinabi ng lalaking kanyang kaharap. Lumapit ito sakanya at sakanyang mga anak bago pa man sila makapasok sa kwarto ng kanyang mga magulang.  Inaalalayan sya nito palayo sa kwarto  at ang mga kasama naman ng mga ito ay umaalalay din sakanyang mga anak. Nang tinanong nya kung ano ang pakay ng mga ito at kung bakit nila tinatahak ang daang kabaliktaran ng kwarto ng kanyang magulang ay iyon ang naging sagot sakanya ng lalaki. Tumigil si Stephanie sa paglalakad at hinarap ang lalaki.



"At bakit naman namin kailangang sumama sainyo?" Mataray nyang tanong dito.

"Iyon po ang utos ni Bossing Ma'am. Ligtas po kayo sa kamay namin wag po kayong mag-alala."



"Sino naman yang Bossing nyo?" Nanatili lamang si Stephanie sakanyang pwesto. Hindi nya kilala ang lalaki at matapos ang mga naganap sakanyang magulang at ang mga pababantang natatanggap nya ay nais nyang mag-ingat.





"Jayson Ricafort po Ma'am"

"Si Jayson? Nasaan sya? Bakit nyanaman ako ipapasundo sainyo? Malay ko ba kung sino kayo." Mataray paring wika ni Stephanie sa lalaki. Bahagya lamang umiling ang kausap at may kinuha mula sa likurang bulsa nito.



" Ms. Stephanie, ako po si Salvador Bueno. Ako po ang head security ni Sr, Jayson, Matagal na po akong nagtratrabaho sa mga Ricafort kung kaya't hindi nyo po kinakailangang pagdudahan ang aking kakayahan" Magalang na wika ng lalaki habang ipinapakita ang kanyang identification card sa dalaga.


"But I want to visit my  parents. Gusto kong malaman ang lagay nila Mr. Bueno."


"Naiintindihan ko kayo Ma'am. Pero hindi pa po kayo ligtas sa mga oras na ito. Iniisip lamang po ni Mr. Ricafort ang inyong kalagayan kung kaya't kinakailangan nyo pong makaalis dito sa lalong madaling panahon. Makasasama po  para sa mga bata ang pananatili nyo dito."


"But how about mom and dad?"


"Huwag po kayong mag-alala. Mayroong ng mga nakatalagang tao na syang magbabantay bente kwatro oras kay Mr. and Mrs. Nexus"


"Alright.  Sasama ako at ang mga anak ko sayo ngunit siguraduhin mo lang na walang masamang mangyayare sa mga magulang ko" Tumango ang lalaki at sumenyas na sa mga kasama nito na dalhin na ang mga bata sa sasakyan.


"And one more thing. Gusto kong makausap si Jayson pagdating na pagdating natin sa mansyon nya"


"Masusunod ma'am. Tara na po." Magalang na saad nito at pinauna na sa paglalakad ang babae.

---

Nang marating ang tahanan ng kapatid ni Stephanie na si Spencer ay agad na nakapasok si Jayson. Lubos ang kanyang pagtataka kung bakit naiwang hindi nakasarado ang pintong iyon ng bahay. Matagal na na walang tumitira sa tahanang iyon.  Simula ng mamatay ang kapatid ni Stephanie ilang taon na ang nakakalipas ay wala na na kahit sino pa man ang muling tumuloy sa bahay na iyon. labis ang sakit na naidulot ng pagkawala ng panganay na anak ng mga Nexus kung kaya't wala na ding kahit na sinong nag-nais pa na bumalik sa tahanang ito. Maging ang asawa at anak na lalaki ni Spencer ay umalis na sa tahanang ito matapos ang di magandang pangyayare ilang taon na ang nakakalipas.

Silent cry of a wife (STORY UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon