Chapter-3 Tell me the truth

67 1 0
                                    

"Akala ko naman boyfriend mo, pero infairness, ang gwapo nya. Matangkad at kaakit-akit.
nga pala, napansin ko na lagi kang naaksidente. Hindi kaya sya ang sundo mo? hindi kaya sya ang Angel of Death?"(Andie)
"Wala ka na bang ibang sasabihin? Puro na lang kabaliwan yang mga sinasabi mo. Hindi mo ba alam yung salitang nagkataon lang? "(Xandrite)
"Ito naman, hindi mabiro. Baka naman,Sya ang Destiny mo? uiii... pumapag-ebeg ang bff ko ayieee "(Andie)
"Alam mo, male-late tayo sa pag pasok sa class room."(Xandrite)
"Bakit naman? maaga pa naman ah. "(Andie)
"Alam mo kung bakit? dahil hindi kita titigilang kilitiin hanggat di ka tumitigil sa pang aasar."(Xandrite)
Agad na tumayo si Andie at humarurot ng takbo sabay sumigaw ng "sorry ka di ako male-late ahahha " habang si Xandrite ay tumayo narin at tahimik na tumatawa dahil sa reaction ng kaibigan.

Baliw na talaga ang kaibigan ko hahaa sabi ni Andie. Habang tumatakbo si Andie hindi nya napansin na may tao sa harap nya na naglalakad. At ayun na bunggo nya ito.

"Ayyy.... pasensya kana! Hindi kita napansin, sorry talaga ah."(Andie)

Sabay natigilan si Andie sa sasabihin. Dahil hindi sya makapaniwala na yung lalaki na nakausap nya last week ay nasa harap nya ngayon. Ang lalaki na naging dahilan kung bakit hanggang ngayon nalilito parin sya kapag nakikita nya ito. Dahil sa isang side nya alam nya na nakita na nya to at parang nagkasama na sila,ngunit hindi nya alam kung pano sasabihin sa lalaki. Dahil baka isipin nito na nababaliw na sya, kaya isinaluob na lang nya.

"Ah ok lang. Hindi rin kasi ako tumingin. Pasensya na din."(Gin)

"Ah. Sorry ah. Dahil sa pag takbo ko nabangga kita at natapunan ka pa ng iniinom mo. Sorry talaga ah. "(Andie)

"Don't worry its just a coffee. Ammpp...what if palitan mo na lang ung coffee ko? Yun ay kung ok lang sayo? By the way may class ka ba ngayon?"(Gin)

"Mamaya pa naman,medyo maaga lang ako. Oh sige tara sa canteen. Para makabawi naman ako sayo,at makapag pasalamat narin sayo dahil tinuro mo sakin yung clinic last week. Thank you uli. "(Andie)

"Oo nga pala, kamusta na yung kaibigan mo? Magaling na ba sya?"(Gin)

"Oo,naghahabulan na nga kami ngayon eh. Sya yung may kasalanan kung bakit ako tumatakbo at kung bakit kita nabunggo."(Andie)

"Ganun ba? Bakit ka naman niya hinahabol?"(Gin)

"Kasi niloloko ko sya hehehe "(Andie)

"Kaya naman pala eh. Ikaw talaga ang kulit kulit mo parin hanggang ngayon, di ka pa rin nagbabago."(Gin)

Habang naglalakad sila Gin. Hindi naiwasang mapatigil sa paglalalad si Andie . Bakit ganon na lang kung makipag usap sa kanya si Gin? Para bang matagal na silang magkakilala? Ngunit walang maalala si Andie. Gusto kong magtanong, dahil base sa kinikilos ni Gin ay parang magkakilala kami, pero hindi lang basta magkakilala. Parang malapit talaga kami sa isa't isa. Gin? Bakit ba naging palaisipan ka pa sakin, dapat di nakita iniisip.Dahil mas lalo lang akong malilito at mahihirapan. Pero ngayong kasama kita, biglang humihinto ang mundo ko. Diyos ko, ayokong magtaksil o lokohin si William, mahal ko sya at mahalga sya sakin. Pero nais ko lang malaman kung sino talaga si Gin o kung ano sya sa buhay ko.

"Anong gusto mong orderin?"(Gin)

"Kahit ano na lang"(Andie)

"Ok. Cappuccino na lang. Tutal yan naman palagi ang ino-order mo. Ako na ang magbabayad, hindi ko hahayaang babae ang manglilibre sakin. "(Gin)

si Andie nalilito.

"Kung ganon naman pala bakit sinabi mo pa na ako ang manglilibre sayo kung ayaw mo naman palang ikaw ang tinit-treat.?"(Andie)

The Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon